Episode 4- Reliable

352 4 0
                                    

   Pagmulat ni Yuna kinaumagahan ay naramdaman niyang hindi na masakit ang kanyang ulo at tuluyan ng nawala ang kanyang lagnat.

Bumangon siya sa paghiga at nakita niya na natutulog pa si Rain sa kanyang tabi. Pinagmasdan niya ang mahimbing na pagkakatulog nito at hahawakan niya sana ang mukha ni Rain pero siya'y humiga ulit at nagkunwaring tulog dahil biglang nagising si Rain.

Hinawakan ni Rain ang kanyang noo para tignan kung mainit pa siya o hindi.

Rain: "Bumaba na lagnat mo. Thank god."

Nagkukunwari pa rin siyang tulog hanggang sa lumabas si Rain sa kanyang kuwarto.

Bumaba siya sa kusina para magluto ng umagahan. Maya-maya ay bumangon na si Yuna sa kanyang kama at lumabas ng kanyang kuwarto.

Dahan-dahan siyang bumaba at sinilip si Rain sa kusina para tignan kung ano ang ginagawa.

Yuna: "Akala ko ba umuwi na siya kagabi?. Ba't nandito pa din siya?. Binantayan niya ba ako magdamag?." (Bulong sa sarili.)

Huminga muna siya ng malalim bago siya lumabas at nagpakita kay Rain.

Rain: "Oh, Good morning. Ba't ka bumaba, hindi na ba masakit ulo mo?."

Yuna: "Hindi na, medyo okay na ako."

Rain: "Sandali lang, malapit nang matapos 'to."

Nagluto si Rain ng Omelette na dating favorite na favorite ni Yuna noong sila pa.

Rain: "Here you go!. My famous Omelette."

Yuna: "..."

Rain: "Kain na."

Gaya pa rin ng dati ay nilalagyan pa din ni Rain ng ketchup na hugis smile ang Omelette, naaalala tuloy ni Yuna ang kanilang nakaraan. Tinikman niya ang ginawa ni Rain at parehas na parehas pa din ang lasa.

Nakatitig lang siya kay Yuna habang kumakain ito.

Yuna: "Kailangan talaga nakatitig pa?."

Rain: "Ah..Sorry."

Yuna: "..."

Rain: "Sarap?."

Yuna: "Oo."

Pagkatapos niyang kumain ay maliligo sana siya pero pinigilan siya ni Rain.

Rain: "Mas mabuti munang magpahinga ka na lang muna. Baka kasi mabinat ka, ehh."

Yuna: "Hindi kasi ako nakaligo kagabi."

Rain: "Yuna, huwag nang makulit, please. Baka kasi bumalik na naman yang lagnat mo, sige ka baka hindi ka makabalik agad niyan sa trabaho."

Yuna: "Medyo okay na ako, wala na akong sakit. Hindi na ako mainit, ohh!."

Rain: "Kahit na."

Yuna: "Ahh, basta. Maliligo ako!."

Rain: "Yuna!."

Hinabol ni Rain si Yuna hanggang sa kuwarto nito pero hindi na siya nakapasok dahil sinarado agad ni Yuna ang pinto.

Rain: "Yuna, buksan mo yung pinto."

He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon