CHAPTER 17

35.7K 1K 147
                                    

Chapter 17

Finn Pov


"Nagalit ata siya sa akin, Jaheer." Naiiyak kong sumbong kay Jaheer. Nandidito na naman kami sa parke kung saan merong matandang lalaki na naglalako ng sorbetes.

Mabigat ang dibdib ko sa di ko malaman na dahilan. Panay ang pagkawala ko nang malalalim na hininga habang tinutulak ko ang sariling duyan na gawa sa bakal. Naiisip ko pa lang ang mukha ni Desmond kanina habang nagmamaneho tungo sa bahay niya ay ramdam ko ang galit niya. Nakakapanlumo. Ewan ko. Alam ko kasi halata naman sa mga pagtagis niya sa kanyang bagang at sa pagkuyom niya sa kanyang kamao. Siguro nagtitimpi na  iyong si Desmond sa akin kanina.

Siguro nga kasalanan ko rin kasi umalis ako sa doon sa shop nang walang paalam sa kanya. Kaso ayaw ko naman na maisturbo siya kaya umalis na lang ako. Nabagot na kasi ako kakahintay sa kanya. At iyon na ang nagtulak sa akin na umuwi mag-isa. Naubos pa ang pera ko sa isang sakay lang.

Ngumuso ako at binaba ang tingin sa maputla kong hita.

Natatakot na akong nakita nito si Desmond. Baka paalisin ako n'on sa bahay niya. Baka sigawan niya ako. Ayaw ko n'on. Ayaw kong magalit siya sa akin.

"Hay! Ano ba 'yan? Kakausapin ka rin n'on pag-uwi. H'wag ka na malungkot, okay? You want ice cream? Kahit bilhin ko lahat 'wag ka lang malungkot d'yan." wika ni Jaheer.

Nilingon ko siya at hinabaan ko siya sa nguso ko. Naiiyak talaga ako.

"Tsk! Delikado ka d'yan frenny sa nararamdaman mo kay Desmond. Mahirap mahalin ang isang Michael Desmond Bunsen." sunod niyang untag at kinagat ang kanyang ibabang labi.

Kumunot naman ang noo ko sa kanya at napangiwi. Hindi ko siya maintindihan. Wala akong maintindihan sa sinabi niya. Anong mahirap mahalin si Desmond? Saka, bakit delikado itong nararamdaman ko? Ano ba ang nararamdaman ko?

"I don't understand you, frenny." Nilabian ko siya. "Ahhw!" daing ko nang pinitik ni Jaheer ang noo ko. Napahimas ako doon at sinamangutan siya.

"Bobita ka."

"Di naman." pagtatanggol ko sa sarili ko.

Inismiran ako ni Jaheer bago tinawag iyong naglalako ng sorbetes.

"What flavor is yours, frenny?" tanong niya sa akin.

"Mango, frenny." Napangiti ako nang makita ko iyong ice cream.

"Tsk! Ice cream lang pala katapat sayo, e." wika niya sabay bigay sa akin noong ice cream in cone.

"Thank you!"

"Basta frenny h'wag mo masyadong isipin iyong si Desmond. Di ka naman yata n'on matitiis e."

Lumabi ako saglit. Sana nga.

"Uhm!" Tumango na lang ako sa kanya.

Nang maubos na namin ni Jaheer iyong ice cream namin ay nag-aya na akong umuwi dahil hapon na rin at baka dumating na si Desmond at wala ako sa bahay. Ayaw ko nang madagdagan pa ang galit ni Desmond sa akin kung mayroon man.

Naghiwalay kami ni Jaheer nang pumasok na ako sa bahay ni Desmond at siya naman ay sa bahay niya. Pagka pasok ko sa bahay ay natuod ako sa kinatatayuan ko nang may makita akong matangkad na babae at may kaedaran na rin. Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko at nakatitig lang ako doon sa babae na naka suot ng mahabang bestida na kulay violet. Humarap ang nakatalikod na babae at akin at halos lumabas ang puso ko sa lakas ng kabog noon nang makita ko ang angled brows noong babae. Makapal ang kanyang lipstick na kulay pula at nakadagdag iyon sa pagka-intimidate ko sa kaharap.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon