CHAPTER 5

39.4K 1.2K 306
                                    

Chapter 5



Desmond Pov


"Sister, ito lang ho ba talaga ang mga gamit ni Finn?" I didn't know how many times I asked Sister Virgie about Finn's things. God! Only four short, five shirts and three underwear.

Naglalakad na kami ni Sister Virgie sa hallway palabas at tsini-check ko ang gamit ni Finn. Ako na ang sumama kay Sister upang kunin ang gamit niya. Sinukbit ko ang bag na naglalaman ng damit ni Finn sa isang balikat ko nang biglang tumigil si Sister Virgie sa paglalakad.

"Oo, Desmond iyan lang talaga ang gamit ni Finn na natitira dito."

"Sister kung gusto ni Finn na bumalik dito ibabalik ko lang din ho siya." sabi ko kay Sister Virgie.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na dalhin ko si Finn sa bahay ko. When he asked me earlier that he wants to go and leave this place with me. Wala ring ibang pumasok na rason sa isip ko na tanggihan si Finn.

Siguro, out of pity iyon kaya iyon ang naging sagot ko sa kanya. Di ko rin naman aakalain na madadala ko rin talaga siya ngayon-ngayon din. I thought my process pa ng mga papers or something pero wala na. Sinabi sa akin ni Sister Virgie kanina habang tinutupi niya ang gamit ni Finn na naghihirap na rin ang Parish na alagaan ang maraming bata dito. Wala daw kasing masyadong sponsor at kung meron man maliliit lang din. Nagkukulang sila sa funds at sa mga pangangailangan ng mga bata na nandidito.

Kaya nga kung merong gustong umalis o may gustong umampon dito ng mga bata agad nilang inaasikaso kasi para na rin sa kalagayan ng mga batang nandidito. Nakita ko rin naman dito na marami ngang mga bata na nandidito.

"Alam mo bang takas at balik na iyang si Finn dito sa orphanage?" wika ni Sister Virgie.

"What do you mean Sister?"

"Hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema ni Finn. Pero nang dumating siya dito mga apat na taon ata siya noon at may galos sa katawan. Dala-dala siya ng isang lalaki at iniwan dito kasi di na kayang buhayin. Lumaki dito si Finn at lagi siyang tahimik at di nakikipag-usap sa mga ibang bata dito. Lagi lang siyang naka-upo sa isang sulok at tahimik. Suki nga siya sa bully dito kahit kasi anong gawin naming pagl-leksyon sa ibang bata di pa rin natutoto. At nang mag walong taong gulang siya doon na siya natutong tumakas dito. Minsan nawawala siya ng isang linggo pero bumabalik naman dito. Syempre kami dito ay nag-aalala sa kanya. At tinatanong namin kung anong nangyari ay iiling lang siya at sasabihing ayos lang siya. Noong huli siyang tumakas dito buwan na namin siyang di nakikita. Hanggang sa tumawag ang LCL Hospital dito na nandodoon si Finn. At alam mo ba simula noon may lagi nang hawak-hawak si Finn na towel. Di ko alam kung anong meron sa towel na iyon pero nakikita ko na nakatutok lang si Finn doon at minsan ay nakikita ko pang nakangiti siya doon sa towel na nakatali sa kamay niya." bumuntonghininga si Sister Virgie.

It was my towel.

"Di ko alam kung ano man ang pinagdadaanan ni Finn pero mabait naman siya at laging sinusunod ang mga utos namin dito. Iyang pagtakas niya kang talaga dito ang problema. Saka dito di namin nabibigyan ng pansin masyado si Finn kasi marami ring bata na mas kailangan pa ng pag-aalaga kumpara sa kanya. Kaya sana Desmond kapag nandyan na sayo si Finn maalagaan mo siya. Wag ka ring mag-alala dahil gaya nga nang sabi ko mabait iyan at sumusunod naman sa utos."

"I will take good care of him, Sister." tanging na sabi ko kay Sister Virgie.

"Thank you, Desmond."

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Sister at nang malapit na kami sa labasan ng hallway ay nakita ko si Finn na mag-isang nakaupo sa semento na bench. Hawak ng isang kamay niya iyong towel na nakatali naman sa isa niyang kamay. Nakatingin siya doon sa mga batang naglalaro sa maliit na basketball court. He is caressing the towel while staring at the children playing in front of him.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon