Chapter 14

4.8K 215 7
                                    

Chapter 14
Good Times



"Kunin mo na ang gusto mong kunin, bahala ka. Tas umalis ka na." Utos ko.

Gusto kong sa labas siya matulog at dito ako sa kwarto ko. Ayaw kong tumabi sa kaniya.

"Pati 'eto?" Tinaas niya ang panty ko.

"Baliw!" Kinuha ko kaagad yun sa kamay niya at namula.

"Kung saan naka-kalat." Parang kasalanan ko pa.

"Edi sana hindi mo nalang pakialaman!" Bwelta ko.

"Ang cute, eh, flower-flower." Aniya.

Namula ako at napakagat ng ibabang labi.

"Sige na, alis ka na! Tutulog na ako!" Pinatayo ko siya.

Tinutulak ko siya pero nagpapabigat! Mas matangkad din siya sakin kaya kitang-kita ko nang-aasar siya!

Nang makaalis na siya sa kwarto, napapikit kaagad ako ng mga mata.

Alam kong hindi lang ito ang gagawin niya! Kailangan ko pang abangan ang iba niyang gagawin! Umuwi ako dito sa probinsya para Sana makapag-relax at hindi pag-iistressan si Alessandra.

Pero wala na magawa, nandito siya at ang lakas ng loob sundan ako!

Ngayon, magi-gym ako. Ako lang sana mag-isa pero wala akong magawa kasi kailangan kong isama si Alessandra. Utos din ng nanay at tatay ko. Hindi talaga ako mahilig mag-gym, maliban sa payat na ako, wala rin akong ganda. I'm okay with my body type! Ang mag-gym lang talaga ang gusto ko kasi 'eto ang escape ko! Malayo kasi ito sa bahay pero hindi ko inaasahang sasama din si Alessandra!

My parents insisted me so, to accompany Alessandra here in Roxas kaya wala akong magawa kundi ang um-oo nalang. Tutal, bored rin naman ako dito sa bahay.

Nang makarating kami dito sa gym ay namangha ulit ako sa ganda ng pasilidad.

Parati nalang ako namamangha. Ganito ba talaga 'pag taong bukid ako? Basta maganda talaga ang bawat facility ng bagong gym dito. Hindi ko talaga maiiwasang mamangha. Buti nalang ay pinatayo ito ng may-ari.

Tumatakbo na ako ngayon sa threadmill, si Aless naman ay nag-iistreching doon sa dulo. May nakasabit pang earpods sa aking tenga, hindi naman sa'kin 'to hiniram ko lang kay Eka. Para hindi ko marinig ang pinagsasabi ng babaeng yun.

Hindi maiksing sport shorts ang ginamit ko kundi below the knee na leggings. Hindi ako komportable 'pag sobrang iksi ang suot ko kahit na may cyclings sa loob. Kasi Pakiramdam ko ay sa isang simpleng paggalaw ko lang ay makikita na kaagad singit ko.

"Saan ka pupunta? Gusto mo bang mag-rest room? Doon, oh." Ininguso ni Alessandra sa'kin kung saan ang restroom dito sa loob ng gym pero umiling ako.

Tinarayan ko siya.

"Hindi, magpapahangin lang ako. At saka wala kang pake kung saan man ako pupunta." Maldita kong sagot.

"Mag-ingat ka." Tunog inuutusan niya ako.

"Wala kang pakialam sa mga gagawin ko!" Sigaw ko pabalik. Wala akong pakialam kahit na napatingin ang mga tao sa akin.

Pawis na pawis na ako at gusto kong magpahangin. Tutal tapos rin naman ako sa workout ko kaya lalabas muna ako. Si Alessandra ay hindi pa tapos.

Kaya pala ang sexy at ang haba na ng legs ni Aless dahil araw-araw ganito ang workout niya. Noon pa man ay mahilig na talagang mag-gym si Alessandra. Hindi lang 'yan, may abs pa siya. Ang body goals niya.

The Heart's Refugee (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon