Chapter 6
HerToday is Sunday. Ako na ang nag-aya sa kanila tita Livia at tito Elton na pumunta ng church. Sila Eka at Alice tinatamad pa sana pero walang magawa dahil utos din ng parents nila.
Pero nauna sila doon sa church. Nagpaiwan ako. Kakatapos ko lang maligo nang maabutan ko si Shjan na nag-hihintay sa sala. Mabuti nalang ay nakabihis na ako!
"Wala si Alice dito, nandoon sila sa church." Tipid kong sagot.
He only sighed.
"May pupuntahan ka?" Bigla siyang nagtanong.
Parang bumait siya ngayon, ah.
"Sa church din."
"Ihahatid nalang kita."
"Okay lang, huwag na."
"I insisted." Pagpupumilit niya.
"Bago pumunta ako ng church. May pupuntahan din ako, eh."
"It's fine." Nagpupumilit talaga siya kaya napa-oo nalang ako.
Dahil nga sasamahan daw ako ni Shjan doon sa pasukatan ng uniform, dali-dali kaagad akong naligo dahil 'eto ang utos ni tita Livia sa'kin. Syempre hindi na ako tatanggi pa sa alok ni Shjan na samahan ako.
Isasama ko nalang si Rosyll sa'min dahil alam kong gusto din niya magpasama puntang church. Ayaw ko siyang pabayaan kasi kinakain ako ng guilt ko. She's still a kid for me. Matapang naman talag siya dahil si Rosyll ang dahilan na kung bakit kami hinabol ng mga gangsters noong nakaraan. Pansin ko talaga sa kaniya ay madali siyang magalit.
Nakakatakot talagang kasama 'yong si Rosyll kasi kung sino-sino ang pwede niyang awayin e, at amukin. Pagkatapos sa huli, pagsisihan naman pala.
Right now I'm wearing a simple ripped jeans and a balenciaga white shirt. And also a white rubber shoes. Naka-pony tail lang rin ang buhok ko. Hindi na ako naglagay ng make-up. Pulbo lang talaga.
Hindi naman sa'kin ang branded na damit na 'to. It was from Alice. Hindi madami ang dala kong mga damit kaya binigyan ako. Ayaw naman talaga ni Alice ibigay sa'kin, napipilitan lang naman siya dahil kay tita Liv.
When I went down the stairs, I saw Shjan sitting on the sofa. Nakasandal ang dalawa niyang nga siko sa kaniyang tuhod. He's patiently waiting for me.
Peke akong umubo ako para makuha ang attensyon niya at hindi naman ako nabigo dahil napatingin rin naman kaagad siya sa'kin.
Napalunok ako sa hiya nang makita ko na matagal na siyang nakatingin sa'kin. Mula ulo hanggang paa, ganiyan siya kung makatitig sa'kin ngayon.
"May susunduin pa sana tayo e. Sasama ang kaibigan ko." Sabi ko sa kaniya. "Pwede ba sa'yo?"
"Okay lang. Ang kaibigan na tinutukoy mo ba ay 'yong kasama mo kahapon?" Pagtutukoy niya kay Rosyll. May umiba sa expression ng mukha niya pero hindi ko na yun inintindi pa.
Mabilis naman akong tumango. "Oo, siya nga."
"Sure, there's no problem. So? Let's go?" He looked at me in the eyes, waiting for my answer.
"Sige." Nakangiti at tipid kong sabi. Hindi ko naman alam kung ano pa ang sasabihin ko e, kaya tinitipid ko muna siya ng boses ko.
Si Rosyll muna ang sinundo namin. Pagkasakay ni Rosyll ay nakita kong ilang segundo pa silang nagkatitigan ni Shjan bago umiwas ng mga tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/284871653-288-k427762.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heart's Refugee (Completed)
General FictionWhen her first and greatest love disappeared, she promised herself not to fall inlove with someone else. That's why she chose the path of being a nun... in the peak of her career being a nun, she found herself chased by the girl who left her... givi...