Chapter 17

4.4K 191 6
                                    

Chapter 17
Missed



Hindi nakakayang makipag-eye contact sa isa't isa... maaalala ko lang kasi ang mga nangyari about sa'ming dalawa.

Hindi ako manhid para hindi maramdaman na... sinusubukan din niya ang best niyang lapitan ako at kausapin. Ako lang talagang 'etong umiiwas.

Iwas na iwas na para bang hindi ko Ginusto ang nangyari.

Nahihiya akong aminin na, gusto ko.

Hindi ko lang alam ang sasabihin kung sakali mang lapitan niya ako.

"Aalis na talaga kayo?" Si tatay.

"Kailangan. Si Alessandra may work 'tas isang linggo lang ang hiningi ko sa church." Paliwanag ko.

Pasulyap-sulyap kami ni Alessandra sa isa't isa.

Ako ang unang umiiwas ng tingin.

"Ano kayo ni Hope, hija?" Tanong ni nanay.

Alessandra seems to like the question!

While me, hindi mapakali ang pwet!

Tiningnan ko si Alessandra. Binigyan ko siya ng isang makahulugang tingin. Mukhang nakuha naman kaagad niya at umiwas ng tingin.

Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin. Halata sa mukha niya na ayaw niya pero wala nang magawa. Bossy nga siya pero kailangan niya akong sundin! Isang tingin ko lang, sumunod nga siya!

"I have a husband. Hope and I are good friends, tita." Hindi niya gusto ang sinabi niya pero kailangan!

Alangan namang sabihin na may relasyon kami, eh, wala naman talaga. At bawal kami magkaroon ng relasyon kasi may asawa siya.

Binaling ni Aless ang Tingin sa akin. Binigyan niya ako ng meaningful look pero umiwas kaagad ako! I shrugged it off because my cheeks are heating!

"Mabuti naman na naging kaibigan kayo. Muntik na kasing patayin yang ni Hope ang sarili niya kakaisip sayo." Oa na pagkakasabi ni papa.

"Luh, papa," umangal ako.

Nag-asaran pa kami ni tatay.

I'm glad to know that my parents don't hate Alessandra that much. Ako lang talaga ang May sama ng loob dito. Paano naman ihe-hate ng parents ko si Alessandra? E naging mabait talaga siya sa kanila nanay at tatay.

Wala kaming imikan hanggang sa makasakay kami dito sa ferry boat. Pag-tango at pagsenyas nalang muna ang lenggwahe namin.

Hindi niya kasi ako makausap nang maayos, eh.

Napansin kong nakakunot ang noo ni Alessandra habang may tinitipa sa cellphone niya. May kung ano siyang kinaiinisan sa cellphone kaya ganiyan nalang ang mukha niya, parang highblood. Mabigat ang pagkakapindot sa cellphone. Gusto kong magtanong pero halata namang personal privacy niya yan.

Ayaw ko naman maging chismosa.

Umiwas nalang ako ng tingin.

"Are you okay?" She caressed my back. Pinatay niya ang cellphone niya.

Napalunok ako.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko tinaboy ang kamay niyang nasa bewang ko.

"Yes, I am." I said.

Kahit ang totoo ay iniisip ko padin ang nangyari sa amin.

Sa tuwing dumadaan ang isipan ko 'yon, napapangiti nalang ako bigla.

Ewan ko ba kung bakit napapangiti!

"Kanina ko pa napapansin na bothered ka. You can tell me. Maybe I can ease you." Aniya.

Hindi niya ba talaga alam? Wala siyang kaalam-alam kung ano ang nabobothered sa akin?

Parang wala lang sa kaniya ang nangyari sa amin! Kasi ako, nilalamon yun ng isipan ko. Ang hirap kalimutan.

"Are you overthinking that?" Napatingin ako kay Alessandra. Parang binabasa niya ang iniisip ko.

When she said that I gaze my eyes to her. "About last night?"

Napalunok ako.

"Malamang!"

"Iniisip-isip mo kasi masarap." She then chuckled.

Uminit ang mga pisngi ko.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko para kumalma.

"We can do it again if you want." She suggested.

She didn't even stutter when she said that. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa bewang ko. Pinipisil pa niya yun.

"Huwag na. Ano ka ba."

"I still wanted it. Ako ang masusunod." Matigas niyang sambit.

"Kahit hindi na! May asawa ka!" I reminded her.

"Mukha bang tite ang gusto ko?" Sarcastic niyang pagkakatanong.

"Hindi naman sa gano'n! Ang kupal mo padin kasi hanggang ngayon. Tarantado pa!" Honest kong sabi.

Nakakainis... Hindi ko manlang napigilan ang sarili ko para walang may mangyari sa amin. Pero wala, eh, wala akong nagawa. Ang traydor ng katawan ko!

"Tarantado ka rin. I remember na nilagyan mo ng robust ang tumbler ni sir noon kasi naiiinis ka sa klase niya." Bulgar niya.

Lumaki mata ko. Gusto kong dumuwal kasi naaalala niya pala yan!

"Hoy! Noon na 'yon!" Hinampas ko siya.

"I really-really miss you." Bigla nalang siya naging emosyonal.

Niyakap niya ako. Binaon pa niya ang mukha sa leeg ko.

"I really miss you." Dagdag niya nang paulit-ulit. Na para bang hindi nagsasawa.

The Heart's Refugee (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon