Pagkatapos magpa-derma ni Yuna ay dinalaw nila sina Tatay Freddy at Rhea. Hanggang sa makarating sila doon ay hindi pa rin nag-uusap ang dalawa. Para na naman silang stranger kung titignan.
Hay, naku talaga 'tong dalawa 'to. Daig pa sina Tom and Jerry kung mag-away. Lagi na lang silang L.Q, ano?.
Doon na sila nagpagabi at kumain ng hapunan. Pag-uwi nila sa kanilang bahay ay hindi na nakatiis si Rain at kinausap na niya si Yuna kahit hindi pa niya naisasara ang gate.
Rain: "Yuna, sandali. Mamaya ka na umakyat."
Yuna: "Pagod ako, Loire. Bukas na lang, ha?. Sige na, goodnight—"
Rain: "Hindi. Dito ka muna, mag-usap muna tayo."
Yuna: "Bukas na nga lang, eh—Huy, saan mo 'ko dadalhin?. Teka, nga!."
Pinaupo niya si Yuna sa sofa para makapag-usap sila ng maayos.
Yuna: "Loire, please. Pwedeng bukas na lang 'to?. Pagod ako today."
Rain: "No, dito ka lang. Mag-usap muna tayo."
Yuna: "Bakit, ano ba 'yun?. Ano bang pag-uusapin natin?."
(Nagkamot na ng ulo.)Rain: "Alam 'ko kung galit ka o hindi. Sa tagal nating magkasama kabisado na kita. Kaya sabihin mo sa'kin kung ano ang kinagagalit mo?."
Yuna: "Baliw ka ba?. Anong galit—sinong galit?. Ako?. Bakit naman ako magagalit?."
Rain: "Kanina ka pa hindi kumikibo d'yan, pati sa bahay kanina hindi mo 'ko pinapansin."
Yuna: "Bakit, wala naman akong sasabihin sa'yo, ha?."
Rain: "Sige na, Yuna. Sabihin mo sa'kin kung ano kinagagalit mo?."
Yuna: "Hindi nga ako nagagalit."
Rain: "Ano lang?. Nagtatampo?."
Yuna: "Hindi rin!."
Rain: "...O nagseselos ka?."
Yuna: "Nagsese—ano?!. Anong nagseselos?. Bakit ako magseselos?!."
Rain: "Tumawag si Mae, di ba?."
Yuna: "O, ano naman kung tumawag siya?."
Rain: "Nagseselos ka?."
Yuna: "What, hindi, ano!. Bakit naman ako magseselos?. Wag ka ngang feeling d'yan, Loire!."
Rain: "Uyyyy, nagseselos siya."
Yuna: "Hindi nga!."
Rain: "Eh, bakit hindi mo na ako pinansin kanina?."
Yuna: "Eh...w-w-wala naman akong sasabihin sa'yo, eh!. Tsaka...kailangan ba bawat minuto kinakausap kita, ha?."
Rain: "Hehehe."
(Natatawa.)Yuna: "Bakit ka tumatawa?."
Rain: "Ganyan ka pala, ano?."
Yuna: "Anong ganyan ako?."
Rain: "Ganyan ka pala magselos."
(Sabay tawa.)Yuna: "Ano ba, sabi ng hindi nga, eh!."
Rain: "Talaga?. Hindi?. Eh, bakit kanina sinabi mo kay Jhen na boyfriend mo 'ko?."
Yuna: "..."
(Hindi makasagot.)
BINABASA MO ANG
He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)
RomanceIsang dalaga na kung saan ang lahat ng hinihiling ng mga tao ay nasa sa kanya na. Pera, kayamanan, magandang kinabukasan, magagandang mga kagamitan, pero para sa kanya ang mga ito ay hindi pa rin sapat para siya'y maging masaya. Hanggang makilala ni...