Nakauwi na ang mga ito sa kani kanilang mga bahay.
Sa bahay nila Bambi at Belinda...kasalukuyan silang nagmemeryenda nang sabay na tumunog ang kanilang mga cellphones. Gm galing kay Jacob. Ang sabi may battle of the band daw na gaganapin nextweek doon sa kanilang coliseum. Ang price daw ng champion ay makaka tanggap ng 20k at trip to Puerto Prinsesa Palawan.
Matapos mabasa ng dalawa at ng iba pa nilang mga kaibigan ang text ni Jacob ay nag reply ang mga ito. Halos pare parehas ang mga text ng mga ito.
They're keen to join the contest. Practice will start tomorrow.
Sa other side naman sa grupong Growing Up... Sa bahay nila Tammy ay nag p praktis na sila para sa Battle of the Band. Sa isang kwarto sa bahay nila Tammy ay puro mga musical instruments na ginagamit nila sa tuwing mag p-praktis sila. Sa grupo nila si Patrick ang Bass guitar,si Tikoy naman ang Drummer,si Jason ang Guitarist, si Ella ang sa keyboard at si Tammy ang Vocalist kasama si Britney na second voice. Si winston naman ay taga ayos ng kanilang instrument. Taga cheer narin sakanila.
Kararating lamang ni Jason galing manila dahil tapos na ang exams nito.
"So kamusta kayo habang wala ako?" tanong ni Jason sa mga ito.
" Ok lang bro. Ayun may na meet kami kamakailan lang." sagot ni Patrick habang busy sa pag aayos ngbkanyang bass guitar.
" Sino naman? " tanong ulit ni Jason.
" Yung grupong Tween Hearts dun sa kabilang school. Grabe mga yun tol tutulong na nga aangasan ka pa." si Tikoy naman ang sumagot.
" Pano mo naman nasabi? Eh kung ikumpara mo sila dito kay Patrick mas maangas pa yan eh." si Ella naman ang sumabat.
" Ba't ba ako na naman nakita mo? Yung mukang toh...(sabay turo sa mukha)gwapo ang tawag dito hindi maangas. Pero sige dahil sinabi mo na rin na maangas ako. Di sige gwapong maangas. O ano?" sagot naman ni Patrick sabay kindat kay Ella na lalong kinaasar nito.
" Ewan ko sayo! Yabang!" si Ella ulit na inirapan si Patrick.
"Oy madam,baka akala mo ha, ikaw ang may kasalanan kaya lalo tayong pinag tripan eh kung hindi mo sinagot sagot yung lasing na yun hindi tayo mapapa trobol, hindi sana umepal yung kabila. Baka akala nila mga duwag tayo at walang kalaban laban." Patick
"Eh bakit nagsabi lang naman ako ng totoo ah tsaka so what naman kung tumulong sila mabuti nga yun para di nasira yang pagmumukha mo, kung hindi sila dumating malamang sa malamang.." sagot naman ni Ella.
" Hay naku! Ituloy nyo na nga praktis nyo kesa magbangayan na naman yung dalawa dyan." sabi naman ni Winston. " pero infairness ang gu-gwapo nila" dugtong pa nito na tila kinikilig.
" Mocha?!!! " si Britney na pinandilatan naman ang jowang si Winston.
" Ah eh...vanilla baby naman. what I mean is gwapo at magaganda pala sila talaga. Pero sabi nga ni Tikoy eh medyo maaangas sila...yung isang babae dun parang ang sungit." sabi nito. Ang tinutukoy ay si Leslie.
"Baka naman ganun lang talaga sila. Maangas ang dating pero mababait. Ikinuwento nga ni Tammy sakin yung nangyari sa inyo eh. Buti nalang sumaklolo sila diba?" saad naman ni Jason.
" Tama! Tara na nga kailangan na ulit nating mag praktis. I can't wait to go to palawan." sabi naman ni Tammy.
Ang grupong Tween Hearts naman nagkita kita sa bahay nila Jacob para doon pag usapan ang tungkol nga sa pa contest.
Napag usapan na nila kung sino ang mga bubuo ng banda. Si Jacob ang vocalist at guitarist,si Chris naman ang drummer, si Josh ang sa Bass guitar kasama si Rick. Sina Luisa , Aya at Leslie ay sa Tambourine at si Bambi naman sa keyboard. May nakalimutan ba? Ah si Belinda pala...syempre vocalist ka duet ni Jacob.
BINABASA MO ANG
TARALETS ( Book 1 & 2 )
FanfictionAng grupong Tween Hearts at Growing up ay magsasama sama sa iisang kwento. At magkakaisa ng grupo upang harapin ang iba't ibang kababalaghan...iba't ibang pangyayari ng sama sama. Kung mahilig ka sa love story..dito meron..kung sa horror..dito din m...