Episode 15

288 1 0
                                    

Paggising ni Rain ay hinanap n'ya si Yuna. Nakita n'ya ito na nagluluto ng kanilang hapunan sa kusina.

Yuna: "Hi, gising ka na pala."

Rain: "Sorry, napasarap tulog 'ko. Mag-gagabi na pala, sana ginising mo 'ko para ako na nagluto ng hapunan natin."

Yuna: "Hindi na, tsaka para matikman mo din 'yung luto 'ko. Daya mo, ikaw lagi nagluluto, eh. Ikaw naman ngayon ang pagluluto 'ko."

Rain: "Wala ka namang sakit, ano?. Wala ka rin naman kinain?."

Yuna: "Ha?. Wala, bakit?."

Rain: "Wala, nevermind."
(Sabay tawa.)

Yuna: "Tuktukan kita ng sandok d'yan, eh!. Ano nga 'yun?."

Rain: "Wala nga. Kuha lang ako ng pinggan natin."

Pinagmamasdan s'ya ni Yuna habang kumakain. Hindi n'ya alam kung bakit at titig na titig ito sa kanya.

Rain: "Um...may dumi ba sa mukha 'ko?."

Yuna: "Wala."

Rain: "Bakit ganyan ka makatitig?."

Yuna: "Bakit hindi ba kita pwedeng titigan, ha?."

Rain: "Kinakabahan kasi ako kapag ganyan ang tingin mo sa akin."

Yuna: "Ano, talagang tutuktukan na kita d'yan, eh!."

Rain: "Biro lang. Bakit ganyan ka kasi makatitig ngayon?. May iniisip ka ba?. Iniisip mo 'ko?."

Yuna: "Adik ka, hindi!. Iniisip 'ko lang 'yung nangyari kanina."

Rain: "Ah, 'yung sa bata. Kamusta na nga pala s'ya?. Nag-text na ba sa'yo 'yung magulang n'ya?."

Yuna: "Okay na daw yung bata. Nagising na. Hinahanap nga daw tayo, eh. Gusto raw n'yang makita 'yung savior n'ya."

Rain: "That's good to hear. Hindi na natin kailangan pang mag-alala kung gano'n, di ba?. Tell them we will visit her soon."
(Sabay tawa.)

Yuna: "...I'm worried about you."

Rain: "Ha?. Me?. Bakit?."

Yuna: "Yung sa nakita 'ko kanina. Nakita 'ko kung paano ka-..."

Rain: "Forget what you saw, Yuna. Wala 'yun, wala ka dapat ipag-alala. Tsaka nakita mo na akong nananaginip no'n nung nasa Davao tayo, di ba?."

Yuna: "Oo, pero grabe 'yung panginginig mo kanina kaysa sa bangungot mo. Hindi pa kita nakikitang matakot ng gano'n, there's must be something that frightens you. What is it?."

Rain: "Yuna, i told you. Wala nga 'yun. Sige na, kumain ka na. Lalamig 'yang pagkain mo."

Yuna: "...Pwede 'ko bang makita 'yung tahi mo sa dibdib?."

Rain: "..."
(Napatigil s'ya sa pagkain.)

Yuna: "Hindi mo na kailangang magkunwari pa, Loire. Alam 'ko na lahat, binasa 'ko profile data mo."

Rain: "..."
(Hindi umiimik.)

Yuna: "Na-curious kasi ako sa nakita 'ko kanina. Kaya ayun, gusto 'kong malaman kung ano ba talaga ang dahilan. I found out that you were—Loire, where you going?. Sa'n ka pupunta, sandali!."

He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon