CHAPTER 27

36.5K 1.1K 522
                                    

Chapter 27


Finn Pov


Di ko mapigilang di kiligin at pamulahan sa mukha sa tuwing pumapasok sa isip ko ang nangyari sa amin ni Desmond noong nakaraang gabi. We're finally a couple.

Couple~Couple~Couple~Couple~Couple... My mind sang inwardly, and I bit my lip as I turned my eyes outside the car's window with a face painted red. 

Frenny was driving and I was sitting beside him-sa shutgon seat. Ewan ko bigla na lang akong niyaya ni Jaheer na lumakad daw kami. Nakapagpaalam na naman ako kay Desmond at pumayag naman siya dahil alam niyang si Jaheer ang kasama ko. H'wag lang daw kami papagabi.

Biglang sumagi sa isip ko iyong tanong sa akin ni Desmond. Iyong kung ano ang ginagawa ng mga couples. Wala pa naman akong alam doon.

Di na ako nagsayang pa ng ilang segundo at kinuha ko na ang telepono ko sa maliit na sling bag na dala ko. Agad kong inopen ang data at pumunta sa google search.

I want to be a good boyfriend. I want to be a worthy boyfriend for Desmond. Kaya mags-search ako kung ano ang ginagawa ng mga couples para ma-apply ko sa amin ni Desmond.

'What do couples do?' Type ko doon sa search engine.

Nalula ako nang matapos ang pagload.

Ay! Ang dami namang lumabas. Napalabi ako at nagscroll. Bakit ang dami naman nito. Ang dami pang babasahin. Nakakatamad!

"Frenny! Frenny! Finnick!"

Halos mabitawan ko ang phone ko sa sigaw ni Frenny sa akin.

"Ay! What do couples do!" sambit ko sa gulat.

"What?" May arteng tanong sa akin ni Frenny.

Tumigil na pala kami.

"Wala, frenny." ani ko at pinatay ang telepono ko saka binalik iyon sa bag ko.

"I heard you said something, Frenny. Hmm?"

Hindi ko pa kasi nasasabi kay Jaheer na couple na kami ni Desmond, na may boyfriend na ako. Ngayon lang din kasi ako nakalabas sa bahay. Ewan ko kasi kay Desmond di pumapasok sa trabaho niya nung nakaraang araw. Sinasamahan yata ako sa bahay dahil mag-isa lang ako.

My face turned bloody red. Ang sweet kasi ni Desmond nung di siya pumapasok sa trabaho niya. Nilulutuan niya ako. Niyayakap lagi at nagk-kiss din! Hehehe! Ganito pala ang may boyfriend.

"May tinatago ka sa akin, frenny." Nagtatampong turan ni Jaheer at pinagkrus ang braso niya sa harap ng dibdib niya at tumingin sa labas.

"O-oi! Frenny hindi naman sa ganun. A-ano lang."

"Ano?" may inis na wika ni Jaheer.

"Alam mo naman na di ako nakakagala sa inyo nitong nakaraang araw, frenny. Sorry na. Please?!"

"May narinig akong couple-couple kanina frenny. Ano 'yon?"

Kinagat ko ang labi ko at tumingin kay Jaheer na nagtatampo sa akin. Tumingin ako sa labas at nakita kong nasa parking lot na kami dahil maraming sasakyan na nakaparada.

Binalik ko ang atensyon ko kay Jaheer na di pa rin makatingin sa akin. At panay ang buntonghininga.

"C-couple na... n-na kami ni Desmond, Frenny. B-boyfriends na kami." mahina kong saad pero alam ko namang narinig niya iyon.

Dahan-dahan ang paglingon sa akin ni Jaheer. Parang robot na umikot ang ulo niya sa akin at bumilog ang mata niya.

Napaigtad ako nang biglang hinampas ni Jaheer ang horn noong sasakyan niya at saka tinawid niya ang distansiya ng kamay namin. Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang kamay ko.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon