CHAPTER 37

33K 1K 313
                                    

Chapter 37

Finn Pov

"Anong hinahaba ng nguso mo Finn?" ang tanong ni Dareen sa akin habang nakacross arms. Nandidito kami sa restaurant ng boyfriend niya na si Raphael. Kasama ko si Frenny na nagyaya sa akin na kumain dito. Galing kasi kami sa salon dahil nagpagupit ng buhok si Frenny. Lalaking-lalaki na si Frenny sa gupit niya ngayon.

"Ayaw kasi ako pagtrabahuin ni Desmond, e."

Gusto ko rin kasi magtrabaho. Kaso nang sabihin ko iyon kay Desmond ayaw niya naman. Sabi niya di pa ba daw sapat ang trabaho ko sa bahay niya. Nakakainis. Gusto ko rin kasi magtrabaho dito sa restaurant ng boyfriend ni Dareen... dahil n-nandidito kasi si Clayton tapos si Ady na rin. Bago ko palang nakilala si Ady at masasabi kong gwapo siya kahit na moreno at mabait tapos mahinhin pa.

Saka twenty-one na ako di na ako bata kaya gusto ko rin i-try ang mga bagay na di ko nagagawa noon. Gusto ko rin lumabas sa comfort zone ko. At gusto rin makakita ng pera para... mai-date ko rin si Desmond. Siya na lang kasi ang laging gumagastos kapag nagd-date kami. At para na rin mabilhan ko ng gifts sila Nanay at Tatay.

"Kasi gusto n'on na siya ang trabahuin mo." Galgal ni Dareen sa akin.

"Tama!" gatong naman ni Frenny na kagagaling lang sa banyo. Tapos na kaming kumain pero di pa kami umaalis. Nagc-chismis pa daw kami sabi ni Frenny.

"Huh?" lito kong untag sa kanila.

Dareen just sighed, and Frenny gave me a wry smile.

"Lambingin mo lang Finn bibigay din 'yan." sunod na sulsol ni Dareen sa akin.

Umayos ako sa pagkakaupo ko at nakinig ng mabuti kay Dareen. I am all ears, listening to him. Expert kasi siya.

"Make surprises." May patango pang sabi ni Dareen sa akin.

Napatango-tango ako sa sinabi ni Dareen. Nilista ko iyon sa utak ko. Lahat ng sinabi ni Dareen ay tatandaan ko dahil marami siyang experience kumpara sa akin.

Dala ang mga turo ni Dareen at Frenny masaya akong pumasok sa malaking gate ng bahay ni Desmond. Bitbit ko ang biniling fries at burgers ni Frenny. Nagcrave kasi nito at tapos binilhan na niya rin ako.

Napangiti ako at tumigil sa paghakbang papasok sa bahay ni Desmond. Ang tagal ko na pala dito sa bahay ni Desmond. Ang dami na ring nagbago. Ang dami na ring nangyari. Ang dami ko ring na-discover tungkol sa mundo. At higit da lahat ang dami kong nakilala na tao na gusto at mahal ako. Lalo na si Desmond na savior ko. Eversince na tinulungan ako ni Desmond doon sa barko di ko na talaga siya makalimutan. Siya kasi iyong unang tao na di nag-hesitate na tulungan ako. Magpa hanggang ngayon nga nasa akin pa rin iyong panyo na tinali ni Desmond noon sa sugat ko. At ngayon ang savior ko boyfriend ko na. Hehehe. Kinilig ako sa sariling naisip.

Naibagsak ko ang mata ko sa dala kong fries at burgers. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin kay Frenny ang dating ako. Baka kasi magbago ang tingin niya sa akin kapag nalaman niyang dati akong nagnanakaw. Maliban kay Desmond wala nang ibang tao na nakakaalam sa nakaraan ko.

Bumuntong hininga ako.

Pinalobo ko ang bibig ko at saka pumasok sa loob ng bahay. Madami pa akong iisipin na surprise para kay Desmond.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon