Westdrige Academy
Dito nag aaral ang grupong Tween Hearts.
Sabay-sabay pumasok ang mga ito... As usual bulungan at tinginan ang mga estudyante
" Grabe! Bagay na bagay yung grupo nila. Ang lakas ng dating. Ang g-gwapo at ang gaganda nila." pabulong na sabi ng isang babaeng kinikilig na makita ang sikat na grupo sa eskwelahan nila.
" Hindi ko parin akalaing sisikat tong grupo natin. Ako oo sikat na dati pa bilang mvp player ng basketball" sabi ni Chris with his head up.
" Nagyabang na naman ho siya." Pasaring naman kaagad ni Aya.
" Guys! Mauuna na ako sa inyo ha. Kailangan ko na kasing simulan yung pangangampanya ko for nextweek. " si Luisa na mabilis na umalis.
" Grabe talaga si Luisa...nag sasayang lang ng effort. Pustahan ako din naman panalo sa eleksyon eh." Pagyayabang naman ni Rick na natatawa pa.
" Nakz! Siguradong sigurado ka na ata dyan tol ah." si Chris sabay tapik sa balikat nito.
" Syempre! Kelan ba naman ako natalo di ba? " pag yayabang ulit ni Rick.
" O sya tama na yan. Baka masobrahan eh maging bad vibes pa ang good vibes natin ngayon. Goodluck nalang sa inyog dalawa." Aya
" Oo nga di nyo gayahin tong sina Bambi at Josh kanina pa naghaharutan, kala mo may sariling mundo." Sabay nguso ni Belinda sa kinaroroonan nila Bambi at Josh
" Eh kasi si Josh ate eh. Kung ano ano sinasabi. Kung si Chris daw ay sikat na MVP sa basketball at si Rick ay laging nananalong presidente tuwing eleksyon....saan daw sya naging sikat? Hahaha." sabi ni Bambi na natatawa.
" oh eh saan nga ba? " tanong naman ni Jacob na kahit kanina pa naka suksok ang headphone sa tenga eh nakikinig din pala.
" Sa pagiging rebeldeng pasaway! Sikat sa guidance!'' Bored na sagot ni Bambi.
" As if naman may rebeldeng laging nakikinig at hindi nagpapasaway" giit naman ni Josh.
"Eh bakit ba kasi di mo matanggal yang pagiging rebelde mo? Tss!" angal ni Bambi
"Eh ano bang pake mo?" sagot naman ni Josh na ginaya pa kung paano magsalita si Bambi para mang asar dito.
"Hoy! Kayong dalawa tumigil nga kayo! Mamaya magkapikunan na naman kayo ah! Umayos kayo!" saway naman ni Belinda
" Tama ang Belle ko" sabay pasimpleng inakbayan naman ni Jacob si Belinda kaya't tiningnan nya ito ng masama natatawang namang tinanggal ni Jacob ang braso sa balikat ng dalaga. Akala niya makakalusot na siya.
" Alam nyo ang O Oa nyo! Pumasok na nga lang tayo" giit naman ni Leslie na tumayo na at umalis.
" Anong problema nun?" Nakangusong tanong ni Chris. Lahat naman ay nag kibit balikat. Di pa ba sila sanay sa ugali ni Leslie. Siya lang naman ang KJ minsan sa grupo.
At pumasok na nga sila sa kani kanilang klase.
~~~~~
RUTHERFORD HIGHSCHOOL
Dito naman nag aaral ang grupong Growing Up.
Sina Ella at Tammy ay nasa isang ilalim ng puno nagbabasa. Habang sina Patrick at Tikoy naman ay nagpunta sa canteen upang bumili ng soft drinks.
Sina Britney at Winston naman ay nasa library at gumagawa ng research.
Samantala sa school canteen kung nasaan sina Patrick...
" Hi Patrick!" Bati ng mga girls kay Patrick na halatang kinikilig. Ngumiti naman ito sakanila at dahil doon ay nagtilihan ang mga kinikilig na girls. Kanya kanyang hampas sa kanilang mga katabi at ang iba ay halos maihi na sa kilig. Tawang tawa naman si Patrick sa tuwing nagkakagulo ang mga girls dahil sa kanya. Gwapo si Patick at maangas ang dating, kahit sinong babae ay magkaka crush dito.
BINABASA MO ANG
TARALETS ( Book 1 & 2 )
FanfictionAng grupong Tween Hearts at Growing up ay magsasama sama sa iisang kwento. At magkakaisa ng grupo upang harapin ang iba't ibang kababalaghan...iba't ibang pangyayari ng sama sama. Kung mahilig ka sa love story..dito meron..kung sa horror..dito din m...