Chapter 14- Spooky Nytz ( Growing Up)

4.1K 55 17
                                    

Matapos ang nakaka stress na week para sa grupong Growing Up. Ngayon naman ay aalis sila para dumalo sa isang convention sa Bulacan.

At dahil nasa Maynila lang naman sina Jason at Cassie ay pupuntahan na lamang daw nila ang mga ito sa Bulacan.

Sa Bus papunta ng Bulacan...

Magkatabi sina Ella at Tammy...Tikoy at Patrick...Winston at Britney. Hindi kasi available ang sasakyan nila Patrick.

Ilang oras pa ay nasa Bulacan na sila. Sa may paradahan ng tricycle. Nagpahatid sila sa address na kanilang tutuluyan...ng tatlong gabi.

" nandito na po tayo." sabi ng tricy driver..huminto ito sa may harapan ng malaking bahay na halatang napaka luma na.

" ito na po ba yun manong?" si Britney.

" Oo. Mag iingat na lamang kayo ha? Lalo na sa gabi." sabi ng tricy driver bago umalis.

Nakatayo na ang mga ito sa harapang ng malaking bahay. Sarado ang gate na kinakalawang na.

Nag doorbelle sila..... ding dong..

" May tao ba dito? Eh parang haunted naman tong bahay na toh ehh." Si Tikoy na halata ang pagtataka kung bakit doon sila pinapunta.

" Kaya nga. Tsaka anlaki naman ng bahay na yan para sa ating anim." Segunda naman ni Ella.

" Kaya siguro libre kasi ganito...nakakatakot yung place."giit naman ni Tammy.

Nagulat sila nang biglang bumukas yung gate....

" ai....bonggay!!! Matic pala ang gate ehh.. hitech." Nasabi naman ni Winston.

" Tara pasok na tayo." Aya ni Patrick sa mga kasamahan.

" Seryoso ka? " hindi kasi sila sigurado kung doon ba talaga sila tutuloy kasi parang wala namang tao at isa pa sinabi ng sir nila na may sasalubong sakanila.

" Eh bumukas na nga diba? Tara na!" si Patrick ulit sabay nag pati una.

" Huy Patrick!!!" Sinundan na ni Ella si Patrick At sumunod na din yung iba.

Tulad ng sa gate ay automatic din na nag bukas yung malaking pintuan na gawa sa narra.

" See? Winiwelcome talaga tayo." Britney

" Sana naman walang multo dito." Ella

" Sus! Kahit naman meron di sila uubra satin eh." Giit naman ni Tikoy.

" Weh? Bakit mo naman nasabi?"sabat naman ni Britney habang hinahawi yung mga sapot ng gagamba

" Syempre nandito ka...baka multo pa matakot sayo nuh.!"?" Sagot naman ni Tikoy sabay kindat kay Britney.

" Ang sama mo talaga Tikoy ka." Kunwa'y nainis naman ang dalaga pero syempre alam niyang biro lang yun.

" ito naman asar kaagad. Joke lang yun." Sabay akbay kay Britney.

Lahat ng gamit sa loob ay natatakpan ng mga puting tela...at halatang matagal ng walang nakatira dito dahil sa kapal ng alikabok at mga sapot ng gagamba..para talagang haunted house katulad ng mga nakikita sa TV

" Shit! Dito ba talaga tayo ma i stay ng tatlong gabi? Eh parang abandonadong bahay na ito ah. " reklamo ni Patrick...lakad lang sila habang hinahawi ang mga sapot.

" Baka naman maling address yung naibigay sa atin. Tawagan kaya natin si Mr. Garcia.?" suhestyon naman ni Tammy na hindi rin sigurado sa pinasukan nilang bahay.

" Sige Tammy ikaw na tumawag." Like a boss naman na utos ni Tikoy habang nakaupo sa isa sa mga upuan doon at naka de kwatro.

At tinawagan nga ni Tammy si Mr. Garcia na syang nag utos sakanila na dumalo ng convention...sya din ang nag bigay ng lugar na kanilang tutuluyan.

TARALETS ( Book 1 & 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon