Chapter 4 continuation....

4.7K 67 12
                                    

" Belle, wake up!" si Luisa.

Nanginginig talaga si Belinda. At dahil sa medyo malakas yung boses nila eh narinig sa kabilang kwarto...

Nang biglang bumukas ang pintuan...

"Anong nangyayari?" tanong agad ni Jacob sabay lapit kay Belinda.

"Jacob ang ate! anong gagawin natin? " nag papanic na si Bambi.

"tu-tulong!!!!" sigaw ni Belinda.

Hinawakan ni Jacob yung kamay nya tsaka niyakap.  " Belle c'mon wake up. Breathe with me. You'll be alright.

Nag mulat naman ng mata si Belinda at napayakap sya bigla kay Jacob.

" Muntikan na akong malunod." si Belle na nagsimula ng umiyak.

" Sshh..you're safe now. Tahan na andito lang ako di kita pababayaan." si Jacob.

Mula sa pintuan....

" ano nangyayari?" si Rick kasama sina Chris At Josh" Waaaaah porn" si Rick sabay takip kunwari sa mga mata niya.

Binatukan naman siya ni Chris kaya't nagtawanan silang lahat. Si Josh ay kaagad lumapit kay Bambi.

Si Chris kay Aya at si Rick kay Luisa.

"Ok na?" malambing na tanong ni Jacob kat Belle. Pinainom lang nya ito ng tubig..tumango lang naman ito.

"Sorry. " sabi lang ni Belle.

" Ano ba nangyari ?" si Rick ulit.

" Eh si ate kasi ehn.di makahinga kanina" si Bambi na medyo kinakabahan pa rin. Kilala niya ang ate niya at alam niyang nag nagpapanic attack ito kapag ganun. At isa pa maraming kinakatakutan si Belinda kahit na kung titingnan mo ay astigin at malakas.

" Ok na ako Bambi. Lika nga dito." si Belle. Lumapit naman si Bambi at niyakap ang kapatid.

" Sure ka ok kana ha?" si Bambi.

" Grabe ka Belle pinakaba mo kami dun ahh.." si Aya.

" Sorry. Napanaginipan ko kasi yung kanina eh. " paghingi naman ni Belle ng paumanhin. Ayaw niyang nag aalala sakanya ang mga kaibigan, lalo na't nandito dapat sila para mag saya. 

" Wag ng sad face dyan ang baby ko. Hinding hindi kita pababayaan." si Jacob sabay akbay sakanya.

" Baby ka dyan..." kontra naman agad ni Belle na binatukan pa si Jacob.

"Baby ka naman talaga ehh. Sarap mong alagaan.:-)))" si Jacob na bumabanat na naman.

" Ayown! Dumada moves si Fafa Jacob! My Idol my inspiration, my everything! ayus ka din tol! " si Josh na nagsimula na namang mangantiyaw.  "ikaw Bambi ok ka lang ba?Pati ikaw nanginginig eh. Masyado kang nag panic do you need my hug too?" yayakap palang sya ay sinapak na siya ni Bambi.

"Ayun nasapak na nga!" tawa ng tawa si Chris kay Josh na nasapak ni Bambi

"Eto naman yayakap lang eh." ngayon naman inakbayan ni Josh si Bambi. Napa hinga naman ng malalim si Bambi.

" Josh?" si Bambi.

" Yes my love?" si Josh sabay kindat.

" pag di mo tinanggal yang kamay mo masasapak ka na naman." seryong saad ni Bambi

" Ito naman. Kino-comfort ka lang ehh" si Josh na tinanggal na nga yung braso sa balikat ni Bambi.

" Ah wa epek tol? Hahaha...."tawanan sina Rick at Chris.

Sina Belle at Jacob ay nakikinig lang at nakikitawa sa lokohan ng mga kaibigan nila.

" Ok ka na talaga?" si Jacob.

TARALETS ( Book 1 & 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon