" There is no time...You must escape.
Rain, you must survive...Keep the president safe.
Always embrace your dreams and never lose sight of it.
Of course, you are my greatest pupil."Nagising sa kanyang panaginip si Rain at hingal na hingal ito. Bumaba siya sa kusina para kumuha ng maiinom. Bumalik siya sa kanyang pagtulog pagpanik niya ng kanyang kuwarto.
Kinabukasan, pagkakita niya kay Yuna ay binati niya agad ito ng Good Morning. Pero parang masama ang timpla ni Yuna ngayon, hindi siya pinansin nito at parang walang narinig.
Buong araw na naman silang hindi nagpapansinan at hindi nag-uusap. Hindi alam ni Rain ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ni Yuna sa kanya. Lumapit na siya dito at kinausap.
Rain: "Yuna?."
Yuna: "Busy ako, go away."
Rain: "Para atang 'bad mood' ka ngayon. Is something happened?."
Yuna: "Wala. Walang nangyari."
Rain: "Alam ko 'yang mukha mong 'yan. Ano nga, sabihin mo sa akin."
Yuna: "You're bothering me."
Rain: "Hindi ako titigil hangga't hindi mo sinasabi."
Yuna: "Mr. Loire, wala akong oras makipaglaro sa'yo, okay?. Wala ako sa mood ngayon para sagutin 'yang mga tanong mo. Doon mo na lang itanong 'yan sa babae mo kahapon!."
Rain: "Babae ko kahapon?. Anong babae ko kahapon-... Wait, nakita mo kami?."
Yuna: "Talagang nagawa mo pang mambabae sa harap ng opisina?."
Rain: "Teka muna, pakinggan mo muna ako."
Yuna: "Wala akong panahong makinig sa mga sasabihin mo."
Rain: "Pa'no 'ko ipapaliwanag sa'yo kung ayaw mo naman makinig?."
Yuna: "Ewan ko, humanap ka ng taong pwede mong pagsabihan ng mga kasinungalinan mo!."
Rain: "Yuna, hindi ako magsisinungaling. Ayaw mo kasing pakinggan ang sasabihin ko sa'yo, eh. You already accusing me without hearing my reasons!."
Yuna: "Tinataasan mo ba ako ng boses?!."
Rain: "No, ipinapakita ko lang sa'yo kung gaano ka ka-selfish ngayon!."
Yuna: "Selfish?. Ako, selfish?."
Rain: "Oo, bakit ba kasi ayaw mo 'kong magpaliwanag sa'yo?. Ang babaeng nakita mo kahapon ay dati kong nakasama sa trabaho ko sa America. Ngayon lang kami nagkita ulit kaya kinausap niya ako."
Yuna: "Talaga lang, huh?. Saan kayo pumunta pagkatapos niyong mag-usap?."
Rain: "I invited her to have dinner, nagkwentuhan kami habang kumakain."
Yuna: "...Kumain lang kayo, tapos wala na?. Oh, come on. Pwede ba kung magsisinungaling ka, pwede bang galing-galingan mo?. Masyado nang common 'yang reason mo."
Rain: "Alam mo kung ayaw mong maniwala, wala na akong magagawa. Hindi mo muna ako bigyan ng 'chance' para magpaliwanag. You still actin' the old way, Yuna."
Yuna: "..."
Tumalikod si Yuna at hindi nito napigilang umiyak. Hindi naman matiis ni Rain na makita siyang umiiyak, nilapitan niya na ito at humingi ng sorry.
BINABASA MO ANG
He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)
RomanceIsang dalaga na kung saan ang lahat ng hinihiling ng mga tao ay nasa sa kanya na. Pera, kayamanan, magandang kinabukasan, magagandang mga kagamitan, pero para sa kanya ang mga ito ay hindi pa rin sapat para siya'y maging masaya. Hanggang makilala ni...