Chapter 28
She's HappyWhen I opened my eyes, kinapa ko kaagad ang kama sa tabi ko. Wala na ang babaeng nasa tabi ko. Binaon ko nalang ang mukha ko sa unan out of frustations.
Napakagat ako ng labi. Hindi manlang niya ako inantay. Umalis kaagad. I didn't even saw her face yet. Sana bago siya umalis, nagpakita muna siya sakin.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table. Nagsimula akong magtipa ng mga messages sa mga friends ko. Nauna akong umalis ng bar kagabi, sigurado akong nag-aalala na ngayon sila.
Gusto ng lights off kagabi, eh. Pinagbigyan ko kahit gusto ko ng lights on.
Nag-ayos na ako ng sarili. Gusto ko pa sanang humingi ng cctv copy dito sa hotel na 'to pero ayaw akong payagan ng manager. Hindi nalang ako nagpumilit pa. I just wanted to know that girl.
Siguro, mas mabuting huwag ko nalang isipin pa 'yon. I have a lot of work to do. Nag-enjoy din naman ako kagabi kaya okay na 'yon.
Nang makalabas ako ng hotel, lumaki ang mata ko nang makita ulit ang bata. I think he's EJ. Nanlilimos ulit siya. Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa kaniya.
"Hey, EJ," tawag ko sa kaniya na agad niyang ikanilingon.
When he recognized me, his face brightens up.
"Ate!" Gusto niya akong yakapin pero hindi niya tinuloy. "Pasensya na, ate. Wala pa akong ligo, eh."
Ngumiti ako.
"It's okay. Kumain ka na?" Tanong ko kaagad.
The kid is so cute. Singkit ang mga mata niya. Nawawala ito sa tuwing ngingiti siya. Parang kapatid ko lang noong bata, parehas sila ng mga mata.
Nang umiling siya, hinawakan ko kaagad ang kamay niya at dumiretso ng malapit na restaurant na nandidito. Tuwang-tuwa siya nang makapasok kami sa restaurant.
"Salamat po dahil dinala niyo ako dito! First time ko palang makapunta dito!" Ani Ej.
Kung saan-saan siya napapalinga nang dahil sa mangha. Nasa jollibee kami.m
Burger lang at drinks ang inorder ko. Isang meal naman ang inorder ko para kay Ej. Meron na ding fries, burger at halos lahat nalang ng nasa menu ay inorder ko.
It's so good that eventhough he lives in street, he still knows how to use the spoon and fork properly. He knows one of the proper etiquette when eating which is, don't speak when your mouth is full.
"Do you want to come with me?" I asked him.
Saglit siyang napatigil sa pagkain. Nilunok niya muna ang pagkain dahil puno ang bibig niya.
"Po?" Tumingin siya sa akin.
"You shouldn't live on streets. I know a better place for you." Paliwanag ko.
I don't want him to lure around the city alone and he's just a kid! I know that there's lot of dangers in the street! Kakainin talaga ako ng konsensya ko kapag may mangyaring masama sa kaniya.
Napatampal ako ng noo. Hindi pala siya marunong mag-english kaya alam kong wala siyang naiintindihan.
"Gusto mo sumama sa'kin? May alam akong Lugar na para sayo. Ayaw kong nakikita kang nasa kalye lang." Paliwanag ko ulit.
"Saan po 'yon?" Mukhang nag-aalinlangan pa siya.
"May alam akong bahay ampunan. You could stay there." I suggested.
"Doon, madaming pagkain. Maaalagaan ka ng maayos at alam kong magkakaroon ka ng madaming mga kaibigan." Dagdag ko pa.
Nangunot ang noo ko nang makita ang Reaksyon niya. Hindi siya mukhang masaya. Hindi naman ako nakampante nang dahil sa nakuha kong reaksyon.
"May problema ba, EJ?" Tanong ko sa bata.
"Maganda po ba talaga do'n?" He was so unsure.
"Yes, I promise. I can guarantee that, Ej. Doon, maaalagaan ka ng mabuti." Paninigurado ko. Ngumiti pa ako ng malapad.
Hindi kalaunan, napapayag ko din si Ej na sumama sa akin. Masayang-masaya siya habang nasa loob ng taxi. Kung ano-ano pa ang mga tinuturo niya sa labas.
Hindi ko dala ang sasakyan ko, eh. Isa-isa ko ding tinext ang mga kaibigan ko na okay ako. Ang dami kasi nila nag-aalala sakin. Pati sa gc namin, ako ang topic. Muntik pa daw nilang ipadala sa balita ang tungkol sa dissapearance ko.
Basta ang naaalaa ko lang kagabi ay may babae akong naka-one night stand. Lasing na lasing ako nun, kahit mukha ng babae o boses niya, hindi ko na din maalala. . . Pero nag-enjoy naman ako, eh, kaya okay lang.
Gusto ko pa Sana si yang makilala.
Eh ano magagawa ko, iniwan ako.
Hindi ko nakilala ang babae kasi alam kong lasing na lasing ako, eh.
Kahit mag-bye manlang sana sa'kin.
Kaya ayaw kong umiinom ako, eh, lalo na pag nalalasing.
Namangha kaagad si Ej nang huminto kami sa malaking gate. Nakarating na kami sa bahay ampunan na tinutukoy ko sa kaniya.
Hinawakan ko ang kamay ni Ej. Sabay kaming naglakad papasok.
May walong madre ang nasa labas, sa tingin ko ay naglilinis.
Pero isa lang ang napansin ko.
Nagtama ang mga mata namin ni Hop- I mean sister Hope. Ako agad ang unang umiwas ng tingin. Binalik ko nalang ulit ang mga mata ko kay Ej.
She's talking with a nun too.
Ang irony... she looks really happy wearing that.
Mukha lang niya ang nakikita ko. Her hair is covered. She's wearing that nun uniform. She looks very holy... It suits her. If that makes her happy, then she should be it.
Bumuntong hininga ako. Bwisit na pakiramdam 'to. Nakaramdam kasi ako ng hiya nang magkatinginan kami.
Dumiretso kami sa office.
Lumapit ako kay Sister Merri, ang head nun dito. Dinetalye ko sa kaniya ang balak ko. Kwinento ko din lahat patungkol kay Ej. Gusto kong dito muna ang bata, eh, kaysa naman maging palaboy siya.
Alam kong hindi naman ako tatanggihan, ang simple lang ng favor ko, eh.
Ang dami ko na din kasing naitulong dito sa ampunan. Nagkaroon pa ako ng foundation. Hindi lang dito, kundi na din sa iba pang ampunan dito sa Sta. Rosa. Kaya naman halos ang lahat ng dito sa ampunan ay kilala ako.
"Ikaw na po ang bahala kay Ej, ah." Pakiusap ko kay Sister Merri.
"Walang problema, engineer Alessandra. Makakaasa ka na maaalagaan namin nang maigi ang bata." Ani Sister Merri.
Ngumiti naman ako.
Lumapit ako kay Ej at lumuhod sa harapan niya para magpantay ang mga mata namin.
"Ate, bibisitahin niyo po ba ako dito?" malungkot na tanong ni Ej.
Agad akong tumango. "Oo, dadalawin kita parati dito."
Niyakap niya ako bigla... Hindi ko 'yon inaaasahan.
That made me smile. Niyakap ko din siya pabalik.
Nang makalabas ako ng office.
Hindi ko inaasahan na nasa harapan ko si Hope. Napatigil ako. Papasok din 'ata siya sa office kaso nga lang bad timing kasi nakasalubungan niya ako.
Hindi siya nagulat... Ako lang.
Umakto din ako na para bang hindi din ako nagulat.
Her eyes are cold... she looked at me as if she don't recognize me.
Nilagpasan niya ako. I did it too.
We walked passed with each other like strangers.
Ngumiti lang ako. Binalewala ko lang ang nangyari.
BINABASA MO ANG
The Heart's Refugee (Completed)
Художественная прозаWhen her first and greatest love disappeared, she promised herself not to fall inlove with someone else. That's why she chose the path of being a nun... in the peak of her career being a nun, she found herself chased by the girl who left her... givi...