Naghahanda na ang pamilya ni Yuna para sa pagpunta nila sa palasyo, ngayon kasi ang araw nang kasal ng prinsipe. Si Yuna ay doon na nag-ayos ng kanyang susuotin sa bahay ng kanyang mga magulang, si Rain naman ay papunta pa lamang.
Yuna: "Pa, nasaan na raw si Loire?."
Mr. Ramirez: "He'll be here in any minute, tinawagan 'ko na s'ya."
Yuna: "Okay, good. Maaga pa naman."
Mrs. Ramirez: "Bakit mo hinahanap ang bodyguard mo?."
Yuna: "W-wala lang, Ma. Baka kasi ma-late tayo, eh. Hanggang ngayon kasi wala pa s'ya."
Mrs. Ramirez: "Don't worry, papunta na raw s'ya sabi ng Papa mo."
Hinantay nilang dumating si Rain, pagdating nito ay agad na silang umalis papunta sa palasyo. Muli na namang nabighani si Rain pagkakita n'ya kay Yuna, ang ganda kasi nito sa suot n'yang red na gown, bumagay sa kanya.
Medyo may kalayuan ang palasyo sa lugar nila, mabuti na lamang ay hindi pa nagsisimula ang seremonya pagdating nila doon. Maraming bisita ang umattend sa kasal ng prinsipe, iba dito ay mga sikat na business man, mga politicians at mga artista.
Si Rain ay nakasunod lamang sa kanila, hindi pa nagsisimula ang kasalan ay pagod na s'ya sa kaiikot. Paano ba naman halos lahat ng mga bisita ay pinuntahan nila. Maya-maya ay lumapit na sa kanila ang prinsipe at pinasalamatan sila nito.
Mr. Ramirez: "Congratulations on your wedding, my prince."
(Nag-bow silang lahat sa prinsipe.)Prince Richard: "Tito, salamat po sa pagpunta. Mabuti nakadalo kayo."
Mr. Ramirez: "Baka kasi magtampo sa akin ang tatay mo kapag hindi kami pumunta."
(Sabay tawa.)Prince Richard: "...Ate Yuna?. Ikaw ba 'yan?."
Yuna: "Kamusta, prince?. It's been a while."
Prince Richard: "Thank you for coming, ate. And...you must be Rain Loire, right?."
Rain: "Yes, sir. Ako nga po. Congratulations po sa wedding ninyo, mahal na prinsipe."
(Nag-bow sa harap ng prinsipe.)Prince Richard: "Thank you, Sir Rain. I heard what you did in Pakistan, it's really an honor to meet a hero like you."
(Nag-bow din kay Rain.)Rain: "The honor is mine, sir."
Mr. Ramirez: "Where's your wife?. We want to meet them."
Yuna: "Oo nga, saan mo nakilala ang asawa mo, prince?."
Prince Richard: "School mate 'ko po s'ya, ate. Mamaya po ipapakilala 'ko s'ya sa inyo. Maiwan 'ko muna kayo saglit, puntahan 'ko lang 'yung ibang mga bisita. Please, make yourself comfortable and kung may kailangan kayo wag po kayong mahiyang mag-sabi. Salamat po ulit sa pagpunta, tito, tita, Ate Yuna and Sir Rain."
(Nag-bow sa harap nila.)Ilang saglit lang ay nagsimula na ang seremonya, pumasok na silang lahat sa chapel.
Yuna: "Are you okay?."
Rain: "Yeah, why?."
Yuna: "Para kasing inaantok ka na naman."
Rain: "Alam mo namang mabilis akong antokin sa mga ganitong okasyon."
Kinurot s'ya ni Yuna sa tagiliran at muntik na s'yang mapahiyaw sa sakit, mabuti ay natakpan n'ya agad ang kanyang bibig.
Mr. Ramirez: "Rain, okay ka lang?."
BINABASA MO ANG
He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)
RomanceIsang dalaga na kung saan ang lahat ng hinihiling ng mga tao ay nasa sa kanya na. Pera, kayamanan, magandang kinabukasan, magagandang mga kagamitan, pero para sa kanya ang mga ito ay hindi pa rin sapat para siya'y maging masaya. Hanggang makilala ni...