Episode 7- Will

379 2 0
                                    

"You must get out!. You have to survive!.
Freedom is everyone's right. Remember that, Rain.
Are you ready?.
Live your dreams and never lose sight of hope."

Nagising si Yuna sa kanyang pagtulog ng may marinig siyang parang may nagsasalita. Si Rain ang taong iyon at nananaginip ito.

Yuna: "Huy, huy."
(Ginigising si Rain.)

Rain: "No. No."
(Nananaginip.)

Yuna: "Ano bang nangyayari sa'yo?. Huy, gising!."
(Ginigising si Rain.)

Rain: "Gasp!"
(Idinilat ang mata.)

Yuna: "Okay ka lang ba?. Nananaginip ka."

Rain: "..."
(Tumayo at hingal na hingal.)

Yuna: "Ayos ka lang ba?. Ano, sagutin mo 'ko!."

Rain: "...Sorry. Nagising ba kita?."

Yuna: "Oo. Akala ko kung ano na 'yung naririnig ko. Ikaw pala 'yun. Bad dream?."

Rain: "Y-yeah. I'm fine, sige na matulog ka na ulit. I'm sorry."

Bumalik si Yuna sa kanyang kama pagkatapos niyang gisingin si Rain sa bangungot nito. Hindi siya mapakali at tinignan niya ulit si Rain kung nananaginip pa ito ulit, sa sahig niya pala ito pinatulog.

Yuna: "Huy, gising ka pa?."

Rain: "Bakit?."

Yuna: "...Halika, dito ka na matulog."

Rain: "Okay lang ako. Sige na, matulog ka na."

Yuna: "Halika na, dito ka na matulog."

Rain: "Okay lang nga ako."

Yuna: "Huwag nang makulit. Baka managinip ka na naman, baka hindi ka na magising. Dito ka na para mabantayan kita."

Rain: "Sure ka?, Okay lang sa'yo?."

Yuna: "Oo nga, bilis bago magbago isip ko."

Agad kinuha ni Rain ang kanyang unan at kumot at tumabi kay Yuna sa kama nito.

Yuna: "Sige na, matulog ka na."

Rain: "Thanks."
(Pinikit ang mata.)

Yuna: "...Dito lang ako."
(Hinahagod ang likod ni Rain.)

Binantayan ni Yuna si Rain hanggang sa ito'y makatulog. Hindi na nanaginip pa si Rain pagkatapos no'n. Naging mahimbing ang pagtulog niya kasama si Yuna.

Kinaumagahan, paggising ni Yuna ay nakahanda na ang almusal niya. Hot Pancakes at black coffee, favorite breakfast meal niya ito. Ngunit wala si Rain at hindi niya ito mahanap sa buong kuwarto.

Yuna: "Nasa'n na 'yung lalakeng 'yun?. Kumain na ba 'yun?. Talaga 'yun, oh!."

Kinain na ni Yuna ang inihandang almusal sa kanya ni Rain. Maya-maya ay bumalik na si Rain at merong itong dala-dalang mga damit.

Rain: "Oh, hey. Good morning."

Yuna: "Saan ka ba galing?."

Rain: "Tinawagan ko lang sina tatay. Bakit?."

Yuna: "Wala lang. Ano 'yang dala-dala mo?."

Rain: "Ah, oo nga pala. Ito daw 'yung isusuot mo para sa party mamaya."

He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon