Dahil wala silang pasok dalawa ni Yuna ngayon. Naisipan ni Rain na sunduin ang kanyang kapatid sa eskwelahan. Nagulat ito ng makita s'ya, mahabang panahon na rin kasi nang huli siyang sunduin ng kuya niya. Nasa ika-6 na baitang pa lamang siya no'n.
Rhea: "Kuya?. Kuya!."
(Nagmadaling tumakbo sa kuya niya at niyakap ito.)Rain: "Woah, hey. Slow down, kiddo."
Rhea: "Ano'ng ginagawa mo dito?."
Rain: "Sinusundo ka. Tara, kain na rin tayo."
Kumain muna sila sa malapit na restaurant doon. Tuwang-tuwa si Rhea na makasama ang kuya niya, lagi kasi itong wala sa bahay at busy sa trabaho.
Rain: "So, kamusta school mo?."
Rhea: "Ayos lang po, kuya."
Rain: "Nag-aaral ka bang mabuti, huh?."
Rhea: "Oo naman, kuya. Di ba sabi mo isusunod mo 'ko do'n sa America kapag nakagradute na ako ng college?."
Rain: "Oo, kaya dapat makatapos ka. Kasi madali lang makahanap ng trabaho kapag tapos ka ng pag-aaral."
Rhea: "Don't worry, kuya. Nag-aaral naman akong mabuti, eh. Para kay Daddy rin naman 'to and para matulungan din kita, kuya."
Rain: "Tama. Huwag ka munang magpapaligaw, huh?. Alam mo naman mga kabataan ngayon. Ikaw din, Rhea. Ikaw din ang mahihirapan, hindi mo magagawa ang mga pangarap mo kapag pinabayaan mo sarili mo."
Rhea: "Hindi pa naman ako nagpapaligaw, eh. Tsaka wala pa sa isip 'ko 'yun."
Rain: "Basta isipin mo lang makapagtapos ka and matulungan mo si Daddy. 'Yun lang, huh?."
Rhea: "Yes, kuya."
Rain: "Tara kain na tayo."
Binilan din nila ng pagkain ang kanilang ama. Habang pauwi na sila ay tinanong siya ni Rhea about sa trabaho niya.
Rhea: "Kuya, dad told me about your work in America. Sabi n'ya ikaw daw ang mismong nagbabantay sa presidente nila do'n."
Rain: "Yes, i was his bodyguard."
Rhea: "Tsaka...sinabi rin sa akin ni Dad yung tungkol sa nangyari sa inyo ng kasama mo."
Rain: "Ah, 'yun."
Rhea: "Ano ba talaga ang nangyari, kuya?. Pwede mo bang sabihin sa akin?. Hindi ko kasi masyadong naintindihan yung kwento sa akin ni Daddy, eh."
Rain: "Masyado ka pang bata para sa mga bagay na 'yun."
Rhea: "Kuya naman, eh. K.J ka, ano?. Sige na, promise hindi 'ko sasabihin sa iba."
Rain: "Some things are better not to be told, bunso. Remember that."
Rhea: "Hmf, it seems your job made you paranoid."
Rain: "My job made me aware. I've seen how the world looks like. Kaya mag-ingat ka din, bunso."
Rhea: "...I'm sure mom is very proud of you, kuya."
Rain: "You think so?."
Rhea: "I know so. Kung nandito lang siya, i'm sure she will be happy for you."
Rain: "...Thanks, bunso."
Pag-uwi nila ng bahay ay kinausap din siya ng kanyang tatay. Kinamusta kung nagkaayos na ba sila ni Yuna.
BINABASA MO ANG
He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)
RomantizmIsang dalaga na kung saan ang lahat ng hinihiling ng mga tao ay nasa sa kanya na. Pera, kayamanan, magandang kinabukasan, magagandang mga kagamitan, pero para sa kanya ang mga ito ay hindi pa rin sapat para siya'y maging masaya. Hanggang makilala ni...