Episode 54

161 1 4
                                    

Kahit alam ni Yuna ang dahilan kung bakit kailangang lumayo ni Rain ay hindi pa rin niya maiwasang malungkot at mag-isip.

Dalawang linggo ang nakalipas nung huli silang nag-usap, nasa isip pa rin  ni Yuna ang boses ni Rain.

Luigi: "—madami nang nagawa sa building na pinapaayos nina Dad at ni tito, baka this year matapos agad ng mga engineer natin 'yun..."

Yuna: "..."
(Tulala at wala sa sarili)

Luigi: "—maganda nga 'yun, di ba?. Mas mapapadali 'yung business sharing ng family natin together. To tell you the truth hindi na ako makapaghintay na makatrabaho ka..."

Patuloy lang sa pagsasalita si Luigi habang si Yuna naman ay tulala at nakatingin sa labas na para bang merong tinitignan.

Luigi: "Yuna?."

Yuna: "..."
(Tulala pa din at kanina pa pinaiikot-ikot ang kutsara sa kape)

Luigi: "Yuna!."

Yuna: "Y-yes?."

Luigi: "Are you okay?."

Yuna: "Ha?."

Luigi: "Lalamig 'yang kape mo, ayaw mo bang inumin?."

Yuna: "Ay, hehe. Sorry."
(Ininom agad ang kanyang kape)

Luigi: "Is something the matter?."

Yuna: "Wala naman. Bakit?."

Luigi: "Para kasing may...iniisip ka."

Yuna: "Wala 'yun."

Luigi: "May problema ba sa work?."

Yuna: "Wala naman, the company is running good and everything's fine...for now, hehe."
(Ngiting plastic)

Luigi: "...As i was saying..."
(Itinuloy ang kanyang mga sinasabi)

Pinilit na lang ni Yuna na makinig kay Luigi kahit hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi nito, walang pumapasok sa isip ni Yuna at ang tanging pangalan lang ng isang tao ang laging pumapasok sa isipan niya.

Pagkahatid sa kanya ni Luigi ay tinignan niya ang kanyang cellphone kung tumawag ba si Rain.

Yuna: "*Sigh*...What am i thinking?. Para namang tatawagan n'ya ako. Hay, naku keep dreaming, Yuna."

Dahil wala siyang pasok bukas, naisipan ni Yuna na magpuyat. Buong gabi siyang nag-download ng mga music at videos para hindi maisip si Rain, pero puro sad song naman ang kanyang pinapakinggan.

Yuna: "Grrr, ano ba?. Bakit ba ganito 'yung pinapakinggan 'ko?."

Nag-download na lang siya ng games sa cellphone at naglaro hanggang sa hindi na niya namalayan na 3:00 na pala ng madaling araw.

Hindi pa rin siya dinadalaw ng antok kahit pagod at maraming ginawa sa opisina kanina. Bumaba siya ng kusina para magtimpla ng gatas, dito malamang ay antukin na siya.

Paakyat na sana siya ng kuwarto pero nakita niya na nakabukas ang pintuan sa likod.

Yuna: "Alam 'ko sinara 'ko 'to kanina, ha?."

Sumilip siya sa labas at nakabukas naman ang mga ilaw sa likod. Muli ulit niyang ni-lock ang pintuan at tinignan isa-isa ang mga bintana kung nakasara.

He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon