Chapter 13
Wherever"Kailangan ko talagang umalis. Babalik ako sa amin. Mga two weeks lang naman ako do'n, anong miss diyang pinagsasabi mo." Pagpapaliwanag ko kay Eka. Nagtiim ang bagang ko at padabog pa ang paraan ng paglalagay ko ko damit ko sa aking bag.
Napapasungo si Eka sa agresibo kong paggalaw. If hindi niya talaga ako titigilan, ako na ang lalayo! At kapag napagod na siya kakahabol sa akin, mabuti nga! Pakiramdam ko ay
"Aalis ka talaga?" Si Alice. Nakasandal siya sa pinto.
"Babalik din naman." Sabi ko. Binubuntong ko ang sama ng loob ko sa damit ko. Parang mapupunit na kakatupi.
"Kahit hindi ka na nga bumalik." Ani Alice sabay alis.
Binalewala ko nalang ang sinabi niya. Walang hiya si Alessandra. Alam ko no'ng una palang ay makakaramdam talaga ako ng inis sa kaniya. Nananadya kasi, akala niya ay kinikilig ako. Inis lang ang nararamdaman ko pero hindi ko akalain na ganito pala katindi. Parang hindi na nga simpleng inis 'to, parang galit na. Pakiramdam ko tuloy ay ako ang talo dito. Siya ay natutuwa siya pananadya sa akin habang ako, naiistress sa pagiging papansin niya.
"Maganda si ma'am, sexy at mayaman. 'Tapos mukha namang yummy," kinikilig si Eka sa huli niyang sinabi. "Why not give a chance? Malay mo, Hope-"
"May asawa siya. Manloloko siya. At ang ginagawa niya sa asawa niya ngayon ay gagawin din niya sa akin." Pinutol ko ang pantasya niya. Pakiramdam ko ay gusto kong sumuka dahil hindi ko masikmura iyon. "At if ever kahit single siya, wala siyang chance sa akin. Ayaw ko na."
Nag-ferry lang ako papuntang Roxas. Nagpaalam na ako kay tita at saka sa simbahan. Isang linggo lang naman ako doon o baka umabot pa ng dalawang linggo... as long as wala akong Alessandra na nakikita sa isang lugar ay kuntento na ako.
Umalis ako ng alas-otso, at mag-aalas-dose na nang makadaong sa Roxas.
Napangiti kaagad ako nang malanghap ang amoy ng Roxas City, nakakamiss.
Pero hindi pa ako tuluyang makakauwi. Magkakaroon pa ako ng isang transportation bago tuluyang makarating ng bahay. Mga tatlumpung minuto pa ang kakailanganin bago makarating gamit ang tricycle.
Ang init pero tinitiis ko lang. Nakikipagbatian pa ako sa mga drivers na kilala ko.
Tinitext ko din Eka tungkol sa sitwasyon ko ngayon, gusto niya kasi ng update, eh.
Bumaba kaagad ako ng tricycle nang tumigil na ang driver sa harapan ng bahay. Simple lang ang bahay namin, hindi masyadong malaki pero okay na. Maganda padin. Half-semento at half-kahoy.
Sinalubong kaagad ni nanay nang makalabas siya. Inaasahan na niya ako kaya hindi siya medyo nagulat.
"Nay," niyakap ko siya nang mahigpit.
"Nakatanghalian ka na ba? Kain ka muna sa loob. Ako na bahala sa mga dala mo." Inagaw ni nanay ang mga dala ko. Hinayaan ko nalang. Dalawang backpack lang naman ang dala ko, eh.
Pero ayaw ko kumain. Dumiretso kaagad ako sa kwarto ko.
Inayos ko na ang kwarto ko. My room is still the same. Walang nagbago sa no'ng una ko 'tong iniwan. Madaming memories 'tong kwarto ko, eh, naaalala ko na dito kami parati tumatambay ni Alessandra sa tuwing gusto naming mag-cutting classes. Nilolock pa namin ang pinto.
Ang Daming mga katarantaduhan ang nangyari sa kwartong 'to. Mga sundutan... lahat-lahat nalang ng pwedeng gawin nang mag-jowa, halos nagawa na namin sa kwartong 'to. Masaya ako pero ngayon habang naaalala ko, hindi na saya ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako sa paraan na hindi ko naman kayang ipaliwanag.
BINABASA MO ANG
The Heart's Refugee (Completed)
Ficción GeneralWhen her first and greatest love disappeared, she promised herself not to fall inlove with someone else. That's why she chose the path of being a nun... in the peak of her career being a nun, she found herself chased by the girl who left her... givi...