CHAPTER 40

32.8K 941 360
                                    

Beware of switching POVs below mga beh!!!
--------------------------------------------------

Chapter 40

Desmond Pov

Marahas kong binagsak ang ballpen na hawak ko at masama kong tiningnan si Colt na parang si Det-Det kung makanguso sa akin. Kanina pa ang tukmol na ito. Nang-aasar na sa titig niya sa akin. Kung di lang talaga importante itong pinunta niya dito ay matagal ko na itong binagsak sa ground floor.

I heaved and  pushed the folders away from me and crossed my arms.

"What's with the fùcking smirk, Colt?"

He just shrugged his shoulders and dropped his body on the chair in front of my table.

"Kung gusto mo pang intact 'yang buto mo sa mukha Colt ay tigilan mo 'yang kakangisi mo sa akin." Pagbabanta ko sa kanya. Napipikon na ako sa mga ngisi niya!

At ang hinayupak ay tumawa pa!

"Sino bang hindi matatawa sa ginawa mo?" He stated, laughing like a total lunatic in front of me. Para talagang di kaibigan ito!

"Anong ginawa ko?"

Nagpipigil siyang tunawa at humarap sa akin. Tumikhim siya at natawa na naman. Talagang inuubos ng kaibigan kong ito ang pasensya ko, ah.

"Tsk! Sinong baliw ang nagpagawa ng kwarto para sa kanyang tuta dahil nagseselos siya dito?"

"Fùck you!" anang ko sa kanya at pinakita ko kanya an gitnang daliri ko.

"Itatanggi ko talaga kayong mga kaibigan sa mga ginagawa ninyo. HAHAHA!"

Kumuyom ang kamao ko. Papaano niya nalaman iyon? Tsk!

"Kapag talaga ikaw Colt magkakaganito sa love life mo. Ako talaga ang unang tatawa sayo. Tandaan mo 'yan!" Nanggigil na talaga ako sa kanya.

Nonetheless, hindi ako mahihiya sa ginawa ko. Mabuti nga iyon kasi naso-solo ko na ang habibi ko. Nakakatabi ko na siya na walang sagabal at walang ngununguwang tuta sa umaga. Inaagawan pa ako ng boyfriend, e.

Nakita ko kasi si Habibi na laging nanonood ng mga videos sa mga aso. At nakikita kong gusto niyang magkaroon ng ganoon at hinihintay ko lang na mag-request siya sa akin n'on kaso di naman siya nanghingi kaya kusa na lang akong bumili for him. Si Colt pa nga ang pinabili ko doon. Di ko lang gusto ang nabili niya dahil ang landi kay Habibi.



Finn  Pov

Nakadapa ako sa ibabaw ni Desmond habang siya naman ay umiidlip. Nandidito kami sa salas at kampante naman ako dito sa ibabaw ni Desmond dahil wala sina Nanay Susan at Tatay Carlos. Pinag-outing ni Desmond sila Nanay kasi di na raw niya ako na-solo. Hay!Gusto pa nga niyang ipadala si Det-Det kina Nanay kaso pinapigilan ko na siya. Sumusobra na siya sa baby Det-Det namin.

Kaya ngayon si Det-Det ay na kay Frenny. Hiniram niya muna kasi naiingit siya sa tuta ko. Hehehe!

Ang sarap talaga kapag dito ako sa ibabaw ni Desmond natutulog o umiidlip. Napaka-komportable dito.

Masaya ako na one week lang ay natapos agad ang room ni Det-Det na nasa tabi ko lang din na kwarto. May palaruan si Det-Det na binili rin ni Desmond saka may maganda ring higaan ang baby namin at may mga toys!  Ang kyut nga!

Napanguso ako at humalumbaba sa dibdib ni Desmond. Mukhang ang sarap ng tulog niya.

"Sleep." utos niya sa akin.

"Ay! Akala ko tulog ka Desmond." sambit ko.

"Di ako matulog pag tinitigan mo ako ng ganyan habibi."

Pinalobo ko ang bibig ko.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon