Umalis sila ng walang paalam at pumunta sa isang sikat na park kung saan dinadayo pa ng ibang turista and lugar na iyon. Parang baywalk din iyon sa maynila, merong mga tsangge sa gilid, may mga nagbibisikleta at malapit din sa dagat.
Rain: "Wow, ang ganda naman dito."
Yuna: "Mabuti walang tao gano dito. Madalas kasing puntahan 'tong park na 'to."
Rain: "Meron palang ganito dito."
Yuna: "Tara, doon tayo."
(Hinatak na naman si Rain.)Umarkila sila ng isang Yacht at si Rain ang nag-drive. Bago nila gamitin ang inarkila nilang Yacht ay bumili muna sila ng makakain para daw may ningunguya sila habang pinagmamasdan ang mga bituwin.
Yuna: "Pa'no ka natuto mag-drive ng ganito?."
Rain: "Parang kotse lang naman 'to, eh. Madaling matutunan."
(Minamaneho ang Yacht.)Yuna: "Okay na dito. Dito na lang tayo."
Rain: "Okay, wait."
Inihinto ni Rain ang kanilang Yacht sa gitna ng dagat. Binuksan na nila ang binili nilang pagkain at dala nilang wine.
Rain: "Bakit kasi umarkila ka pa nito?. Hindi naman kailangan 'to, eh."
Yuna: "Okay lang. Kilala ko naman 'yung may ari nito kaya may discount tayo."
Rain: "Napagastos ka pa tuloy. I'm sorry."
Yuna: "Okay ng lang, ano ka ba?. Bakit ka humihingi ng sorry, eh idea ko naman 'to."
Rain: "Bakit, gusto mo akong ma-solo?."
Yuna: "Sira!. Buksan mo na nga 'yung wine."
Binuksan ni Rain ang wine at ininom nila ito. Humiga sila habang pinagmamasdan nila ang mga bituwin. Nakakita pa sila ng shooting star at agad silang nag-wish.
Rain: "Anong winish mo?."
Yuna: "Bakit ko naman sasabihin?. Edi hindi matutupad 'yun."
Rain: "Ako winish ko-..."
Yuna: "Ang kulit mo, sabi ngang hindi matutu-..."
Rain: "Ikaw."
Yuna: "...Ako?."
(Nagulat sa kanyang narinig.)Rain: "Yeah. Ikaw ang winish ko."
Yuna: "B-bakit ako?. Bakit hindi yung...parents mo or yung mga kaibigan mo?."
Rain: "Eh, ikaw lang ang naiisip ko ngayon, eh."
Yuna: "...Sira." (Yumuko na para bang nahihiya.)
Rain: "Hindi kaya."
Yuna: "Anong...winish mo para sa akin?."
Rain: "Oh, akala ko ba hindi matutupad 'yun kapag sinabi ko?."
Yuna: "Sinabi mo na, eh. Talagang hindi na matutupad 'yun."
Rain: "...Winish ko na sana lagi kang masaya, laging healthy, laging safe. 'Yung mga gano'n."
Yuna: "Sus, 'yun lang pala."
(Bulong sa sarili.)Rain: "And sana rin...balang araw handa mo na akong pakinggan sa mga sasabihin ko kung bakit ako biglang nawala noon."
BINABASA MO ANG
He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)
RomanceIsang dalaga na kung saan ang lahat ng hinihiling ng mga tao ay nasa sa kanya na. Pera, kayamanan, magandang kinabukasan, magagandang mga kagamitan, pero para sa kanya ang mga ito ay hindi pa rin sapat para siya'y maging masaya. Hanggang makilala ni...