Chapter 12

5.1K 225 8
                                    

Chapter 12
Back




Sobra na 'yon. Papansin talaga siya. Pati sila Tita Livia at Tito Elton ay nagtataka na kung sino itong secret admirer ko. Sa tuwing tatanungin nila ako, wala akong masagot! Ayaw kong umabot sa punto na sila Tita Livia na mismo ang makakatuklas kung sino 'yong admirer na 'yon! Impossibleng hindi matutuklasan, simula ba naman sa mga mamahaling gifts hanggang sa pagiging chismosa ni Eka ay halata na talagang hindi na simpleng hanga 'to!

Parang obsession na nga 'to!

Pero wala akong magawa, hindi ko kayang mapatigil si Alessandra sa ginagawa niya. She will always make a way to get my attention!

Hindi na ako makatiis. Ako na mismo ang haharap sa kaniya. Dumiretso muna ako sa BCNN bago sa simbahan. Muntik pa nga akong mawala kasi malaki ang university. Mabuti nalang at tinulungan ako ni Kuyang guard dito para matunton ang office ni Alessandra.

"Alessandra mag-usap nga tayo!"
Hindi na ako kumatok, dire-diretso na akong pumasok sa office niya.

Napahiya pa ako ng kaunti kasi may kausap siya sa loob. Estudyante at parents nito. Napaiwas kaagad ako ng tingin. Hindi din naman nagtagal kasi natapos din ang usapan at lumabas din naman ang parents at anak nito.

Lumapit ako kay Alessandra. Bahagya akong napayakap ng sarili dahil malamig ang kwarto niya. Unlimited ang aircon.

"Misis, anong kailangan mo? May problema ka din sa anak mo?" Tanong niya.

"Ang kapal mo!" Sigaw ko.

She only smirked.

Hindi ko alam kung nagjojoke ba siya o seryoso! Ni-hindi nga niya ako tinapunan ng tingin!

"Alessandra mag-usap nga tayo!" Sumigaw na ako kasi hindi niya padin ako matingnan.

"Makipag-date ka sa akin. If maiinlove ka, I'll promise to protect your heart. And if not, then I will accept my defeat." The she started looking at her documents again na nasa table niya.

"Sa tingin mo ba ay maiinlove ako sayo nang dahil lang sa mamahaling mga regalo na binibigay mo?"

"You should accept it, receiving gifts is one of your love languages." She sighed. "Please accept it and I'll be happy." She added.

Well, totoo naman yan pero hindi sa ganiyang paraan. Ang tinutukoy ko ay mga gift na tulad ng hand written letters at mga simpleng diy lang. Hindi yung mga mamahalin! Sinanay kasi ako ni Alessandra noon sa mga letters lang ng mga gift, eh. At yun ang pinaka-sweet para sa akin. Hindi yung mga mamahaling mga diyamante at gold.

"Ayaw ko ng mga gifts mo kasi ayaw ko din sa'yo." Seryoso kong sambit.

Pero hindi siya kumibo na para bang wala siyang narinig.

Sa sobrang busy niya kaka-check ng mga papers sa harapan niya, hindi niya ako matapunan ng tingin. Sasagot lang siya kapag tinatanong ko siya.

"Alessandra." Gigil kong tawag. Kapag talagang hindi pa niya ako, matapunan ng tingin, baka Ampunin ko 'yang mga papers niya!

But she didn't look at me. Inayos lang niya ang salamin niya. But I admit it, she looks with glasses. Her hair is dyed with color hazelnut. Nababagay sa kaniyang mukha ang straight na straight niyang buhok na hanggang bewang kasi maliit lang ang hubog ng kaniyang mukha. She look a celebrity that I know, which is Lou Yanong. Hot Asian ang tama niya ngayon.

"May asawa ka na, dapat hindi mo na ako ginugulo."

Napaangat siya ng mukha.

'Eto lang pala ang paraan para pansinin niya ako.

"Hindi ko mahal ang asawa ko." Malamig ang boses niya.

She fixed all the papers in her desk and set us aside. Nakita ko kung paano bumaba at tumaas ang lalamunan niya sa kalmadong paraan. Tumayo siya at bahagyang sumandal sa kaniyang desk habang naka-cross ang mga braso.

"Just say it that you still love me and I'm ready to leave my husband." She locks her eyes on mine. She didn't even blink even once indicating that she's serious.

"Matanong nga kita, alam kong duwag ka, Alessandra. Hindi mo ako madadala sa mga pa-ganiyan mo." Kasi natuto na ako. Ayaw ko ulit maranasan 'tong mga naranasan ko noon.

"Are you still inlove with me?" Inuulit niya ang tanong na alam naman niya ang sagot!

"I'm not."

"Hindi na ako duwag. Hindi na ako takot. Ang kinatatakutan ko lang ay yung mawala ka na naman sa'kin. Iyan ang nakakatakot sa lahat."

Sarcastic akong pumalakpak nang dahil sa narinig ko mula sa kaniya.

"Can't you see that I'm happy right now with my life? Kapag masaya ako, guguluhin mo ako. Ayaw mo talaga ako nakikitang masaya, no'?" Sarcastic kong tanong.

"Mas magiging masaya ka kapag bumalik ka sa akin." Confident niyang sagot.

Gusto kong matawa. Nakakaramdam ako ng inis at galit. Kung ano-ano nalang na magiging dulot ng highblood ko. Pinapataas niya ang dugo ko sa ulo!

"Bakit pasinghal ka nalang parati kung makipag usap sa akin. You should calm yourself." Then she started caressing my head but I immediately slap her hand.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Don't ever touch me like that, again."

"I remembered something. You always like it when I touch you." May asar sa boses niya.

"Well not anymore." Napapikit ako. Naaalala ko na naman yun!

"Huwag mo nang imention yung mga nakaraan!" Pakiusap.

"Just take this in mind, Hope. I won't stop until you will learn to love me, again. I will do anything to win you back." Seryoso niyang sambit kulang nalang ay halikan niya ako sa labi.

The Heart's Refugee (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon