Hindi makapagtrabaho ng maayos si Yuna dahil sa sakit ng kanyang hangover. Naduduwal lang s'ya pero hindi n'ya naman mailabas. Ilang beses na s'yang pabalik-pabalik pa C.R.
'Yan, sige. Inom pa more. Iinom-inom tapos hindi naman pala kaya. Si Piers ay mukhang hindi rin makakapasok dahil wala pa s'ya sa opisina, ang pinsan naman n'yang si Nicole ay hindi pa nagtetext o tumatawag sa kanya. Tanging si Rain lang ang walang "leftover" sa inuman nila kagabi, maliban sa pasa n'ya sa mukha.Yuna: " *Burp* Ah, my god. I hate this. "
(Dighay ng dighay at nakahawak sa kanyang ulo.)Rain: " Yuna, ito. Bumili ako ng gamot para sa hangover, inumin mo muna. "
(Iniabot ang gamot kay Yuna.)Yuna: " Sa'n ka nagpunta, nawala ka na naman. "
Rain: " Pumunta akong Mercury Drug, bumili ako gamot mo. O, inumin mo 'to para maalis 'yang sakit ng ulo mo. "
Yuna: " Magpaalam ka nga next time. Hindi 'yung bigla-bigla mo na naman akong iiwan. "
Rain: " Iiwan talaga?. Hindi ba pwedeng nawala lang saglit?. "
(Sabay tawa.)Yuna: " Heh!. Akin na nga 'yan. "
(Kinuha ang gamot kay Rain.)Rain: " Ako na lang magpapainom sa'yo."
(Kinuha ulit ang gamot kay Yuna.)Yuna: " What?. Ano ako bata?. "
Rain: " Baby kita sabi mo, di ba?. Kaya dapat inaalagaan kita. "
Yuna: " Pwede ba huwag mo munang sabayan yung sakit ng ulo 'ko?. "
Rain: " Hey, i'm trying to be nice. "
Yuna: " Whatever, gawin mo 'kung ano'ng gusto mong gawin. "
Pinainom n'ya ng gamot si Yuna na parang batang may sakit. Hawak-hawak pa ni Rain ang baso habang umiinom si Yuna, pagkatapos ay pinunasan pa ang labi pagka-inom.
Yuna: " Thanks. "
(Sumandal kay Rain.)Rain: " Pa'no 'yan, hindi ka pwedeng mahiga. Maliit lang sofa mo dito. "
Yuna: " Okay lang, sa'yo na lang ako sasandal. D'yan ka muna, saglit lang 'to. "
(Sumandal pa lalo kay Rain at nilagay ang ulo sa leeg nito.)Rain: "...Okay. Pero baka makita nila tayo. "
Yuna: " Sshhhh, 'wag nang maingay. Alam 'kong gusto mo din 'to. Nakakadalawa ka na today, Mr. Loire. "
Rain: " Hehe. Talagang binibilang mo pa, ha?. Sige, close your eyes. Dito lang ako. "
Yuna: "Grabe, ang bango mo talaga."
Hinayaan n'ya munang umiglip si Yuna habang nakasandal ito sa kanya. Mabuti na lamang ay walang pumapasok sa opisina ni Yuna, hindi kasi alam ni Rain ang gagawin n'ya kapag may nakakita sa kanilang dalawa na ganoon ang posisyon. Ano 'to?. Office Romance, bawal 'yan sa pagkakaalam 'ko. Lagot kayong dalawa.
Mabuti ay saglit lang ipinikit ni Yuna ang kanyang mga mata at pinabalik na si Rain sa pwesto nito. Sakto pagtayo nila ay pumasok si Jackie at iniabot ang mga papeles na kailangang makita ni Yuna. Paglabas nito ay nagkatinginan silang dalawa at tumawa, ilang beses na kasi silang nahuhuli ni Jackie. Mabuti na lamang ay mapagkakatiwalaan ito at hindi pagsasabi ang tungkol sa kanilang dalawa.
Pagkatapos ng buong araw umuwi na si Rain sa kanila at kinausap na ang kanyang ama tungkol sa offer sa kanya ni Yuna na doon na lang mag-stay sa bahay nito para daw hindi malayo ang inuuwian n'ya at para din may kasama ito sa bahay.
BINABASA MO ANG
He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)
RomanceIsang dalaga na kung saan ang lahat ng hinihiling ng mga tao ay nasa sa kanya na. Pera, kayamanan, magandang kinabukasan, magagandang mga kagamitan, pero para sa kanya ang mga ito ay hindi pa rin sapat para siya'y maging masaya. Hanggang makilala ni...