Sa sumunod na araw, pagbaba ni Yuna sa kusina ay nakahanda na ang almusal. Maagang nagising si Rain para ipagluto s'ya.
Rain: "Good morning."
Yuna: "Good morning. Aga mo, ha?. Kasama ba sa work mo 'to?."
Rain: "Hehe, hindi. Gumising lang talaga ako ng maaga para ipagluto ka ng breakfast."
Yuna: "So Maid na pala kita ngayon?."
Rain: "4 in 1 na. Bodyguard/Doctor/Driver/Maid. Isa na lang kulang."
Yuna: "Ha?. Ano 'yun?."
Rain: "Boyfriend."
Yuna: "Adik!. Penge na ngang pinggan!. Aga-aga, eh."
Rain: "Biro lang. O, ito. Sige, kain ka na."
(Iniabot kay Yuna ang pinggan.)Pagkatapos nilang kumain ng almusal ay naligo na agad si Yuna at si Rain naman ang nagligpit ng kanilang mga kinainan. Naligo na din s'ya pagkatapos n'ya sa kusina at nauna pa din s'yang matapos maligo kay Yuna.
Rain: "Yuna, okay ka lang ba?. Tapos ka na bang maligo?."
(Kumakatok sa pinto.)Yuna: "Oo, pinapatuyo 'ko na lang 'tong buhok 'ko."
Rain: "Okay. Ihahanda 'ko na 'yung kotse."
Yuna: "Sige."
Bago sila umalis ay tinignan muna ulit ni Rain kung nakasara na ba ng maigi ang mga bintana at kung naka-set ang alarm. Pati pagsakay ni Yuna sa kotse ay siya pa ang naglagay sa seatbelt nito.
Pagdating nila sa opisina ay trabaho agad ang hinarap ni Yuna. Buong araw ay pagod na pagod ito. Pag-uwi nila sa bahay ay agad nahiga si Yuna sa kanyang kama, hindi na n'ya nagawang isara ang pinto ng kuwarto n'ya. Kumatok si Rain pagkakita sa kanya.
Rain: "Yuna?. Ano'ng gusto mong ulam?."
Yuna: "Kahit ano basta luto mo."
(Pagod na pagod ang boses.)Rain: "Sige, gusto mo ng sabaw?. Iti-tinola ko 'yung manok."
Yuna: "Sige lang."
Rain: "...Okay ka lang ba?."
Yuna: "Yeah. Pagod lang ako."
Rain: "Umiglip ka muna. Gigisingin na lang kita kapag luto na."
Yuna: "Okay."
Nakatulog na si Yuna agad at si Rain naman ay busy sa pagluluto. Gumawa s'ya ng tinola para sa hapunan nilang dalawa. Kumatok na s'ya sa pintuan ni Yuna para gisingin ito dahil luto na ang ulam nila.
Rain: "Yuna?. Yuna, tara na, kain na tayo. Gising ka na muna. Yuna?."
(Kumakatok sa kuwarto ni Yuna.)Hindi sumasagot si Yuna kaya binuksan na n'ya ang pinto at tumuloy sa loob ng kuwarto. Nakita n'ya na nagkalat ang mga gamit nito sa lapag at hindi pa nakakapag-bihis, bagsak na bagsak ito sa kanyang kama at nakanga-nga pa.
Rain: "Ang kalat naman dito, ano ba 'yan?."
Ginigising n'ya si Yuna pero tulog pa din ito.
Rain: "Yuna, gising na po."
(Ginigising si Yuna.)Yuna: "Mmh..."
BINABASA MO ANG
He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)
RomantikIsang dalaga na kung saan ang lahat ng hinihiling ng mga tao ay nasa sa kanya na. Pera, kayamanan, magandang kinabukasan, magagandang mga kagamitan, pero para sa kanya ang mga ito ay hindi pa rin sapat para siya'y maging masaya. Hanggang makilala ni...