Chapter 10
Inside that Mind"Self worth ang una kong hinanap noong nawala ka. I kept on asking myself if I am not enough? Bakit ganun nalang kadali sayong iwan ako?" Matigas niyang pagkakatanong. Sa point na 'to, alam kong maiiyak na siya pero pinipigilan lang niya ang sarili.
"That scandal ruined my life... it ruined our family, our status, our business and everything. I hate that fucking video." Pagtutukoy ko sa nangyari sa amin moon. Kung paano kumalat ang video na yun. Nang dahil dun, nagkagulo na ang lahat.
Saka na siya umiyak. Nang tinangka ko siyang lapitan para yakapin ay pinigilan niya kaagad ako. Humarap siya sa akin. Kumirot kaagad ang puso ko nang makita ko ang mga mata niyang lumuluha.
Ilang beses ko na siyang tinatangkang lapitan pero ayaw niya talagang lumapit ako sa kaniya. Kaya wala akong magawa kundi tingnan lang siya sa mga mata habang tumutulo ang mga luha niya. Hindi ako makagalaw kahit gustong-gusto ko siyang icomfort.
"Hindi ko naman ginusto na kumalat yung video, eh, pero- ansakit-sakit lang talaga ng ginawa mo. Hindi mo alam kung gaano kadami ang iniyak ko gabi-gabi nang dahil sa pang-iiwan mo." Right now, she's like a child. Para siyang nagsusumbong.
Kumuyom ang mga kamao ko kasi alam ko na sa mga oras na nagdudusa siya, wala akong ginawa. Nagpakalayo ako. Hinayaan ko siyang saluhin ang mga masasakit na mga salita na binabato sa kaniya noon.
I chose my parents, my family. And not her. Kasi noon, hindi ko pwedeng suwayin ang parents ko. Ang laki ng utang na loob ko sa kanila. Kahit siya naman talaga ang gusto kong piliin, naisip ko din ang mga magulang ko. Their sacrifices and everything.
"Duwag na duwag ako noon, Hope. Walang-wala ako. Kung wala ang mga magulang ko, wala din ako. Kaya mas pinili ko sila." Suminghap ako. Bahagyang nanginig ang mga kamay ko pero idinala ko nalang sa pagbuntong-hininga. "Pero promise, hindi ko din ginusto ang ginawa ko. Nagsisisi din ako kung alam mo lang. Gabi-gabi akong hindi pinapatulog ng konsensya ko."
Kulang nalang ay lumunod ako, ganito ako ka-sincere sa mga sinasabi ko ngayon.
"I told you that I don't want you... Ikaw ang unang nagbigay ng motibo sa ating dalawa noon. Ikaw ang dahilan kung bakit mas gugustuhin kong magmahal ng babae kaysa lalake." Pakiramdam ko ay gusto niya akong suntukin sa tono pa lamang ng boses niya. "Then kung saan nagkahulihan na, ikaw pa talaga ang unang naduwag sa atin?" Sabay tawa ng sarkastiko.
I can still remember everything... how I court her eventhough she's straight. How she only likes boy but I wanted her to be mine. How I pursue my feelings eventhough loving a girl is a sin for us.
"I'm sorry." Paumanhin ko sa pagiging duwag ko.
Wala na siyang sinabi. Pinagmamasdan ko siya habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha. Sinimulan din niyang ayusin ang sarili. Bahagya akong napayuko nang titigan niya ang mukha ko. I can't directly look in her eyes... because everytime that I'm looking with that eyes of her, I can only visualize all the things that I had done to her. All the bad things.
She silently went out the room.
Ibinagsak ko kaagad ang katawan ko sa kama. Sinabunutan ko ang sarili ko at mahinang napapamura. I hate myself... I really do!
Gusto kong saktan ang sarili ko!
I missed her... I'm missing the old Hope that I once knew... the gentle Hope, her kindness, her soft voice, her fragile personlity... and everything about her. But It's all my fault why I lost her. Kasalanan ko lahat at nagsisisi ako.
Damn this... naiiyak ako sa sobrang pagkamiss sa kaniya.
****
Lumipas na ang isang buwan simula nung nangyari ang komprontasyon na yun sa pagitan namin ni Alessandra. Akala ko pa, iiral na naman ang pagiging mabait ko sa kaniya pero hindi! Proud na proud ako sa sarili ko dahil hindi ako naging mabait!
Kasi pagdating sa kaniya, kilala ko ang sarili ko, alam kong magiging malambot ako. Mabait din kasi akong tao, eh!
Pero salamat nalang dahil sa kauna-unahang beses ay naging masama din ako sa kaniya.
Isang buwan na yung lumipas... hindi na nga siya nagparamdam. Ganiyan talaga siya, hahayaan lang niya ang isang bagay kapag wala na talagang pakinabang sa kaniya.
Mabuti na rin yun para wala nang gugulo pa sa akin.
Isang buwan siyang hindi nagparamdam... Sana tuloy-tuloy na.
"KAHIT HUWAG NA. . . Magagawa ko namang mag-isa 'to e. Pwede ka nang lumabas, Eka." I insisted Eka. Hindi niya talaga ako maiwan-iwan dito sa kwarto. Hindi pa ako tapos sa paglilinis kaya gusto niya akong tulungan.
Kasama ko lang si Eka. Ayaw din namang tumulong ni Alice. Hindi muna ako pupunta ng church ngayon kasi rest day ko.
Nakakapanibago ang isang buwan ko kasi wala na talagang nanggugulo. Parang may kung ano sa'kin ang nag-iba din. Church at bahay lang ang ganap ko. Kapag naman may mga lalaking nagpapapansin sa akin, talagang nirereject ko kaagad ang tinataboy! Nakakadiri talaga!
After all the heartbreaks? God, I'm done.
"Kumain na kayo, ako nalang ang bahala dito. . ." Singit ni Tita Livia. She even gave me an assurance smile. "Saka, Hope, tinatawag ka sa baba ni Tito mo, Elton. Tingnan mo yun."
Nang makababa ako, may kausap si Tito Elton na isang rider. It's a delivery boy. May hawak-hawak itong isang bouquet na bulaklak.
It's a red tulip. Lumapit kaagad ako kay Tito Elton nang tinawag niya ako. Pati si Eka ay nakichismis na rin.
"Para sa akin, Tito?" Takang-taga kong tanong nang iabot niya ang bulaklak.
"Si Hope lang ang meron, daddy? Wala ako?" Singit ni Eka sabay nguso.
"Nakapangalan sayo, eh," Ani tito Elton.
Kinuha ko kaagad ang bulaklak. Naguguluhan parin ang mukha ko pero kahit na ganun, kinuha ko nalang ang bouquet. Kinuha ko ang card na nakalagay sa itaas at binasa ang nakasulat dun.
"I am sorry, I wanted you back. It's been a month but I''ll chase you until you will learn to love me again."
Napakagat kaagad ako ng labi nang malaman kung sino ang nagpadala nito. Walang pangalan pero pinangalanan ko na... no, I don't want her! Ayoko na talaga!
BINABASA MO ANG
The Heart's Refugee (Completed)
General FictionWhen her first and greatest love disappeared, she promised herself not to fall inlove with someone else. That's why she chose the path of being a nun... in the peak of her career being a nun, she found herself chased by the girl who left her... givi...