Episode 47

157 1 2
                                    

Buong araw pa ring tulala si Yuna at wala sa kanyang sarili, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin tumatawag sa kanya si Rain. Binuksan na lang niya ang T.V at nanood, nag-aliw sa mga programa sa telebisyon.

Nang ilipat niya sa balita ay merong lugar sa bansa na nasalanta ng malakas na bagyo, agad niyang tinawagan si Jackie para magbigay ng donation sa mga nasalanta.

Yuna: "Jackie, please call Mr. Unsay at pakisabi sa kanya na magdonate siya ng 5 million para sa mga nasalanta ng bagyo."

Jackie: "Yes, ma'am."

Nilipat ni Yuna ang channel at nilagay niya sa international news, nagbabakasakali na makita niya si Rain doon.

Naging public na ang problema tungkol sa mga stolen nuclear codes ng ibang bansa. Dahil dito ay maraming nagprotesta sa kani-kanilang mga gobyerno.

Piers: "Ngayon alam 'ko na kung bakit nila tinawag si Rain."

Yuna: "Bakit kasi nauso pa 'yang mga nuclear-nuclear na 'yan."

Piers: "Akala kasi nila dati Nuclear Assault ang way para ma-achieve ang world peace. Alam mo bang maraming namatay dahil sa nuclear na 'yan."

Yuna: "Hmf, world peace, hindi totoo 'yun. Kahit kailan hindi magkakaroon ng world peace sa mundong ito."

Piers: "...What's gotten into you?."

Yuna: "Huh?."

Piers: "Bakit ang bitter mo ngayon?."

Yuna: "Bitter?. Anong bitter sa sinabi 'ko?."

Piers: "O, ito na 'yung mga pinarequest mo."
(Binigay kay Yuna ang mga papers.)

Yuna: "Salamat."

Luigi: "Knock-knock."

Piers: "Uy, Sir Luigi. Good afternoon po."

Luigi: "Piers, sabi 'ko kahit Luigi na lang. Hehe."

Yuna: "Sorry hindi 'ko nasasagot 'yung mga tawag mo. Busy kasi ako and maraming kailangang tapusin."

Luigi: "Kita 'ko nga, eh. Okay lang."

Piers: "Maiwan 'ko muna kayong dalawa."

Luigi: "...I heard Rain's not here anymore."

Yuna: "Yes, nung thursday siya umalis."

Luigi: "Apat na araw na pala kung gano'n. So wala ka ng kasama ngayon sa bahay mo?."

Yuna: "Oo, wala na, ako na lang.  Teka paano mo nga pala nalaman na wala na si Rain?. Let me guess, tinawagan ka ni Papa?.""

Luigi: "Yes."

Yuna: "*Sigh*...Sabi na, eh."

Luigi: "...Parang mukha kang stress ngayon."

Yuna: "Ha?. Di nga?."

Luigi: "Hindi ka pa ata kumakain, eh."

Yuna: "Hindi naman ako nagugutom tsaka madami pa akong kailangang tapusin."

Luigi: "Tara, sama ka sa akin."

Yuna: "Ha?. Saan?."

Luigi: "You need to have some fun. Tara!."

He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon