CHAPTER 41

30.7K 941 320
                                    

Chapter 41



Desmond Pov

Nakita ko ang message ni Habibi sa akin. Nagpaalam siya na aalis siya dahil may kikitain daw siyang friend niya. Hindi naman ako nakapagreply doon kaagad dahil may pinuntahan ako oil site dahil may nasira.

Madilim na akong matapos doon at pagkatapos at pagkatapos ko ang unang ginawa ko ay tawagan si Habibi. I'm sure he's waiting for my message and call.

Nakunot ko ang noo ko nang tawagan ko siya kaso walang sumasagot. Nagri-ring ang phone kaso wala namang sumasagot.

Napailing ako at sumakay sa kotse ko para umuwi na lang. Baka nagtatampo na naman iyon dahil linggo pero may trabaho pa rin akong inaasikaso.

At nagtaka ako ng pagkarating ko sa bahay ay walang ilaw ang bahay. Tiningnan ko ang wrist watch ko pero alas 6 pa naman. Pumasok ako sa loob pero walang Finn na sumalubong sa akin. Tanging si Det-Det lang ang sumalubong sa akin. Binuksan ko ang ilaw sa buong bahay at umakyat sa taas karga si Det-Det.

Nahasa ko ang ngipin dahil ang tahimik ng buong bahay. Usually, kapag umuuwi ako ang tawa ni Finn at ang tahol ni Det-Det ang mauuwian ko. Pero ngayon iba ang pakiramdam ko.

Hanggang sa makarating ako sa kwarto namin ay di ko nakita si Finn. Nilagay ko si Det-Det sa room niya at pinakain ko saka ko hinanap si Finn sa buong bahay. Kaso di ko pa rin siya mahanap! I connected my phone to house CCTVs at nakita kong lumabas si Finn ng bahay bandang alas tres at di na siya nakauwi. Kahit anong gawin kong review sa CCTV ng buong bahay ay walang Finn na umuwi o bumalik!

Pinuntahan si Jaheer at hinanap ko si Finn sa kanya kaso wala rin daw siyang alam. I told him to contact Finn too pero wala rin daw'ng sumasagot sa kanya.

"Desmond, nawawala si Frenny?" he nervously ask me. Hindi ko alam kung kinakabahan ba siya sa dahil nakukuha na niya ang nangyayari or natatakot na siya sa hitsura ko ngayon. Any time kapag nalaman kong may masamang nangyari kay Finn. Kahit sino pa 'yan mapapatay ko. Tangina!

Napaluwag ako sa necktie ko.

"I will find him." saad ko at tinalikuran si Jaheer na umiiyak.

I called Rap to help me find my habibi. Nanginginig na ang kamay ko habang nagmamaneho. Ilang minuto lang ay tumawag si Rap sa akin.

"Finn, was last seen in front of *** coffee shop. After that wala na. Di naman siya nakitang pumasok sa coffee shop. Dammit! Give me a minute. I think this CCTV footage was fùcking fabricated!"

"Please, hurry, Rap."

"I will bud. Do you need Colt?"

"No," I firmly answered.

"Bud, ako ang kinakabahan sayo. Magpasama ka na kay--"

"I can handle myself." may diin kong untag. I heard him cuss on the other line.

Naging alerto ako ng marinig ko ang mura ni Rap sa kabilang linya.

"Rap."

"Bud, Finnick was abducted but... dammit! Walang plate number ang sasakyan at walang CCTV ang lugar. Tanging ang CCTV sa harap ng coffee ang na-hack ko. Di ko na ma-track ang sasakyan na ginamit."

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon