Chapter 22
Date"Masarap. . . Ang sarap, promise!" Mangha kong sabi habang nguya-nguya ang barbeque na binili ni Alessandra. Libre niya.
"Pick anything you want to eat. Don't worry, my treat." Alok pa niya.
Ang dami niya talagang pera!
Nandito kami sa mga food stalls na nasa labas ng BCNN. Hele-helera ang mga street foods. May iba't-ibang mga food stalls dito at sa bawat isa dito ay tinitikman talaga namin. Actually, parang ako nga lang ang may ganang kumain dito. Si Alessandra kasi, napapangiwi nalang sa tuwing pinipilit ko siyang tumikhim. Nandidiri 'ata?
Ako lang naman siguro ang may gusto nito!
Hindi siguro siya sanay sa street foods.
Kahit pinagtitinginan na kaming dalaw dito, parang wala namang pakialam si Alessandra kaya sige lang.
Sabagay, mayaman pala 'tong si Alessandra kaya may medyo may pagka-arte siya sa kinakain niya. Kahit na gano'n, syempre tuloy parin ang pangungumbinsi ko na kumain din siya, hindi lang ako. Ang sarap kaya kahit mukhang kadiri. May 'something' special talagang nanunuot dito sa mga barbeque. Literal, na may pagkaiba 'to.
Umupo na kami sa isang bakanteng bench na nandidito.
"Anong favorite mong street foods?" I asked her.
May fishball, kwek-kwek, kikiam at marami pa ang nandito pero fries lang ang kinuha niya. Sapilitan ko pa yang Pinilit!
"Ramen is one of the famous dish in Japan. That's what I wanted." Kwento ni Aless kahit hindi ko itinanong ang tungkol sa Japan!
"But you know what, miso ramen is my favorite. It's a noodle soup flavored with a paste from fermented soy beans." Dagdag pa niya. "I actually don't eat street foods. I like eating always in a Japanese restaurants."
Mayaman naman siya, she can afford that. Kahit araw-arawin pa niya.
"Pwede din namang batchoy, eh. Masarap din." Sabi ko. "Masasarap ang mga batchoy doon sa Iloilo." Dagdag ko pa.
"Naririnig ko na 'yan. Gusto ko nga 'yang subukan." Ngumiti siya.
Kumakain ako ng mabuti. Si Alessandra ay nakaupo lang habang may tinitipa sa cellphone niya. Hinahayaan lang niya akong Kumain at mamili ng mga kakainin dito sa food stalls. Siya naman kasi ang magbabayad e.
Walang Ilang sandali, lumapit si Eka sa'min. Pawisan siya. Kakatapos lang ng klase niya.
"Hello, maam, good afternoon po!" Bati niya kay Alessandra.
Ngumiti lang si Alessandra.
"Nagdedate pala kayo ni ma'am, eh, sabihin mo lang kung nakakaabala ako." Asar niya.
"Hindi, ah." Defensive kong sagot.
"Libre mo naman ako." Pabulong niyang sabi.
"Ano ba gusto mo?" Ang yabang ko kahit wala akong pera. Si Alessandra lang talaga ang lilibre sa'kin.
"Soup curry." Wala sa sariling naibulalas ni Eka. "I think I'm craving for soup curry."
"Saan naman tayo kukuha no'n? Try mo nalang kaya ang mga street foods dito. Huwag kang mag-alala, libre naman daw ni Alessandra." Sabi ko pa.
"Nakakahiya kay ma'am. Ang kapal ng mukha mo, Hope." Eka rolled her eyes.
"Nasabi na nga niya kanina na manlilibre siya."
"And I'm part of that treat? Or ikaw lang?" She asked, wanting an assurance. Natawa ako. Aayaw pa, halata namang gusto niya.
"Pick anything." Nagsalita na si Alessandra.
![](https://img.wattpad.com/cover/284871653-288-k427762.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heart's Refugee (Completed)
Ficção GeralWhen her first and greatest love disappeared, she promised herself not to fall inlove with someone else. That's why she chose the path of being a nun... in the peak of her career being a nun, she found herself chased by the girl who left her... givi...