Chapter 33

4.2K 145 8
                                    

Chapter 33
Again?

"Maybe he really got attached to you. Ampunin mo na siya." Sabi ko kay Alessandra habang Pinagmamasdan si Ej na natutulog. Hindi ko siya maiwan-iwan.

Aaminin kong na-attach ako sa batang 'to. Sa lahat na ng mga batang inalagaan ko, si Ej talaga ang nakaka-attach. I mean, hindi naman favoritism 'to. I love every kids.

"Yes, I will. Pinaprocess pa." Sabi niya.

"Do you have any plans for us?" Bigla niyang naitanong at napalunok naman ako.

"Ang hirap magtiwala, no." I laughed after.

Hinawakan niya ang kamay ko. Hinigpitan niya ang hawak at hinalikan ako sa pisngi. "Don't be scared. This will be the last time. Hinding-hindi kita sasaktan. Hindi na ako maduduwag."

I just smiled.

Damn this... Am I really this inlove para pagkatiwalaan siya ulit? Haven't I learned my lesson? My heart really kept on coming back! Kasi naman... Nasasaktan talaga ako ng sobra kapag hindi ko sinunod ang puso ko, eh!

We kept our relationship hidden as the days goes by. We became a secret lovers... Alam kong bawal ito pero ginawa ko. Ganito ba talaga kapag nagmahal, nagagawa mo ang lahat ng bawal kasi alam mong mahal mo ang tao?

I became her secret girlfriend. Aaminin ko na ang saya ko. Kasing-saya kung paano ako unang nainlove sa kaniya! She never fail to make me smile each day.

Liligawan niya ulit ako. Papakasalan pa nga, eh Iyan lamang ang mga pinangako niya sa'kin.

Hindi ko nga alam kung dapat pa nga ba akong maniwala sa kaniya?

Bahala siya. Siya na naman ulit ang gustong pumasok sa puso ko.

Ako kasi, hindi ko pa feel na buksan ulit ang puso ko. Kumbaga, mas gusto ko pang maghirap muna si Alessandra. Ganoon.

Talagang gusto niya akong sumama dito sa Japan para pormal na ipakilala ULIT sa mga magulang niya.

Kinakabahan ako, sobra.

But she assures that I shouldn't be afraid because she's here. Hindi niya ako pababayaan.

If things mess up, she also promised to defend me.

I still love her and I trust her and I trust her that much.

Hinayaan ko siya kasi kong makita kung ano pa ang pwede niyang gawin. Kung ano pa ang mga ipapakita niya para tuluyang bumalik ang loob ko sa kaniya.

Nakakatakot ngang isipin na baka ay palabas na naman ang lahat ng mga 'to. Na baka'y hindi na naman totoo ang lahat. . . Pero nang makita kong sincere si Alessandra sa mga pakay niya sa'kin. I really think that she deserves a second chance.

Second chance na nga, eh.

Hindi naman ako sobrang sama para ipagkait sa kaniya ang chance na inaasam-asam niya.

Ayaw ko ding magsinungaling sa sarili ko na hindi ko na siya mahal kahit ang totoo... Mahal na mahal.

Ilang years na nga ang dumaan pero ang nararamdaman ko para sa kaniya, bumabalik din.

Currently, were here in Sapporo Japan. Sinama niya ako kasi gusto niyang ipakilala na ako sa pamilya niya. She assures me naman na hindi ko na kailangang kabahan kasi kasama ko siya.

"Sa ibang room ka matutulog ngayong gabi. Eh anong ginagawa mo dito?" I asked Alessandra.

Dalawang room kasi ang kinuha niya dito sa Hotel. Kasi alam niyang hindi muna kami dapat magsama sa isang room kasi kailangan ko din ng space para makapag-isip.

The Heart's Refugee (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon