Chapter 35
Her Parents
"Nakita ko ang highlights mo sa instagram... Magkasama pala kayo ni sister Hope? I mean, Hope?" Nang-aasar na sambit ni Deb habang nakadapa siya sa kama naming dalawa.
Tumutulis ang nguso niya, gusto mang-asar.
Umirap lang ako at hindi na inintindi pa ang asar niyang 'yan. Instead, dumapa na rin ako dito sa tabi niya.
Kakatapos lang naming maglinis ng buong bahay. Anytime soon, baka dumating na sila Mommy't Daddy dito. We literally made sure that our house is clean, para hindi kami makatanggap ng sermon kay mommy mamaya.
"Huhulaan ko, may relasyon ba kayo ni Hope?"
Napaisip-isip ako sa tanong na 'yan ni Deb... Everything should be a secret. Masyado na ba akong obvious?
"Bakit mo naman naitanong?" I asked her.
"Gusto ko lang malaman." Aniya.
Ngumuso ako. "Sa tanong na 'yan, hindi ko alam, e... Ikaw ba? May gusto ka na ba sa kapatid ko? Well... Ikaw ang mas obvious sa'ting dalawa." Sabi ko.
"Oo, alam ko namang obvious ako, okay? Pero ikaw ang tinatanong ko dito, e... Nasaan ba ang mga pinapaniwalaan mong prinsipyo? Aber?" She's challenging. "Sabi mo noon, ang unholy mainlove sa kaniya."
Hindi agad ako makasagot. Natahimik ako.
Si Deb, tumaas ang kilay niya. Mukhang nahulaan na niya 'ATA ang ibig kong sabihin.
"Ready ka na bang mainlove ulit at lumigaya?" Tunog nanghahamon siya kaya ang dila ko mas lalong umurong. Napalunok na naman ako.
Am I?
Mismo ang sarili ko ay hindi masagot-sagot 'yan kasi nga masaya na ako at inlove! Hindi pa talaga 'eto ang tamang oras para ipagsabi, eh!
"Nilunok ko na 'ata ang prinsipyo ko," natawa ako. Pero si Deb ang pinakamalakas na tawa sa'ming dalawa. "It's really okay to fall inlove again."
She laughed like she's ready to spit her soul out.
"I knew it... I really knew it... That this day would come!" Sinusuntok niya ang hangin na parang isang bata kaya tingin ko, nababaliw na siguro ang babaeng 'to. "Sabi ko na nga ba, eh, hindi ka na magiging stuck sa pagiging single!" May kasama pang akbay.
"Tanga. Hindi ko pa nga sinasabi sa'yo ang status naming dalawa ni Hope, e. Wala ka pa ngang alam..." mas lalo akong natawa.
Feel na feel talaga minsan ni Deborah ang maging love guru, parati namang niloloko.
Para sa kaniya, okay lang daw ang mainlove... Try and try until you die. Like, paano mo makikita ang soulmate mo kung tumunganga ka lang diyan sa tabi? Landi lang daw nang landi kasi ang kagandahan, kumukupas, eh... Like, sino naman kaya ang papatol sa'yo 'pag kumulubot na ang balat mo? Something like that. Hindi ko nakikita ang point niya at wala akong may naiintindihan na logic sa mga sinasabi niya pero hindi ko alam kung bakit nakikinig padin ako sa kaniya.
"Oh, sige na nga, tatanungin kita. Ano ng status niyo ni Hope?"
I just smiled. I didn't answer her.
"Sa ngiti mong yan," she scanned me.
"We're good." paliwanag ko. "Ikaw? Ano naman ang status mo?"
"Ang crush ko, hindi pa niya ako nililigawan. Pero nafefeel ko doon parin 'yon hahantong."
"Decision mo naman," natawa ako, sinamaan siya ng tingin. "Huwag ka ngang magsinungaling sa'kin. Be honest."
"How 'bout the kiss? Nagkiss na kayo diba? At kung ano-ano pa ang mga pinaggagawa niyo... Tapos, hindi pa pala kayo?" Binabalik niya talaga ang topic sa akin.
BINABASA MO ANG
The Heart's Refugee (Completed)
General FictionWhen her first and greatest love disappeared, she promised herself not to fall inlove with someone else. That's why she chose the path of being a nun... in the peak of her career being a nun, she found herself chased by the girl who left her... givi...