Chapter 15 (Warning)
DrunkenEven if it sounds like madness, I will do anything to get her back. I may sound delusional and may look desperate but I will still continue to show her how I love her... how my feelings had remained and nothing had change.
Everyday, I kept on admiring Hope even more. She's really so beautiful, inside and out. Kahit galit siya, hindi ako susuko sa kaniya. Titiisin ko ang lahat ng pagtataray niya.
"Ano yan?" I asked Hope. She's wearing a nun outfit.
Hindi bagay sa kaniya. Mukha siyang nanay.
"Nakita ko lang sa close. Pinaglumaan 'ata ni tita. Madre kasi 'yon, eh." Kwento niya.
"Why did you wear it? What if that's possessed." Komento ko. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Bagay sakin diba?" She asked happily.
"No." Sagot ko kaagad.
"Oh bakit?"
"Mas bagay sayo ang naka-bridal gown." I said.
Hindi siya sumagot. Inirapan niya ako.
"Hindi ko na yan masusuot. Alam ko na kasi kung saan ako hahantong." Ang sagot niya. Seryoso ang pagkakasabi niya... nakaramdam pa ako ng kaunting kirot.
Talagang naalburuto talaga ang puso ko- halo-halo kasi ang nararamdaman ko. Ang mix ng emotions ko.
I hope that she's still unclear with her decisions in her life. I love her. I wanted to marry her instead.
"Ang ganda ng uniform. Katulad sa mga madre na nakikita ko sa simbahan! Kulay black na skirt at blouse, sinusuot para sa labas ng uniform. Black ang skirt ko na hanggang paa. Feel ko maganda 'pag nag-stocking ako." She's talking with her cousin on the phone.
Nandito naman ako. Pero tumawag pa talaga ng iba. Habang pinagmamasdan ko siya sa ganiyang suot, hindi ko talata napipigilan ang sarili ko na ijudge siya. Hindi naman talaga bagay sa kaniya.
Bagay sa kaniya ang heels, yan lang. Mukha na siyang 5'8, hindi na 5'7.
"Mainit sa pakiramdam ang suot ko pero okay lang. Ang Ganda diba!" She added.
Ganito pala siya kaganda kahit na inaayusan? Ang ganda-ganda niyang pagmasdan. Pulbo lang talaga ang nilalagay niya sa mukha niya pero dahil nga may maarte siyang pinsan, naglalagay nalang siya ng liptint kahit ayaw niya. Kapag kasama niya si Laika, pansin ko na naglalagay talaga siya ng make-up. Her hairstyle is amazing right now, naka-side braid. Siya ang nag-ayos ng buhok niya.
Napangiwi ako dahil nagsimula si Hope umikot-ikot. Feel na feel niya ang sinusuot na pang-madre. Nagmumukha lang talaga siyang nanay diyan.
Well... Maganda rin naman ang results, nagustuhan ko naman ang ayos niya kaya hahayaan ko nalang. Ngayon lang naman niya masusuot ang ganiyan kasi sisiguraduhin ko na hindi talaga siya magiging madre.
"Ay? Ikaw ba 'yan? Hindi bagay sayo." Pang-aasar ko.
Tinakpan ng mga palad niya ang kaniyang bibig, kunwaring gulat na gulat sa sinabi ko. Mahina akong natawa. "Huh, talaga?!" Sarkasmo niya.
Umiling ako, natatawa padin. Tumigil nalang ulit ako sa kakatawa kasi halatang hindi na siya natutuwa.
Lumipas na ang gabi. Hindi ako makatulog kahit Anong gawin ko. Ino-overthink ko ang isang bagay kaya halos hindi na ako makatulog. Wala naman akong ibang iniisip kundi si Hope lang.
Good thinking I have liquor in my bag. I bought this earlier in the market. Binili ko kasi alam kong kakailanganin ko.
Pumwesto ako sa harapan ng bintana. Nag-set up ako ng maliit na table. Chicharon lang ang pulutan ko. Nandito ako sa kwarto ni Hope, tulog na siya. Pinayagan naman niya ako kanina na dito mag-stay sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
The Heart's Refugee (Completed)
Ficción GeneralWhen her first and greatest love disappeared, she promised herself not to fall inlove with someone else. That's why she chose the path of being a nun... in the peak of her career being a nun, she found herself chased by the girl who left her... givi...