CHAPTER 16

33.7K 1.2K 131
                                    

Chapter 16

Desmond Pov

I almost banged my head on the wall. Nandidito ako ngayon sa shower room at naalala ko ang tinawag ko kay Finn kagabi. Did I really call him... Habibi? Nasabunutan ko ang buhok ko at nagpailalim sa lumalagaslas na tubig.

Nasanay na ako na lagi kong katabi si Finn. Of course! I only saw him as my younger brother, so what's wrong with sleeping in one bed? Gusto niya naman na katabi ako. At wala naman akong naging problema doon kaya okay lang sa akin. Pero alam ko rin sa sarili ko na as day passes may nagbabago sa sa akin. At natatakot ako sa mga pagbabagong ito sa akin.

Nakakaramdam na rin ako nang hindi dapat kaya naman habang maagapan ito ay aagapan ko sa abot ng makakaya ko.

Lumabas ako ng shower room at nagbihis na ako para sa trabaho. Nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Finn. Isa ito sa nakasanayan ko na rin.

He pouted, like what he always does.

"Desmond gusto ng milktea."

Kumunot ang noo ko pero nagpatuloy ako sa pagbibihis ko.

"You want a milktea?" I asked him. Bakit bigla-bigla siyang nagkagusto doon sa milk tea.

"Oo, sabi kasi ni Jaheer masarap daw iyon, Desmond. Pero di niya ako masasahan ngayon e, kasi may gagawin daw siya." He answered.

Napasuklay ako sa basa kong buhok at inayos ko ang butones na nasa bandang wrist ko nang maramdaman ko ang presensya ni Finn sa harapan ko at tumingkayad siya para maabot ang ulo ko at pinunasan ang basa kong buhok. Saglit ako natigilan doon dahil sa gulat.

"Yumuko ka, Desmond. Ako na magpupunas sa buhok mo."

He really liked pouting those lips. I gulped before lowering my head to him. 

I saw the ghost of a smile form on his pale lips. 

"Papayag ka ba Desmond na aalis ako. I really want to try milk tea." Muli na niya namang anang sa akin.

"Okay." sagot ko sa kanya.

Pokus na pokus siya doon sa pagpupunas ng buhok ko at ngumingiti pa siya doon at ngumunguso.

"Finn," tawag ko sa kanya.

"Desmond?" Tumigil siya sa pagpunas ng buhok ko binaba ang kamay niya. Nakayuko pa rin ako at nakatingin sa kanya. 

"Can I kiss you?" bulaslas ng bibig ko bago ko pa napigilan ang sarili.

"E-ehhh..." he seems breathless.

"Hmm, nevermind." Nagulo ko na naman ang buhok ko sa inis sa sarili.

Umayos ako nang tayo at inayos ko ang damit ko saka tinalikuran siya.

"Ayaw ko n'ong French Kiss, ah, kung iyon ang gusto mo."

Napadaing at naihilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko nang marinig ko iyon galing sa kanya. Hindi pa ba niya nakakalimutan iyong tinanong kong French Kiss noon?

"Finn." anas ko.

"Okay lang sa forehead at sa cheeks." Inosenteng ngumiti si Finn sa akin na kinalukot ng mukha ko. How can I do this to this innocent boy? Obviously, he really want a friendly kiss. "Ehh, ayaw mo?" He pouted again.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon