Special Chapter: S

22 0 0
                                    

Nico's POV

Around 1 am nang dumating si Eya dito sa hospital. May kotse lang na nag hatid sa kan'ya, lumabas yung naghatid sakan'ya pero may binigay lang na kung ano.

"Ay, nand'yan ka pala 'di kita napansin." sabi ni Eya, nakatingin parin ako dun sa kotse feeling ko familiar.

"Pa'no naka focus dun sa kasama, boylet mo?" tanong ko.

I can be who I am naman pag nandito sa hospital, may mga nag kakagusto parin naman sa'kin na mga nurse at doktor.

"Halata ba?" napatigil naman ako sa paglalakad.

"Oh my Go—"

"Biro lang ano ka ba!" pinutol naman n'ya yung gulat ko, walanja.

"Ano ba naman yan, kala ko okay kayo ni Zach? Friends na okay pala." sabi ko, bago pumasok sa office n'ya.

"Ah, sila na ni Mich last last year pa ata. I don't know, bahala s'ya." pinagkibit balikat n'ya naman, umupo nalang ako sa may small sofa n'ya dito.

"About pala sa nililigawan ko. Nalilito ko sa sarili ko, okay lang sa'kin na pang 2 taon ko na s'ya nililigawan ngayon—" sabi ko habang nag chachat. S'ya naman ay nag bihis pero may barrier naman na parang pang japanese ata yon or korean pero plain lang yung design.

"2 YEARS? MAY BALAK BA YANG SAGUTIN KA?" sigaw nito.

"Oo, kilala na 'ko ng pamilya eh." napa 'ohh' naman s'ya.

"You'll be 27 next month, 3rd mo na yan 'no." sabi n'ya at sinuot yung white coat n'ya.

"Yeah. I really like her." napangiti nalang ako habang iniisip s'ya.

"Mukha kang baliw na nangiti. Tara na." sabi nito pero nangingiti din.

"But honestly I'm happy for you. What's her name? HAHAHAHAHA ang daya ha." pumunta muna kami sa E.R. para mag check ng patients.

"Alexandria. That's her name." nakangiti ko paring sabi.

"HAHAHAHAHA ang ganda, patingin ng pictureee!" ayan na nangulit na, napailing ako pero pinakita ko 'din.

"Ang ganda nga grabe ka, anong trabaho n'yan?" tanong n'ya pa.

"Nurse.. sa palawan." napahalakhak naman s'ya.

"Kaya naman pala." napasimangot naman ako, may nakita kaming bata sa emergency room. I think he's around 8 years old.

"Oh, anong nangyari dito?" tanong ni Alth sa nurse, dahil pilit na iniiwas nung bata yung kamay n'ya kahit halatang nasasaktan na s'ya.

"Ah, doc ayaw n'ya po kasi ipagamot pero doc it's a second degree—"

"Come on ate, isinahod ko naman na 'to kanina sa running water at kaya ko naman na. Ito kasi e, dapat 'di nalang tayo pumunta." nakita kong mukang nabanlian ng mainit na tubig yung kaliwa n'yang kamay.

"Doc paki gamot po s'ya, pleaseeee!" lumapit sa'kin yung kasama n'yang mas bata mukhang magkapatid.

"Nasa'n ang mga magulang n'yo?" tanong ni Alth, seryoso s'yang nag susulat ngayon at nakasalamin na kaya ang intimidating.

"H'wag mong takutin. Nurse ako na dito." sabi ko kay Alth na tumaas pa ang kilay, at ako na ang nanggamot dun sa bata.

"Ayan, anong pangalan n'yo?" tanong ko sa dalawa, medyo walang pasyete sa ngayon.

"Hello po, ako po si Sunny! Ito naman po si Kuya Jill." nginitian ko naman sila, at sinabing ihahatid sa bahay nila nang may dumating na mag asawa.

Sinabi nito na nasa trabaho sila nang mangyari ang aksidente. Sabi naman ni Jill gumagawa sila ng soup dahil daw birthday ni Sunny ang tagal daw kasi ng parents nila at marunong naman daw s'ya sa kusina. Parang antanda n'ya na magsalita, nagsorry naman ang mga magulang nito dahil wala sila nang mangyari ito, bago naman umalis ang mag asawa nagtanong pa sila kung may babayadan, umiling naman ako at kumaway nalang sa mga bata. Mukhang ang katapat na condominium ang tinutuluyan nila kaya nakapunta agad sila.

"Ang hilig naman sa bata pwede ka na maging ama." tatawa tawang sabi ni Alth, inirapan ko naman s'ya.

"Hoy, sa true lang 'no. Tamo madami kang pera, gwapo, mabait, pero doktor nga lang." I know her point, mahirap unawain ang schedule namin.

"'Di bale nurse naman jojowain mo." sabi n'ya at nilagpasan ako, napangisi tuloy ako.


Every month meron at meron akong nagiging schedule sa Palawan. That's not because I'm pulling some strings, but because they want me there. I can't say no, syempre may benefit naman ang pagpunta ko dun. There's a time nung pumunta ko sa palawan..

"Ali!" marahas naman s'yang napatingin nakakunot ang noo, ang cute.

"Anong ali?" nagmadali s'ya lumapit at inilayo ako sa madaming tao at kinurot.

"Ouch, masaket." sabi ko, ineexpect ko na titinis ang boses ko but that didn't happened.

"Stop calling me Ali, how many times do I have to tell you? There are so much couples ang gumagamit n'yan." nakakunot parin ang noo n'ya.

"Ah, you don't like that? That's also your acronyms diba? how about honey bunch? sugar cake? pluffy baby—" bigla n'ya kong binatukan.

"We're not a couple that's what I meant." sabi n'ya, tinawanan ko naman s'ya.

"We will be, soon." nilapit ko ng bahagya ang mukha ko at sinabi 'yon bago s'ya lagpasan.

"See you later, Ali!" pahabol ko pa at pumunta sa main office.

She will eventually get used to that, since her parents and siblings are approved to me. Napangiti nalang ako, I know she likes me too her sister said that.

"Ali.. I like it." napangiti nalang ako while murmuring bago kausapin ang chairman.

######

A/N: Hello guys! I'll be uploading Special Chapters, hope u enjoy it! Thank you for supporting! Kindly hit the star in every chapters you like, see you next chapt <3

Kwento Ko at ng Kuya Kong Famous and His Cassanova FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon