CHAPTER 20

38.9K 1.4K 452
                                    

Chapter 20

Finn Pov

Malapad ang ngiti ko nang makalabas ako sa kwarto namin ni Desmond at yakap-yakap ko na ang iyong biniling salbabida niya. Sa kabila nang nagwawala kong puso sa loob ay malaki pa rin ang ngiti ko. Bakit ako nakangiti ng ganito? Of course, una hindi nagalit si Desmond sa akin. Pangalawa, pumayag na siyang magsuot na ako ng ganito. Hindi ko man maintindihan kung bakit ayaw ni Desmond na nagsusuot ako ng ganito pero masaya na ako na nang malaman ko na di siya galit. Tapos sabi niya pa bagay naman daw sa akin. At panghuli makakaligo na sa dagat sa wakas!

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan sana ang ngiti ko pero di papa-awat e. Kumakawala talaga.

Napatingin ako sa labas. Ang ganda nang panahon. Mula dito sa living area ay nakikita ko ang labas na maaliwalas na maaliwalas ang paligid.

I was on my way palabas nang may magsalita sa likod ko.

"And where do you think you're going, Finn?" Si Desmond. Nilingon ko siya at nakita ko siyang walang pang-itaas at nakapantulog niya lang sa ibaba.

Naiwan kasi siya kanina doon sa bathroom ng kwarto namin. Pinalabas niya lang ako nang una dahil may gagawin pa daw siya doon.

He crossed his arms in front of his massive chest and fixed his eyes on me.

Ngumiti ako sa kanya na kinaliit ng mata niya.

"Maliligo na sa dagat." Masaya kong wika at napatalon nang konti sa sobrang excitement.

"No!"

"Ehh?"

"Ehh?" Ginaya niya ako at naglakad siya papalapit sa akin. Di pa rin nagbabago ang ekpresyon doon sa mukha niya. "Hindi ka muna maliligo sa dagat na ganito ang suot." Tinuro niya ang suot ko.

"Desmond naman. Gusto ko na maligo." Pinadyak ko ang paa ko sa sahig.

Ngumisi si Desmond sa akin.

"Maliligo ka pero sa pool muna, sa hapon na ang dagat. Look," tinuro ni Desmond ang labas. Ngumuso naman ako. "it's still hot out there. That is why dito ka muna sa pool. Don't worry gaya ng sabi ko sayo. Maliligo rin tayo d'yan and even play, okay?" aniya at piningot ang ilong ko.

Humaba pa lalo ang nguso ko pero tumango pa rin ako sa kanya.

"Promise?"

Gusto ko na kasing makasiguro. Bukas uuwi na kasi kami. Tapos di pa ako nakakatapak sa dagat!

"Silly, baby boy. Of course." Anito at ginulo ang buhok ko.

Kinuha ni Desmond ang cell phone niya mula sa bulsa ng kanyang pants.

"What do you want for breakfast, Finn?" tanong niya.

Nag-isip ako kung ano ang gusto ko kaso wala naman pala akong alam sa mga sini-serve dito. Pero gusto kong kumain ng saging. Something na may banana. Ganoon.

"Mayroon ba sila dito Desmond na ang flavor ay banana?"

"Banana?" Ulit niya.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon