Epidode 5- Famous

340 3 0
                                    

" Yuna, i heard nagkasakit ka daw. Tumawag kasi ako sa office mo nung isang araw at sinabi sa akin ni Jackie na hindi ka raw nakapasok dahil ang taas daw ng lagnat mo at muntik ka pa raw bumagsak. I'm sorry anak kung wala kami dyan ng Papa mo para matignan ka, we are trying to reach you pero hindi mo naman sinasagot yung mga tawag namin. We love you, baby. Get well soon."

 Text sa kanya ng kanyang Mama, nabasa niya ito paggising niya ng umaga. 

Yuna: "Kahit hindi niyo na sabihin, alam ko na hindi kayo makakapunta." (Ibinato ang cellphone sa kanyang kama pagkatapos basahin ang text.)

 Pumunta muna siya ng kanyang office bago tumuloy sa meeting. Si Rain naman ay hindi alam kung sasama ba siya o hindi dahil hindi umiimik si Yuna, nahihiya siyang itanong ito.

Rain: "Um...Going somewhere?."

Yuna: "Mayroon akong meeting ngayon."

Rain: "Ahh. Um..."

Yuna: "What?."

Rain: "Sasama ba ako?."

Yuna: "Ay, hindi. Dito ka lang, ikaw muna pumalit sa akin. Ikaw na ang boss, ako naman ang bodyguard mo. Hiyang-hiya ako sa'yo, eh."

Rain: "..."

Yuna: "Oo, syempre. Gusto mo bang i-remind ko ulit sa'yo kung anong trabaho mo?."

Rain: "Saan ba tayo pupunta?."

Yuna: "Dami mong tanong!. Sumama ka na lang, okay?."

Rain: "Gusto mo lang akong makasama, eh." (Bumulong sa sarili.)

Yuna: "What was that?."

Rain: "Wala po."

Yuna: "Hmf, halika na nga!." (Hinatak si Rain palabas ng office)

 Sinamahan ni Rain si Yuna sa meeting na dadaluhan nito. Nakatayo lamang siya sa tabi ni Yuna habang pinapakinggan ang kanilang pinag-uusapan kahit wala naman siyang naiintindihan sa mga ito, hindi tuloy maiwasan na makaramdam siya ng antok. 

 Nakita siya ni Yuna at kinurot siya nito sa tagiliran, nagising ang kanyang diwa at nawala ang kanyang antok. Mabuti na lamang ay natakpan niya agad ang kanyang bibig dahil hihiyaw siya sa sakit. Ginagawa sa kanya ito dati ni Yuna noong sila pa, sa tuwing inaantok siya ay lagi siyang kinukurot nito sa tagiliran. Napasigaw pa nga siya no'n nung nanood sila ng sine, nakatulog kasi siya ng biglang kurutin ni Yuna ang kanyang tagiliran, tumingin sa kanya lahat ng tao at akala ay napano na.

 Napangisi si Yuna habang si Rain naman ay nakatakip pa din ang kamay sa kanyang bibig. Pagtapos ng meeting ay bumalik na sila sa office, mukhang pagod na pagod ang dalawa at nagpahinga muna sila saglit.

 Maya-maya pagtingin ni Rain kay Yuna ay nakatulog na ito sa kanyang mesa, binuhat ni Rain si Yuna at inihiga sa sofa. Nilgyan niya ito ng blanket at hinayaan munang matulog.

Jackie: "Ma'am Yuna, may pinapasabi po-...ayy, tulog."

Rain: "Napagod sa meeting kanina. Ayan, bagsak."

Jackie: "Malayo po ba yung pinuntahan niyo?."

Rain: "May kalayuan din."

He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon