Chapter 29

4.4K 161 6
                                    

Chapter 29
The Kid



"My head is hurting last time. I'm fine now." Pagkwento ko kay Deb. Nandito na kami sa site.

Nakaupo ako sa office kasi ramdam ko parin yata ang hangover. Halos gabi-gabi na namang ayaing uminom kaya parating sumasakit ang ulo. Hindi ako makakapagwork ng maayos. Minamasahe ko ang noo ko.

"Hindi mo pa kwinento kung ano ba talaga ang nangyari." She's really intrigued for more.

Last week pa 'yon pero pinipilit parin ako.

"Paulit-ulit. I already told you it's nothing." Sabi ko naman.

Kumunot ang noo niya saglit. Ilang segundo, umalis na din sa labas. Tinapunan niya ako ng huling tingin, may mga meaning pa ang mga 'yon. Napailing nalang ako.

Ilang minuto, nag-ring ang cellphone ko. Mom is calling me kaya sinagot ko naman kaagad 'to.

"Hi, mom." Tipid kong tawag.

"How are you, Aless?" Tanong ni mommy. Inayos pa niya ang angle ng camera. "You looked tired. Kumain ka na?"

"I'm fine, mom."

"Take a rest too, honey. You don't always need to work." She said in a concern voice.

"I'm always working. What could you expect." Tipid kong sagot.

Totoo naman, trabaho lang ako nang trabaho. All I did was to make my parents proud.

Yan naman talaga simula pa no'ng una.

That's what they told me to do.

"I saw your story," mom is pertaining at my Facebook story. "Who's that kid?" Si Ej ang tinutukoy niya. Tingin ko.

"It's Ej, mom. I met him on the streets. He become homeless when he lost his parents." Pagkwento ko sa kaniya.

May tinitipa ako sa laptop ko. Nagreresearch ako about sa process ng adoption. Kailangan kong malaman kung paano ang process at para na rin mahanapan ko ng potential family si Ej.

Hindi ko din matapos-tapos ang ginagawa ko dahil panay tawag sa akin ni Sister Merri, telling me that Ej wants to talk to me. Miss na miss na ako ng bata.

Mag-iisang linggo na kasi akong hindi nakabisita.

Parati akong bumibisita at ngayon lang natagalan. Kaya mamaya bibisitahin ko ulit siya sa ampunan.

"You looked really happy with a kid." Si mommy. Tumingin ako sa kaniya at nakita kong tinitingnan niya ang pictures naming dalawa ni Ej.

Hindi ako sumagot. Tumingin nalang ulit ako sa monitor.

Hapon na at ngayon palang ako nakarating ng ampunan. Binabati na kaagad ako ng mga madre sa labas palang. Sa simbahan pa ako galing kasi maraming kailangang icheck.

Chineck ko yung mga trabahador at ang mga naging improvements sa simbahan.

Napatigil ako nang dahil sa nakita ko.

Napalunok ako nang makita na mag kausap si Ej at Hope. . . Nagdadalawang isip akong lumapit.

Ej and Hope are eating biscuits while talking with each other. Nakikita ko na tuwang-tuwa ang bata sa kaniya.

Dapat ba akong lumapit?

What if I'll ruin their moment? Magagalit kaya si Sister Hope sa akin?

Sister Hope... gusto kong matawa. Bagong-bago pa talaga sa dila ko ang salitang yan. Kahit na Ilang beses ko nang sinabi, pakiramdam ko bago parin.

The Heart's Refugee (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon