CHAPTER 18

34.5K 1.1K 222
                                    

Chapter 18

Finn Pov


Kanina habang papunta pa lang kami dito ay maayos naman ang mood ni Desmond. Tumatawa pa kami. Kinukulit ko pa siya at kinukwento ko pa sa kanya ang mga gusto kong gawin dito sa loob ng tatlong araw. Kaso nang dumito na kami sa villa ay nagwala na siya nang magbibihis na sana ako. Natagalan kasi ako sa pamimili ng damit dahil ang iikli pala ng mga pinadala ni Jaheer sa akin na mga damit. Kaya naman di agad ako makapili. Nabagot siguro si Desmond sa kakahintay sa akin sa labas kaya naman pumasok siya sa silid kung saan dapat ako magbibihis. At nang makita niya ang mga damit na pagpipilian ay pumutok na ang ugat niya ulo na siyang kina-alburuto niya.

"Desmond magkatabi ba tayo ng kwarto?" tanong ko sa kanya nang makababa kami sa sinasakyan naming van.

"Let me." aniya sabay kuha doon sa maleta ko na kulay pink. Iyong pinahiram ni Jaheer. Kusa ko naman iyong binigay sa kanya at hinabol ang kanyang malalaking hakbang.

"Gusto mo bang hiwalay ang kwarto natin o gusto mong sama tayo sa iisang kwarto." ani Desmond habang hila-hila ang dalawang maleta namin.

"Iisa na lang tayo ng kwarto, pwede?" tanong ko.

"Okay. One room, it is."

Habang naglalakad kami ni Desmond patungo doon sa villa na aming uukupahin ay di ko maiwasang di mamangha sa pinong-pino at napakaputing buhangin. Tapos ang linis ng asul na dagat. May mga palm trees din. At napakarami pang turista at iyong ibang turista ay nagpapakasawa sa mga water sports sa lugar.

Nanlalaki pa ang mata ko nang makita ko iyong iba na naglalambingan sa tabing dagat. Tapos iyong mga suot nila. Naka-two-piece lang mostly nakikita ko. Grabe! Ang dami ring mga magaganda at gwapo. Kung nandidito si Jaheer ay mag-ienjoy din iyon dito, sigurado ako. Marami ring couples dito at ang sweet-sweet nila.

Wala sa sariling napatingin ako kay Desmond na naka-suot ng sunglasses. Tapos naka hawaian shirt na nakabukas ang apat na butones at naka shorts. Kitang-kita iyong malapad at kulay karamel na dibdib ni Desmond at napapasilip na rin ang kanyang nipples sa paraan ng kanyang pagsuot doon sa kanyang top. Tapos iyong binti niya rin na may mga konting balahibo. Nakakakiliti nga iyon e.

Mainit ang panahon at alam kung namumula na siguro ako ngayon pero nararamdaman ko ang pagtaas ng temperatura ng pisngi ko sa kaisipang para kaming couple ni Desmond dito. Inipit ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang pagngiti.

"Change your clothes into more comfortable one, okay?" si Desmond nang makarating kami sa aming tutuluyan sa loob ng tatlong araw dito.

"Uhm." tango ko sa kanya at hinatid niya na rin ang mga maleta namin sa amin silid. Iisa lang silid namin! Gaya ng sabi ko sa kanya.

"Lalabas ako. Doon ako maghihintay habang nagbibihis ka dito. Make it fast. Mag-oorder ako ng foods for us."

"Sige, Desmond."

"May specific food ka na gustsong kainin?"

Nag-isip ako pero di ko naman familiar ang mga foods dito. Umiling ako sa kanya at binuhat ko ang mabigat ma maleta para mailagay sa kama.

"Wala Desmond. Ikaw na lang bahala."

"Okay, sa labas lang ako."

Tumango ako sa kanya at nang tumilikod na si Desmond ay binuksan ko na ang maleta. Iyong malaking ngiti ng labi ko ay unti-unting nawala nang makita ko kung ano ang laman noong maleta.

Kinuha ko ang isang tela na sobrang nipis at liit. Hala! Nagkamali ata si Jaheer ng maletang binigay sa akin? Bakit ganito ang mga damit dito? Bakit ang liliit? At ang nipis pa. Lalamigin naman ako sa mga damit na 'to.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon