"One thing about i hate on Rain is yung pagiging tahimik n'ya at hindi namamansin kapag may problema kaming dalawa. Tapos s'ya pa ang may ganang sabihin sa akin na 'I'm still acting like the old way', excuse me look who's talking!. Its been two weeks since we last talked, kahit sa bahay ay hindi n'ya ako kinakausap, to be honest naiinis na ako, sobrang naiinis na ako sa lalakeng 'to. Kapag hindi n'ya pa rin ako kinausap, yari s'ya sa akin!."
Dalawang linggo na ang lumipas ay hindi pa rin nag-uusap ang dalawa, patuloy pa din sila sa iwasan at dedmahan kahit magkasama sila sa iisang bahay. Naiinis na si Yuna sa nangyayari sa kanila kaya sinugod n'ya si Rain sa kuwarto nito.
Yuna: "Loire, buksan mo nga 'yung pinto, mag-usap nga tayo!. Loire!."
Nakakailan tawag na s'ya ay hindi bumubukas ang pinto, sa sobrang inis n'ya ay kinuha n'ya ang susi at pilit na pumasok sa loob ng kuwarto ni Rain.
Yuna: "Hoy, ikaw bakit hindi mo—..."
Pagpasok n'ya sa loob ng kuwarto ay wala si Rain doon, nasa banyo pala ito at naliligo. Hinantay n'yang matapos si Rain.
Rain: "What the—Yuna, ginulat mo naman ako. Akala 'ko may white lady sa kama 'ko."
Yuna: "White lady?. Sinong white lady, ako?."
Rain: "Mukha ka kasing white lady."
(Sabay tawa.)Yuna: "Ikaw mukha ka namang Chipmunks!."
Rain: "Ang guwapo ko namang chipmunks kung gano'n."
Yuna: "Mas maganda naman akong white lady, ano!."
Rain: "...Pa'no ka nga pala nakapasok dito?."
Yuna: "Hello, this is my house syempre may susi ako!. Hindi lang naman ikaw ang may duplicate."
Rain: "Sabi 'ko nga, eh. Then what are you doing here?."
Yuna: "..."
(Hindi umiimik.)Rain: "Don't tell me binobosohan mo 'ko habang naliligo ako?."
Yuna: "Ang kapal, kapal talaga ng mukha mo!. Hindi ka kaboso-boso, ano!. Hindi porket may abs ka at maganda katawan mo bobosohan na kita."
Rain: "Hindi raw kaboso-boso pero kanina ka pa nakatitig sa katawan 'ko."
Yuna: "P-Pwede ba...magbihis ka na nga!. Mag-usap tayo."
Rain: "Bakit, anong pag-uusapan natin?."
Yuna: "Basta!. Magbihis ka na, bilis!."
Rain: "..."
(Hindi umiimik at nakatayo lang sa harapan ni Yuna.)Yuna: "Ano ba?!. Sabi 'ko bilisan mo, eh!."
Rain: "Magbibihis ako?."
Yuna: "Oo nga!."
Rain: "Habang nandito ka at nasa kama kita, magbibihis ako sa harapan mo?."
Yuna: "H-h-hindi, ano!. Lalabas ako syempre!."
Rain: "Okay."
Yuna: "..."
Rain: "...Yuna?."
Yuna: "Ano?."
Rain: "Anong oras ka lalabas para makapagbihis na ako?."
BINABASA MO ANG
He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)
RomanceIsang dalaga na kung saan ang lahat ng hinihiling ng mga tao ay nasa sa kanya na. Pera, kayamanan, magandang kinabukasan, magagandang mga kagamitan, pero para sa kanya ang mga ito ay hindi pa rin sapat para siya'y maging masaya. Hanggang makilala ni...