Chapter 9
PastHindi lang dahil kay Hope kaya ako nandito sa simbahan. I wanted to visit father Lacson. Hindi pa tapos ang homily niya pero hindi ako sa loob ng simbahan umupo, kundi dito sa labas. Sa bench ako umupo dito sa labas para wala masyadong tao na kasama.
Father Lacson is also a great friend of my parents, especially my dad. Ninong ko din siya. Kaya meron ding dahilan kung bakit ako pumunta dito sa simbahan.
I don't want Hope to think that I have been stalking her for weeks. Cause I do.
"Ninong, goodevening," lumapit ako kay father Lacson at nagmano. Halos gabi na nang matapos ang huling misa. It's just 6pm pero madilim ang panahon.
"Hija, Alessandra! Mabuti naman at nakapunta ka dito!" Father Lacson was so happy.
Napatingin ako sa mukha ni Hope. Lumaki ang mata at umiwas ng tingin. Hindi niya ako kayang tingnan pero bakas sa mukha na parang hindi niya nagustuhan ang pagpunta ko dito.
The way how her was slowly getting red, it made me smile. She's cute. She cut her hair into a sleek and chic one. Hanggang balikat na ang kaniyang buhok. Mas lalong bumabagay sa matingkad niyang jawline. Black na black ang buhok niyang panakip niya sa kaniyang mukha sa tuwing titingnan ko siya kasi hindi niya talaga ako masikmurang tingnan.
"I wanted to visit you, ninong. Nakarating kasi sa akin na nakauwi ka na daw dito sa Bacolod." Sabi ko kay ninong sabay bigay ng halik sa kaniyang pisngi.
"Hindi mo kasama ang asawa mo?"
"Wala siya dito, ninong." Tumingin ako kay Hope pero hindi na siya tumitingin sa akin. Kadalasan kasi ay nahuhuli namin ang isa't isa na magkatitig.
Ayaw ko na hindi niya ako tinitingnan.
Um-oo kaagad ako nang imbitahan ako ni Father Lacson na kumain doon sa kumbento. Ang sabi niya ay madaming pagkain doon kaya hindi ako tumanggi. Tutal ay nandoon rin naman si Hope.
Nakatitig lang ako kay Hope habang kinakausap siya ni Father Lacson at iba pang mga madreng nandito. Pati na rin ang mga care takers ng kumbento ay nakisalo. They are happily talking to Hope. Siya lang kasi ang pinaka-bata dito.
Hindi din mawala-mawala ang ngiti ko habang nakatitig sa kaniya.
I felt that Hope is uncomfortable that I'm looking at her. Nagets ko din naman kaagad kaya umiwas nalang ako ng tingin. She hates my presence and I know that. Pero hindi ako titigil sa kakakulit sa kaniya hanggang sa pansinin na niya ako.
Binaling ko nalang ang mga mata ko sa adobong nasa harapan. Adobong manok ito. Kumuha ako at naglagay sa pinggan ko. Nang matikman ko, si Hope kaagad ang naalala ko. Alam kong siya ang nagluto nito.
I know how she cooks because she already cook for me in the past, several times. Alam ko ang style niya sa pagluluto. That's why I'm pretty sure that she cooked some of the dish in front of me.
Hanggang sa hindi ko namalayan na naparami ako ng kain. Napansin din ni Hope na madami ang kinain ko pero inirapan lang ako. Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagmamaldita sakin ngayon. Deserve ko naman. Sa dami ba naman ng kasalanan ko sa kaniya? I don't deserve her kindness this time.
Madami ang kasalanan ko sa kaniya kaya madaming sorry din dapat ang ibigay ko. This time, I just wanted to make it up to her.
"Gumagabi na, hija. Hindi padin tumitigil ang ulan. Susunduin ka ba ng asawa mo?" Nag-aalala si Father Lacson sa akin.
Sa totoo lang, dinahilan ko lang naman na hindi ako masusundo ni Craig kasi busy siya. Pero ang totoo, gustong-gusto talaga akong sunduin ni Craig pero ayaw ko pa talagang umuwi. I'm not yet done with Hope. I will really try my best to get her attention.
"Busy ang asawa ko, ninong, alam kong hindi niya ako masusundo." Umakto ako na parang nalulungkot talaga.
"You should stay here. May vacant pa namang kwarto dito sa kumbento." Nag-aalalang sabi ni Father Lacson.
Napangiti kaagad ako.
"Sure, ninong. Sure na sure." Tas ngumiti ako nang sobrang tamis. Yun naman ang ikinapait ng mukha ni Hope.
"Kahit anong gawin mo, hindi padin Magbabago ang tingin ko sayo. You're still the heartless person that I know." Galit niyang sinasabi habang nag-aayos ng unan at bedsheet.
Labag talaga sa kalooban niya na dito ako matulog pero wala din naman siyang magagawa, eh. Wala naman akong gagawing masama sa kaniya. I just wanted to talk to her. I kept on dreaming her and tried my very best to find her. At ngayong nandito na siya sa harapan, I won't miss this opportunity.
"I have so many reasons why I left." Umupo ako sa mesa at bumuntong hininga pero tuloy-tuloy lang si Hope sa ginagawa niya.
"Kaya nga imbes na pinaliwanag mo sa akin, mas pinili mong umalis nang hindi nagsasabi. You don't know how much damage you had caused me." Parang mabibiyak ang boses niya pero huli, nagawa din naman niyang kontrolin ito.
"Akala ko maiintindihan mo." Sabi ko. Napakawalang kwenta ng sinabi ko.
I wanted to hug her and kissed but I can't. Hindi niya talaga ako hahayaang makalapit pa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Heart's Refugee (Completed)
BeletrieWhen her first and greatest love disappeared, she promised herself not to fall inlove with someone else. That's why she chose the path of being a nun... in the peak of her career being a nun, she found herself chased by the girl who left her... givi...