CHAPTER 19

34.3K 1.3K 301
                                    

Chapter 19

Finn Pov

"Pasensya ka na pala kanina sa inasal ko, Finn. Hindi ko naman talaga sadya na sabihin iyon." saad noong babae na sumundo ka Desmond doon sa villa kanina. Binigyan niya kasi ako ng mauupuan at maiinom na kulay blue ang laman. Malugod ko iyong tinanggap kahit na wala akong balak na inumin iyon. Bilin kasi ni Desmond na wag raw ako uminom ng kung ano-ano na galing sa ibang tao.

"Okay lang po at salamat po sa upuan at dito sa inumin." wika ko at nginitian ko siya.

"You're so cute. Do you know that? By the way, I'm Maine, you can call me ate Maine. I'm Desmond's friend and manager sa modeling niya." Ani ate Maine at inilahad ang kamay sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ko ang kamay niya.

"Alam niyo na naman po ang pangalan ko ate Maine. Nice to meet you po." Nag-shake hands kami ni ate Maine. "Salamat po sa puri ninyo sa akin." Namumula kong untag.

"Kaya inaakala ko talaga kanina na bata ka. You don't look like twenty-one years old at all. And I was surprised to know na may dalang kaibigan si Desmond. It's not him. Kasi sa pagkakaalam ko sina Colt, Rap, Laszlo, at iyong yumao nilang kaibigan lang kasi ang kilala kong closed friends ni Desmond."

"Ahh, ganon po ba."

"Hmm, kaya pasensya ka na."

"Okay lang ate Maine. Naiintindihan naman po kita."

"Ang cute mo talaga." si ate Maine at kinurot pa ang pisngi ko.

Napahagikhik na lang ako. Natigil kami ni Ate Maine sa pag-uusap nang magsimula nang umingay ang buong paligid at nagsimula nang rumampa ang mga modelo. Mga summer outfits ang kanilang mga suot. Napa palakpak ako sa mga nakikita kong mga rumarampa. Di lang mga lalaki, may mga babae ring mga modelo na ang mga suot ay two-piece at one-piece. Si Desmond ang huling rumampa sa lahat at lumapad pa lalo ang ngiti ng makita ko siya.

Nagkatitigan kami saglit ni Desmond at pasimple niya akong binigyan ng kindat saka ngumiti. The crowd roared. Pero ako ay napayuko dahil naramdaman ko na naman ang pagwala ng puso ko at ang pag-init ng pisngi ko. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Sa mga konting galaw ni Desmond ay para nang nakikipag-karera ang puso ko at para na akong kinukumbulsyon. Parang magkakasakit pa yata ako.

Tatlong beses na pumaso sila Desmond at iba-iba ang kanilang suot. Pagkatapos n'on ay sumama ako kay Ate Maine gaya ng utos ni Desmond. Sabi ni ate Maine ay may party daw pero di naman ako mahilig doon. Nahihilo ako sa mga strobe lights, e.

Muli kaming pumasok doon sa tent kung saan sila Desmond at nakita ko ang ibang mga modelo na naghuhubad at may ibang nagbibihis. Iba ang tent for girls and boys kaya malaya silang nakakahubad kahit kailan nila gusto. Gusto kong iiwas ang mga mata ko kaso sa bawat sulok ng tent ay may naghuhubad at nagbibihis.

"Maine! Take Finn outside."

"Desmond."

Luminga si Desmond sa paligid na napatigil sa pagbibihis dahil sa bulyaw niya.

"Take him out!"

"Finn, is a guy too, Des--"

"I don't want to repeat myself over and over, Maine." Mahinahong sabi ni Desmond pero iyong mata ay nanlilisik na kay ate Maine.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon