continuation of the past...last part

2.6K 38 11
                                    

Kabilugan muli ng buwan at ang plano ay magsasagawa sila ng ritwal katulad ng dati nilang ginagawa ngunit gagawin nila iyon sa bahay ni Igo dahil babalik ang mga halimaw upang maghasik muli ng lagin. Ngayon ang dalawang grupo ay nagsasagawa na ng ritwal...kabutihan laban sa kasamaan. Habang isinasagawa ni Lucifer ang kanyang ritwal ay inutusan nya ang kanyang mga likhang halimaw sa salakayin ang bahay ng kanyang kapatid na si Igo. HAbang si Igo naman ay nagsasagawa ng ritwal habang nakaalalay ang kanyang mga kasama. NAsa kalagitnaan na sya ng kanyang ritwal ng makarinig ang kanyang mga kasama ng ingay na nagmumula sa labas...at alam na nila kung ano ito...naging pula na naman muli ang buwan. Dahil nga sa kailangan ni matandang pinuno ang malalalim na konsentrasyon hindi na nila hahayaang magambala ito. Narinig na nila ang pilit na pagbubukas ng mga pintuan at binatana.  Kaya naman lumabas ang mga ito upang alamin ang mga nangyayari....paglabas nila'y sinag ng pulang buwan ang tumama sa kanila bagamat hindi sila tumingin dito. Naramdaman nila ang napaka init na tama nito sa kanilang katawan na naging dahilan upang magsi lapnos ang kanilang mga balat. Ngunit hindi iyon naging dahilan upang maging ganap silang mga halimaw...hindi sila tumitig sa dugong buwan kaya't hindi sila magiging alipin ng kasamaan.  Kahit na hapdi at kirot ang kanilang nararamdaman sa mga oras na yaon ay pinilit pa rin nilang makabalik sa kawarto kung saan nagsasagawa ng ritwal ang kanilang pinuno. Hindi nila ito nais gambalain ngunit kailangan din nilang ipaalam ang nangyayari dito.

Pinuno! Kailangan mo ng umalis. Pinapalibutan na nila tayo!" Ang sabi ng isa sa mga kasama ni Igo. At doon ay napatigil sa ginagawa si Igo...nang makita nya kung ano ang dinanas ng kanyang mga kasama ay galit ang naramdaman na naman nya. Hindi na nagtagal pa ang buhay ng mga ito. Kahit paano ay namatay sila sa kabutihan at hindi naging ganap na halimaw. Ngayon ay oras na para magharap ang magkapatid. BAgo lumabas si Igo ay kinuha nya ang mga pangontra na kanyang ginawa. KAilangan nyang ibudbod ang mga iyon sa katawan ng mga halimaw upang sa gayon ay mawakasan na rin ang kasamaan ng mga ito. MAsakit man sakanya itong gawin ay wala na syang magagawa dahil hindi na ito ang pamilya at mga kaibigan nya. Kampon na sila ng dilim. Ngayon ay handa na syang lumabas, naghagis sya ng mga pangontrang pulbos na kanyang ginawa...at dahil doon ay unti unting naging abo ang bawat mahagisan nito.....ng makalampas sya sa sandamakmak sa halimaw....tinungo nya ang burol kung saan alam nyang naroon si Lucifer at nagsasagawa din ng ritwal. HAharapin nya ito ano man ang mangyari.

" LUGAD!!!! HARAPIN MO AKO!!! KAILANGAN NG MATAPOS TOH!!! KAILANGAN NG MAWAKASAN ANG KASAMAAN MOOOO!!!!" sigaw nito...tumigil naman sa pagriritwal si Lucifer at nilingon ang kinaroroonan ng kapatid. Tila demonyo na talaga ang itsura nito.. At may namumuo na ring mga sungay.

" BUHAY KA PA PALA." sabi nito " AKALA KO NILAPA KA NA NG MGA ALAGA KO." pagpapatuloy pa nito.

" KAILAN MAN AY HINDI NAGWAWAGI ANG KASAMAAN LABAN SA KABUTIHAN!" ang matapang namang sabi ni Igo

" SINONG MAY SABE?" si Lucifer na nag aasar pa.

At pagkatapos ay hinamon na nya ito...kapangyarihan laban sa kapangyarihan...kasamaan laban sa kabutihan...kapatid laban sa kapatid...

Unang sumugod ay si Lucifer...ginamit nya ang kanyang kakayahang magpalabas ng apoy mula sa kanyang mga mapupulang mata. Gumamit naman ng panangga si Igo...at pagkatapos ay ay itinaas nito ang dalawa nitong kamay at pagkatapos ay bigla syang napalibutan ng apoy na kulay asul na nag korteng bilog ng may bituin sa gitna katulad ng nasa bahay nito.

" ANONG GINAGAWA MO!?" ang pagalit na tanong ni Lucifer ngunit hindi sya pinansin ng kapatid sa halip ay lumuhod ito sa gitna at nagsimulang nagdasal. Hindi alam ni Lucifer kung ano nga ba ang pina plano ni Igo...nakatingin lamang sya dito...samantala patuloy pa rin si IIgo sa pagdarasal...naiirita si Lucifer sa kanyang naririnig,..hindi nya alam kung bakit at tila pasakit ito sa pandinig at tila sya'y nasasaktan. Dinarasal pala nito ang AMA NAMIN sa lenggwaheng latin. Hindi rin sya malapitan ni Lucifer dahil may malakas syang panangga...ipinagpapatuloy nya ang pagdarasal hanggang sa makita nyang mula sa kinatatayuan ni Lucifer ay nabalot na ng liwanag  na korteng krus na kulay asul din. Walang magawa si Lucifer kundi ang mapasigaw...alam nyang malakas sya ngunit hindi nya naisip na may ganitong kakayahana ang nakababatang kapatid. Wala na syang nagawa pa hanggang sa sya lamunin ng liwanag na nagmumula sa krus ng kabutihan. Alam ng matandang Igo na tapos na ang kasamaan ng kapatid. Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang lahat...gusto rin nyang isuko ang kanyang kapangayrihan at ialay sa kinalakihang ISla upang sa gayo'y matapos na ang lahat...gamit ang kanyang natitirang kapangyarihan ay gusto nyang mapawala ang Isla...wala na rin syang pamilya at mga kaibigan...wala na ring dahilan para mabuhay pa sya..iaalay nya ang kayang kapangyarihan kapalit ng katahimikan at kapayapaan. Unti unti'y nguminig ang lupa...at nagsimula na ring makaramdam ng panghihina ang pinuno. Dahil unti unti ng nawawala ang kanyang kapangyarihan ...ito ang magiging kandado upang hindi na muling makalaya pa ang kasamaan ni Lucifer o ni Lugad na kanyang kapatid. At sumunod na nangyari ay ang paglubong ng ISla at binalot na ito ng asul na liwanag...

TARALETS ( Book 1 & 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon