Episode 21

349 1 0
                                    

Sunday morning, nagising si Yuna dahil naramdaman n'yang parang may kumakalabit sa kanya.

Yuna: "Rain, mamaya na. Maaga pa."
(Still asleep.)

Mrs. Ramirez: "Rain?. Mama mo 'to!."

Yuna: "Ma?!."
(Biglang nagising nang marinig n'ya ang boses ng mama n'ya.)

Mrs. Ramirez: "Good morning."

Yuna: "Good morning po. Sino kasama mo?."

Mrs. Ramirez: "Papa mo, nasa baba s'ya. Pinapark 'yung kotse."

Yuna: "Teka, paano kayo nakapasok?. Paano n'yo nabuksan 'yung gate?."

Mrs. Ramirez: "Hindi nakalock 'yung gate mo sa labas, ikaw talaga. Paano kung merong pumasok dito nang hindi mo alam?."

Yuna: "Hindi 'ko na-i-lock 'yung gate?."

Mrs. Ramirez: "Oo kaya!. Hindi mo muna kasi tinitignan bago ka matulog!..."

Yuna: "Wala kasi s'ya dito, eh. Nasanay na akong s'ya ang tumitingin ng mga bintana at ng gate tuwing gabi."
(Bulong sa sarili.)

Mrs. Ramirez: "...Tapos 'yung alarm mo hindi rin ata naka-activate."

Yuna: "Lalakeng 'yun talaga. Hindi ba n'ya naiisip ang kaligtasan 'ko?. Dapat kahit day-off n'ya nandito s'ya sa bahay eh!. Humanda sa akin 'yun, hindi 'ko na s'ya bibigyan ng day off simula ngayon. Pero hindi ba parang napaka-selfish 'ko no'n?. Ayun na nga lang ang time n'ya para makasama n'ya sina Rhea at Tatay Freddy tapos kukunin 'ko pa?. Dito na nga s'ya umuuwi for the whole week, eh. Ano ka ba, Yuna?. Hayaan mo lang s'yang makasama ang pamilya n'ya. Magkikita naman kayo bukas, eh!."
(Bulong sa sarili.)

Mrs. Ramirez: "Halika na, may dala kaming breakfast sa baba. Kain na tayo."

Yuna: "Sige po, sunod ako. Maghilamos lang muna ako."

Pinuntahan s'ya ng kanyang mga magulang sa bahay at sabay silang kumain ng umagahan. Minsan lang mangyari 'to kaya napakasaya ni Yuna ngayong araw na 'to.

Mr. Ramirez: "Sayang wala si Rain para matikman namin ang luto n'ya."

Yuna: "Tuwing day-off kasi n'ya umuuwi s'ya sa kanila. Wala rin kasing kasama 'yung tatay n'ya doon at 'yung kapatid n'ya."

Mrs. Ramirez: "Hindi ba kayo naiilang dalawa at magkasama kayo sa iisang bubong?."

Yuna: "Hindi naman po, Ma. Malaki na kami, hindi na kami teenager para mahiya. Tsaka trabaho lang din naman."

Mrs. Ramirez: "Mabuti na lang talaga mabait si Rain at mapagkakatiwalaan pa."

Mr. Ramirez: "Napakabait ng batang 'yun, kaya ang gaan-gaan ng loob 'ko sa kanya."

Mrs. Ramirez: "Kaya huwag mong pinahihirapan si Rain, Yuna ha?. Baka biglang umalis 'yun, wala na tayong mahahanap na ibang bodyguard na tulad n'ya. Mahirap nang humanap ng mababait ngayon."

Yuna: "Hindi 'ko naman po s'ya pinahihirapan. Wala naman po s'yang sinasabi sa inyo, di ba?."

Mrs. Ramirez: "Sinasabi lang namin sa iyo, anak. Kaya pahalagahan mo ang bawat oras na nandito si Rain, itinataya n'ya ang buhay n'ya para maprotektahan ka lamang."

Yuna: "I know that, Ma. You don't need to tell me."

Mr. Ramirez: "Kamusta nga pala 'yung pagpunta ni Luigi kahapon sa opisina mo?."

He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon