Episode 29

250 1 3
                                    

Binisita nina Rain at Yuna sina Tatay Freddy at Rhea pagkagaling nila sa doktor. Pinagsaluhan nila ang pasalubong na kanilang dala at nag-stay sila doon hanggang gabi.

Rhea: "Kuya, ano palang plano mo sa Wednesday?."

Rain: "..."
(Hindi umiimik.)

Yuna: "Bakit, anong meron sa Wednesday?."

Rhea: "Ay, hindi pa ba alam ni ate, kuya?. Hindi mo pa sinasabi sa kanya?."

Yuna: "Anong meron sa Wednesday?."

Rain: "Ayun 'yung...death anniversary ni Mama."

Yuna: "Oh."

Rhea: "May plano ka na ba, kuya?. Magluluto ka ba ulit?."

Rain: "Hindi 'ko pa alam, eh. Tsaka may pasok kami no'n."

Rhea: "Gano'n, kalungkot naman. Akala 'ko magluluto ka ulit ng favorite ni Mama, eh."

Napa-isip tuloy si Yuna kung ano ang pwede n'yang gawin sa Wednesday. Pagkaakyat ni Rain sa kuwarto n'ya ay kinausap ni Yuna si Rhea tungkol sa Mama nila.

Yuna: "Bunso, ano bang madalas niluluto ng kuya mo sa death anniversary ni Mama?."

Rhea: "Meron kasing luto si Mama na favorite na favorite ni kuya. Gusto n'yang makuha 'yung exact na lasa ng luto ni Mama pero hindi n'ya makuha."

Yuna: "Anong luto ba 'yun?."

Rhea: "Bicol Express. Gustong-gusto ni kuya 'yun lalo na 'pag si Mama 'yung gumawa. Pilit na kinukuha ni kuya 'yung exact na anghang ng luto ni Mama pero hindi n'ya talaga makuha."

Yuna: "Bicol Express?."

Naalala ni Yuna ang dating pag-uusap nila ng Mama ni Rain, one time na nag-usap sila ay sinabi sa kanya ang sikreto na ginamit sa nilutong bicol express nito noon.

Yuna: "Oo nga!. Tama, ayun 'yun!."

Rhea: "Ha?. Anong ayun 'yun, ate?."

Yuna: "Don't worry, bunso. Ako nang bahala sa kuya mo."

Rhea: "Ha?."

Busy si Rain sa pagliligpit ng mga gamit n'ya sa kanyang kuwarto. Hindi n'ya maiwasang maalala na naman ang nakaraan nang makita n'ya ang larawan nila ng kanyang ina.

" My son, whenever you feel alone, just look into the stars. Think of me as one of them, I will always be there to guide you. "

Pagkatapos n'yang magligpit ay umuwi na sila ni Yuna. Hindi na naman nagsasalita si Rain, pagka-park n'ya ng kotse ay dumiretso na ito agad sa kuwarto. Gusto sanang kumatok ni Yuna pero baka hindi naman s'ya pagbuksan.

Yuna: "What's the matter with him?. Bakit...*Sigh*...Hayaan mo muna s'ya, Yuna. He wants to be alone for now."

Hinayaan lang n'yang nakabukas ang pintuan ng kuwarto n'ya, hinihintay n'ya kung tatabi ba si Rain sa kanya sa pagtulog. Hindi na n'ya nagawang pigilan ang antok n'ya at hindi na n'ya nagawang hintayin pa si Rain.

Pagmulat n'ya ng kanyang mga mata ay wala si Rain sa tabi n'ya, hindi ito tumabi sa kanya pero natatandaan ni Yuna na iniwan n'yang nakabukas ang pintuan ng kuwarto n'ya dahil ito'y nakasara na nung siya ay bumangon.

Yuna: "Wait, i could've sworn i left the door open last night."

Bumaba s'ya sa kusina at nakita n'ya na nakahain na ang almusal sa la mesa pero wala si Rain doon.

He's not my Boyfriend, He's my Bodyguard (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon