Episode 33

227 2 3
                                    

After 3 days, hindi pa rin pumapasok o umuuwi sa bahay n'ya si Rain, hindi rin ito nagtetext o tumatawag sa kanya. Gusto na n'yang puntahan ito sa bahay nila pero natatakot s'ya na baka hindi s'ya kausapin ni Rain.

Mag-iisang linggo nang hindi nagpapakita ito sa kanya, nag-aalala na si Yuna baka hindi na nito naiinom ang mga gamot na bilin sa kanya.

Hindi n'ya magawang tawagan si Rain dahil binura n'ya ang number nito sa kanyang cellphone noong isang araw, wala rin s'yang number ni Rhea kaya wala s'yang balita tungkol kay Rain.

Hindi makapagtrabaho ng maayos si Yuna sa kaiisip sa kanya, meron pa naman silang lakad ni Piers ngayon.

Piers: "Yuna, ano ready ka na ba?."

Yuna: "..."

Piers: "Huy, Yuna!."

Yuna: "Kailangang sumigaw?. Naririnig kita."

Piers: "Hindi ka kasi sumasagot, wala ka na naman sa sarili mo d'yan. Umayos ka baka mawala ka sa focus mo mamaya kapag nasa harap na nila tayo."

Yuna: "...*Sigh*"

Piers: "...Ano ba kasi 'yun, ha?. Ano bang iniisip mo?."

Yuna: "Wala."

Piers: "Ilang araw ka ng ganyan, may napapansin na ako sa'yo, ha?."

Yuna: "I'm fine, Piers."

Piers: "Dahil ba kay Rain kaya ka nagkakaganyan ngayon?."

Yuna: "No, hindi!. Ano ba, bakit n'yo ba s'ya laging binabanggit sa akin?. Bakit lagi n'yong tinatanong sa akin kung nasaan s'ya?. Hindi 'ko alam kung nasaan s'ya, okay?. And i don't care kung nasaan man s'ya!. Tapos!."

Piers: "..."

Yuna: "...I'm sorry. Hindi 'ko sadyang sigawan ka."

Piers: "Meron na bang namamagitan sa inyo ni Rain, Yuna?."

Yuna: "..."

Piers: "Ano?. Meron na ba?."

Yuna: "...Bodyguard 'ko lang si Rain, 'yun lang. Walang namamagitan sa aming dalawa."

Piers: "Lagi kayong magkasamang dalawa, posible na mahulog ang loob n'yo sa isa't-isa."

Yuna: "...Walang sense 'tong pinag-uusapan natin. Halika na nga."

Kahit wala sa sarili si Yuna ay succesful naman ang naging deal nila sa kanilang mga ka-meeting.

Piers: "Matutuwa ang mga ibang kasamahan natin nito, halika na?."

Yuna: "Um...Uuwi na ako, ikaw na lang ang magsabi sa kanila."

Piers: "Ha?. Bakit?."

Yuna: "Tinatamad na akong bumalik sa opisina, tsaka tapos na rin naman 'yung mga dapat ayusin, di ba?."

Piers: "Ayaw mo bang i-celebrate ito kasama sila?."

Yuna: "Wala ako sa mood ngayon, Piers. Sorry, sige na alis na ako. Kita na lang tayo sa Monday."

Piers: "Pero, Yuna..."

Hindi na s'ya bumalik ng opisina, umuwi na s'ya sa bahay nila at nagpahinga pagkatapos ang lakad nila ni Piers.

Buong araw lang s'yang nasa kuwarto at iniisip kung babalik pa ba si Rain, isang linggo na kasi itong hindi nagpapakita o nagpaparamdam sa kanya.

He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon