CHAPTER 8

36.6K 1.2K 106
                                    

Chapter 8

Finn Pov

Hindi ko alam kung kay Desmond ba ako maaawa o kay Nanay Susan na pinapagalitan si Desmond pero mukha namang walang paki sa mga inu-untas ni Nanay. Kanina nang makapasok kami galing sa bahay nina Jaheer ay bigla na lang na hinablot ni Nanay Susan ang kamay ni Desmond na nakahawak sa braso ko. Si Desmond naman ay nagpaubaya lang at hinayaan si Nanay na kaladkarin siya patungong kitchen. Sinundan ko sila Nanay kaso lang sinigawan ako ni Nanay.

"Wag kang lalapit dito sa kusina anak!" Mahigpit na bilin sa akin ni Nanay Susan.

Kaya heto ako at pasilip-silip lang dahil baka ako ang isunod kay Desmond doon. Pero nang pagsilip ko napawi naman ang mga pag-aalala ko sa lalaki kasi kumakain lang siya nang apple habang nakikinig kay Nanay Susan na hindi ko naman naririnig kong ano iyong sinasabi. Nakita ko na may patapik-tapik sa balikat si Desmond kay Nanay Susan na kinangiwi naman ni Nanay. Di ko naman makita ang ekspresyon ni Desmond kasi nakatalikod siya sa gawi ko.

Ang nanlilisik na mata ni Nanay Susan ay dumapo sa kinaroroonan ko. Nagtago ako nang mabilis pero bigo pa rin ako nang tawagin ni Nanag ang pangalan ko.

"Finn anak alam kung nagtatago ka d'yan. Halika na dito maghapunan na tayo."

Napanguso ako at lumabas sa pinagtatagu-ang malaking dingding. Tumungo ako sa kitchen at nakita ko ang pag ngisi ni Desmond pero agad namang napalitan ng sampalin ng malutong ni Nanay ang balikat niya.

"Manang." si Desmond kay Nanay na pinanlakihan lang ni Nanay sa kanyang mata at tumiklop naman.

"Umupo ka anak. Kukuha lang ako ng plato mo."

Umiling ako ng mabilis.

"Ako na ang kukuha nanay."

"Hindi na ako na dahil tatawagin ko rin ang Tatay Carlos mo."

Pinalobo ko ang bibig ko at binuga ko ang hangin no'n saka tinanguan si Nanay.

Nang umalis si Nanay uoang puntahan si Tatay Carlos sa kanilang room ay agad naman akong tumungo sa mahabang mesa. Pinaghila ko ng mauupuan si Desmond.

"Upo ka na." Ako kay Desmond.

"Are you spoiling me, Finn?" pabirong saad ni Desmond sa akin.

Napangiwi ako kay Desmond.

"Hindi naman." sagot ko sa kanya saka naman naghila ako ng silya na para sa sarili ko.

Umiling-iling na tinungo ni Desmond ang hinila kong silya para sa kanya saka umupo roon.

I sat in my chair, on Desmond's right side. I stood for a bit, then lifted my chair and moved it close to Desmond's place. Desmond's brows furrowed as he watched me. 

"Pinagalitan ka ba ni Nanay?" Maingat na bulong ko kay Desmond. Takot na baka marinig na nanay Susan.

"Prfftt!"

Nagtagpo ang kilay ko sa inasta ni Desmond natatawa siya doon sa tanong ko.

"Why? Does Manang look like scolding me?"

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon