CHAPTER 42

31.9K 1.1K 400
                                    

Last chapter before epilogue. Enjoy reading.

Chapter 42


Finn Pov

Pinakatitigan ko ang tsek na binigay sa akin ng mama ni Desmond. Hinahayaan ko nalang ang luha ko na pumapatak kasi napapagod na rin ako kakapunas doon pero ayaw naman tumigil.

Naninikip ang dibdib ko at gulong-gulo ako. Bakit ako binigyan nito ng mama ni Desmond? Ano ang gagawin ko dito sa maliit na papel na ito? May mga numbers iyon doon at may maganda pang pirma sa ibaba. Nalulula nga ako sa dami ng zero doon. Kaya di ko na binilang.

Napatingin ako sa bag ko. Iyon 'yong bag na dinala ko dito sa bahay ni Desmond. Sinilid ko doon ang ilan kung damit. Dinala ko rin ang mga luma kong mga gamit noong nasa simbahan pa ako at di ako nagdala ng mga damit na bigay sa akin ni Desmond.

Dadalhin ko si Det-Det sa pag-alis ko dito ngayon. Kaya naghanda rin ako ng ilang gamit ko kay Det-Det. Sinilid ko lang iyon sa isang paper bag na nakita ko sa kwarto ni Det-Det. Ang ilalim noong paper bag ay may lamang dog food. Baka kasi wala pa akong pambili noon kaya nagpuslit ako kahit konti.

"Det-Det aalis na tayo dito ngayon, okay? H'wag ka iiyak kagaya sa akin, okay? H'wag kang maingay baka pagalitan tayo ng mama ng daddy Desmond mo."

Baba na sana ako sa kama upang kumuha ng ballpen nang tumunog ang telepono ko. Naibalik naman sa akin iyong phone ko na bigay ni Frenny.

Napanguso ako nang makita ko ang tawag ni Desmond.

Pinunasan ko ang basa kong pisngi. Nagbreath-in and out muna ako bago sinagot ang tawag ni Desmond.

Umupo ako sa edge noong kama at inindak ko ang paa ko.

"Desmond?"

"Habibi. Habibi, I miss you."

Napalabi ako at muli na namang umulan ng luha ang mga mata ko. Bakit ang sakit-sakit ng dibdib ko? Bakit para akong sinasakal sa sakit noon? Ganito ba kapag iiwan mo ang boyfriend mo? Ganito rin ba iyong feeling ni Suzie nang magbreak sila ng boyfriend niya?

Para kasing may sumasaksak sa dibdib ko.

"Desmond ko..." ani ko sa maliit na boses.

"Fùck! Are you crying habibi? Why are you crying? Habibi tell me." May bahid ng pag-aala ang boses ni Desmond sa kabilang linya.

Napatingin ako sa paa ko na umiindayog sa ere.

Hindi ko naman pwede sabihin kay Desmond ito. Mahirap kasi. Ayaw kong magaya sa akin si Desmond. Ayaw ko na magaya siya sa akin na mawalan ng nanay at tatay.

Kaya kahit na masakit dito sa dibdib ko na iwan si Desmond na ganito. Susundin ko pa rin ang mama niya. Ayaw ko na mag-away si Desmond at ang mama niya dahil sa akin.

Hindi ako gusto ni Ma'am Marjorie para kay Desmond. Ang gusto niya siguro ay iyong mga babae na magaganda at may maayos na pamilya at mayaman. Hindi katulad ko na bata pa para kay Desmond. Mahirap pa. Wala pang pamilya. At wala pang narating sa buhay. Naiintindihan ko kung bakit ayaw ni Ma'am Marjorie sa akin. Pabigat lang siguro ako kay Desmond.

Hindi rin naman talaga ako gusto ng lahat. Ang may gusto lang sa akin ay si Desmond, sina Nanay Susan at Tatay Carlos, si Frenny, si Clayton, si Teacher Dareen, sina ate Zofia at ate Andrea tapos si Suzie. Pero sapat na sila sa akin.

"Habibi? Habibi are you there?"

"O-oo Desmond. Nandidito pa ako."

"Why are you crying?" tanong ni Desmond at nilambingan niya ang boses.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon