CHAPTER 12

34.6K 1.3K 643
                                    

Chapter 12




Finn Pov

"Omg! Nakita mo in person si Zofia?!" pag-eksaherada ni Jaheer nang maikwento ko sa kanya ang nangyari noong nakaraang araw.

Pinalobo ang bibig ko at tumango sa kanya. Pasimple kong tinulak ang sariling duyan. Nandidito kasi kami ngayong dalawa ni Jaheer sa maliit na park dito sa loob ng MV. Tapos nakakatuwa na may naglalako ng sorbetes dito. Mukha kasing yayamanin lang ang nakatira dito at nagulat ako na may nagtitinda ng sorbetes.

Tumango ako sa kanya. "Sikat ba si ate Zofia, Jaheer?" tanong ko sa kanya.

Napahilamos siya sa kanyang palad.

"Omg! Oo! Oo napakasikat niyang modelo. Isa 'yan sa Victoria Secret Angels."

Di ko maintindihan si Jaheer doon sa Victoria Secret Angels niya pero tumango ako sa kanya at muling tinulak ang sariling duyan dahil tumigil na ito.

Maya't maya ko ring dinidilaan ang ice cream na binigay niya sa akin. Libre niya pala sa akin.

"Finn." si Jaheer.

"Hmm," ako at dumila doon sa sorbetes ko. Natutunaw na iyon kaya naman dinilaan ko iyon ng mabilis.

"Oh my gosh!" may pagka-arteng sigaw ni Jaheer kaya napatingin ako sa kanya.

"Jaheer, okay ka lang?" tanong ko sa kanya na nakakunot ang noo sa akin.

"Gosh!" aniya sabay irap. "You looked like you are lapping a cock!"

Kumurap ako. "C-cock?"

"Aish!"

"Manok? Naku Jaheer ang sarap din kaya ng manok sipsipin." ani ko na kinairap na naman niya at bumuntonghininga.

"Uggh!!! You have no hope, Finn, and I pity Desmond."

Kinunutan ko siya sa noo ko. Inubos ko na lang ang ice cream ko bago pa man iyon tuluyan nang matunaw.

Tinigil ko ang duyan ko at tiningnan ko nang maayos si Jaheer nang may maalala pa ako na nangyari noong lumabas kami ni Desmond. "Pero Jaheer may kilala ka bang AJ?"

Tumigil din siya doon sa kaka-duyan.

"AJ?"

"Oo magandang lalaki siya Jaheer at maganda ang hubog ng katawan. Nagpakilala kasi siya kay Desmond tapos MD pa ang tawag niya kay Desmond. At mukhang kilala nila ate Zofia at ate Andrea si AJ." kwento ko sa kanya.

"Omg! AJ Aquino?"

Nagkibit ako nang balikat dahil AJ lang naman ang alam ko.

"Gosh! Kung si AJ Aquino iyan. Kabahan na tayo d'yan Finn. Isang malanding lalaki daw iyan." aniya sabay abot sa kamay ko.

"Anong ibig mong sabihin na malanding lalaki, Jaheer?"

Nginiwian niya lang ako.

"Basta makati iyang lalaki." Ani Jaheer. Hinigpitan niya ang pagkakahawak doon sa kamay ko. "Papayag ka ba na maagaw sayo si Desmond?"

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon