CHAPTER 21

38.9K 1.1K 232
                                    

Chapter 21

Finn Pov

Humahalik na ang araw sa dagat at ang kulay ng ulap ay nagmimistulang kahel na ngunit napansin kong mas nagiging  buhay pa lalo ang paligid kumpara kanina.

Tiningnan ko si Desmond na nakahilata sa sun lounger dito sa tabing dagat at nakatakip ang isang braso niya sa kanyang mata. Nagpapahinga dahil mukhang napagod siya sa mga activities kanina. Nag parasailing kasi siya tapos nag-scuba diving pa. Kanina ay pinilit ako ni Desmond na i-try iyong mga ibang water sports pero natatakot ako kaya umayaw ako. Baka kasi kapag sumubok na ako umiyak lang ako sa takot. Pero nag-ienjoy naman habang pinagmamasdan si Desmond sa mga water sports na ginawa niya kanina.

Napabuntong hininga ako nang maalala ko kanina ang takot at kaba ko noong nag-freediving si Desmond. Normal lang naman pala iyon na mag-dive sa ilalim ng matagal pero ako kanina nang lumipas na ang ilang minuto at di pa rin umaahon si Desmond ay parang gusto ko na rin tumalon sa bangka at sisirin si Desmond kahit na di ko naman alam kung papaano iyon. Natakot na kasi ako dahil pakiramdam ko ang tagal na sa ilalim ni Desmond. Nakakahiya doon sa mga instructors na naiwan dahil umiiyak na ako at tinatawag ko si Desmond. Wala namang silbi iyon dahil kahit na sumigaw ako di naman ako maririnig ni Desmond sa ilalim ng dagat. Kahit na akong paliwanag sa akin noong instructor na normal lang iyon at sanay na raw si Desmond doon dahil di na raw iyon first time ni Desmond gawin. At kahit na sinabi noong intructor na may kasama namang professional diver si Desmond ay ngumuwa pa rin ako sa pag-aalala.

Ayon tuloy mas lalo pa akong natakot sa mga ibang water activities. Tanging sa doon lang ako naaliw sa jet ski kasama si Desmond. Todo kapit naman ako sa kanya sa takot na mahulog. Di pa naman ako marunong lumangoy! Sana di lang ako iyong mahilig sa dagat pero di naman marunong lumangoy.

Pagkatapos noong jet ski, ang huling activity na ginawa ni Desmond ay iyong parasailing tapos nagpahinga na kami dito ngayon sa tabing dagat. Hindi naman ako nagugutom kasi pasado alas tres rin noong kumain kami kasama ang mga instructors. Mukhang kilalang-kilala nga si Desmond noong mga instructor e.

Pinutol ko ang tingin ko kay Desmond at pinagmasdan ko ang tanawin sa harap. Nanunuot na ang lamig sa suot kong white long sleeves ni Desmond. At iyong maalat na hangin at simoy ng dagat ay yumayakap na rin sa akin. Pero di naman ako ginaginaw ng husto. Maliligo pa kasi kami ni Desmond sa dagat. Maganda kasi kapag night swimming nainit na ang dagat.

Iyong hampas ng dagat sa dalampasigan ay nakaka-kalma medyo malayo kasi kami ni Desmond doon sa mga maraming turista kaya hindi maingay.

Hindi ko aakalain na makaka-experience ako nang ganitong klaseng buhay. Buhay na malayo sa pangamba at takot. Buhay na malayo sa mga taong nang huhusga sa akin. Buhay na malayo sa mga panlalait. Ewan ko ba kasi. Lagi akong tinutukso na babae sa mga kaklase ko dati at pati na doon sa simbahan kong saan ako lumaki. Kaya nga walang nakikipaglaro sa akin kasi para daw kasi akong babae. Mahina, mahinhin, at maliit. Ano naman kung ganito ako? Ano naman kung mukha akong babae? Di ba pwede iyon? Tao rin naman ako, ah. Hindi naging maganda ang alaala ko sa simbahan at doon sa school ko noon kasi puro lang pambu-bully ang natatanggap ko. Kaya rin siguro di na sumagi sa isip ko ang magpatuloy sa pag-aaral ko.

Kung di lang dumating sa buhay ko si Desmond. Kung di niya ako niligtas noon siguro... wala na ako dito sa mundo. Siguro natatapos na rin ang paghihirap ko dito. Pero nagpapasalamat ako na sa panahon na gusto ko nang sumuko; sa panahon na akala ko mamamatay na ako; sa panahon na akala ko wala na akong pag-asa at wala nang magawa ay biglang dumating si Desmond at nilabas ako sa buhay kong iyon. There was a doubt. There was a fear at that time, but Desmond proved me wrong na hindi lahat ng tao tini-take advantage ang kahinaan ko; na hindi lahat ng tao tinatalikuran ako; na sa mundo ko na magulo at puno ng lupit may pag-asa pa. Desmond proved me that there's still a life out behind those things.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon